51

179 2 0
                                        

STAR'S POV

PAANO lumabas iyon? Hindi puwede! Hindi dapat!

May video ngayong kumakalat sa internet... video namin ni Luxwell habang naghahalikan sa ibabaw ng kama niya. Tanging boxer lang ang suot niya habang ako naman naka bra at panty na lang. Maikli lang 'yong video nasa one minute lang at puro sa paghahalikan lang ito.

Dapat ba akong matuwa kasi hanggang do'n lang ang inabot ng video at hindi na umabot pa sa puntong may ginagawa na kaming milagro? Umani na ito ng milyon-milyong views at negative comments.

________________________________________________________________________

*Comments:

Dorathy Magalang
Tang *na mo ang landi mo! 😡🔪

Inday_Wanda45
Mamatay ka na sanang babae ka!

Ezmeralda Gamba
Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal ng magulang mo?

Cutie_Pie_Girl
Jusko! Hindi ba marunong mahiya ang babaeng iyan?

Majo Josa
Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Siguro malandi din nanay ng babaeng iyan!

Queen_Bhi
Napaka landi mo! Dapat pala hindi lang itlog 'yong binato namin sayo kundi granada para mamatay ka ng hayop ka!

Shashabeks30
Kapag talaga nakita kita ulit kakalbuhin na kita!

Jowabells
Ako kapag nakita ko iyang babaeng iyan bubuhusan ko siya ng asido sa mukha!

Pelepenang Delag
Napaka landi naman ng babaeng iyan!

Aina Manalo
Ang kapal-kapal ng mukha! Mahiya ka naman ate ghurl!

Essang Ganda
Sana kung nasaan man ngayon ang babaeng iyan. Sana tamaan siya ng kidlat ng sampung ulit!

Rosalinda Cachola
Siguro no'ng nagpaulana ng kalandian may dalawang swimming pool ang babaeng iyan kaya nasalo niyang lahat.

Agnes Malyaring
Kaladkaring babae! Nakakahiya ka!

Belindangs
Bukaka pa more para sa pera!

Arlene Felipe
PA na pumapatong sa boss? Yuck! Kadiri kang babae ka! Mukha kang pera!

Geneva Cross
I know her, ka-barangay namin siya dati kaso pinalayas na sila. Buti nga sa kanila. Pero alam n'yo ba bago pa siyang naging PA, naging basurera muna siya. Mahadera talaga iyang babaitang iyan. Ni hindi nga namin alam na PA pala siya ni Luxwell. Tinatago niya kasi lalandiin niya pala!"

Petchie_Ong
Masarap ba ate ghurl? Mas masarap ba kaysa sa ibang mga lalaking natikman mo?

Berto Lambre
Magkano ka ba Miss? Kahit laspag ka na pagtitiyagaan kita.

Marie Wannabe
Kant*t pa more

Miss_bangs33
Alam mo ate gurl, sayang ka, ang ganda mo pa naman kaso sa likod ng maamo mong  muha, napaka landi mong gaga ka!

Queen Sea
Bakit ka pa ba pinanganak ng nanay mo? Isa kang salot sa mundong 'to!

Bianca_King14
Kung kalandian lang din ang ambag mo sa mundong 'to pwes mamatay ka ng hayop ka!

Jessicangs03
Wala na, may nanalo na pagdating sa kalandian.

D A L I A
Pwede siya 'Guinness World Records', PINAKA MALANDI SA BUONG MUNDO.

... See more
________________________________________________________________________

Sunod-sunod pumatak ang mga luha ko.

"Prend?" nag-aalalang tawag sa akin ni Tesbam.

Sino?... Sinong may gawa nito?

Paano? E, kami lang ni Luxwell ang magkasama no'ng mga panahon na iyan... kaya paano?

Nangingnig na ako. Halo-halo na ang emosiyong nararamdamn ko pero mas nangingibaw ang kaba at takot.

Hinawakan ni Tesbam ang kamay ko. "Prend kumalma ka."

"Prend, kailangan kong makausap si Luxwell ng personal!" Natataranta na ako. Tumayo at akmang lalabas ng bahay ng...

"Saan ka pupunta?" Si kuya. Natigilan ako at napalingon sa kaniya. Kasalukuya siya ngayong papaba ng hagdan.

"Hindi ka aalis. Mainit ang mga mata sayo ng tao dahil sa letseng video na iyon na kumakalat!" mariing sabi niya.

"P-pero... k-kuya kailangan kong makausap si L-Luxwell. Kailangan naming mag-usa—"

"Hindi ka aalis." Punong-puno ng awtoridad na sabi niya.

"P-pero k-kuy—"

"Dammit! Makinig ka naman, Stannah!" Sigaw niya. "Kahit ngayon lang!"

Wala na akong nagawa kundi sundin na si kuya. Naiintindihan ko naman siya, nag-aalala lang siya sa akin, ayaw niya lang akong mapahamak. Napanood kaya niya yong video?

"K-kuya?..."

Hindi siya sumagot.

"K-kuya 'yong about sa vid—"

"Bakit?" putol niya sasabihin ko. "Bakit hinayaang umabot kayo sa gano'n? Bakit ibinigay mo ang sarili mo sa lalaking iyon?"

"K-kasi mahal ko siya, kuya..."

"Bakit gaano ka ba sigurado na mahal ka din ng lalaking iyon?"

"Mahal niya ako. Alam ko... ramdam ko..."

"Puwes mali iyang nararamdaman mo na iyan! Ang lalaking iyon hindi marunong magmahal."

"Kung ano naman ang isiyu mo kay Luxwell, labas ako doon. Huwag mo na siyang siraan pa dahil kahit anong mangyari hindi ko siya lalayuan. Kaya please lang, kuya... hayaan mo na lang ako--hayaan mo na lang kami.

...

SINUBUKAN kong tawagan si Luxwell pero nakapatay naman ang phone niya. Tama! Si Miss Miriam na lang. Dinial ko ang number ni Miss Miriam. Hindi naman ako nabigo dahil nag-ring ito at sinagot nito.

"Oh my goodness, Star! Buti na lang napatawag ka, tatawagan na rin sana kita, e."

"Bakit po Miss Miriam?"

"Para sabihin sayo na huwag ka munang pumunta dito o lumabas dahil masiyadong delikado, mas dumami ang haters mo nang lumabas 'yong video n'yo ni Luxwell. But don't worry dahil inaayos ko na, pinadi-delete ko na 'yong video na nagkalat sa internet at pati rin 'yong mga pictures n'yo. Huwag ka ng mag-alala cause everything is under my control now."

"Salamat po Miss Miriam at pasensiya na po sa gulong dinulot ko. Si Luxwel po, kamusta po siya? 

"Si Luxwell, he's planning na magpa-press conference."

"Po?"

"Lilinawin niya na sa madla kung ano talgang meron sa inyong dalawa."

"Gagawin niya po talaga iyon?"

"Yes. Cause he really loves you, Star."

Mahal na mahal ko din siya.

"Pero Miss Miriam, hindi po ba maapektuhan ang career ni Luxwell sa gagawin niya?"

"Kung talagang mahal siya ng mga tagahanga niya, they will support him no matter what happens. At rerespituhin nila kung anong gusto at magpapasaya kay Luxwell."

Siguro sobrang mahal lang talaga nila si Luxwell. Gusto lang nilang mapabuti ito to the point na gumagawa na silang ng mali. Pero para nga ba talaga sa ikakabuti ni Luxwell ang ginagawa nila? Para kasing hindi. Masiyado na nilang pinakikialaman ang buhay ng bebeloves ko.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon