23

85 0 0
                                    

STAR'S POV

PAGBALIK namin sa set ay nagshooting pa rin ng ilang eksena ang ibang artista.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Stepharot kung saan nakita ko ito sa malayong direksiyon, ngunit ng makita niya si Luxwell ay tumakbo na ito papalapit sa kinaroroonan namin.

Yuck! 'Yong dede niyang lawlaw, umaalog. Hindi ba siya nahihiya?

Hindi naman sa judgemental ako, pero kasi sadyang nagsasabi lang ako ng totoo.

At lalong hindi ako insecure sa kaniya. Ang kapal niya naman kung ganoon.

Grabe naman ang suot niya. Paano ba naman kasi naka two piece swimsuit lang siya. Ang sagwa lang!

Hindi niya ba alam kung anong size ng dede niya? Ang liit kasi sa kaniya ng bra niya, utong na lang ang natatakpan.

Hala! Napaka bitter ko naman. Anyway, heto na ang haliparot, nakalapit na sa amin.

"Hello, Luxwell. Saan ka ba nagpunta? Bigla ka na lang umalis kanina." Pabebeng sabi ni Stepharot kay Luxwell, tapos ay saglit siyang tumingin sa akin sabay irap.

"May inutos at pinagawa lang ako kay Star," sagot ni Luxwell.

"Bakit sa kaniya pa? Bakit hindi lang ako--sa akin?"

Ay... balak pa yata niyang agawin ang pagiging PA ko.

"Ahm. Miss Stephanie, pinalaba kasi ako ni Luxwe-este ni Sir. Gusto n'yo pong maglaba? Tamang-tama Hyindi pa po ako tapos."

"Nakakatuwa naman itong PA mo Lux, ang joker. Mukha bang gusto kong maglaba?"

Natutuwa daw pero bakas sa mukha niya ang labis na inis.

"Ang ang sabi n'yo po kasi kanina ay sana kayo na lang ang sinama ni Sir. Pinalaba niya po kasi ako ng sobrang dami." Pinagdiinan ko talaga 'yong salitang 'sobrang dami'. Wala lang, gusto ko lang siyang asarin at inisin.

"Ang funny talaga nitong PA mo, Lux. Ano nga ulit name niya?" Tanong niya kay Luxwell habang hinihimas ang braso nito.

Ang kati ng kamay ng babaeng 'to.

Inunahan ko na si Luxwell sa pagsagot. "Star po ang pangalan ko. Speaking of star, gusto n'yo po bang makakita?" Just say yes at ngayon din sasapskin kita para makakita ka ng star, star na umiikot.

"Star?" seryosong tawag sa akin ni Luxwell.

"B-bakit, po?" Bigla akong dinapuan ng kaba. Sa tono pa lang boses niya parang binabalaan niya na ako.

"Iwan mo muna kami," aniya.

Kahit ayaw ko ay wala naman akong magagawa. "S-sige po."

Sumulyap muna ako kay Stepharot, inismiran niya ako at inirapan. Sinuklian ko naman siya ng ubod ng tamis na ngiti.

...

LUXWELL'S POV

ANO bang pinagsasabi ng babaeng iyon? Talagang hindi niya pinalagpas sa kalokohan niya si Stephanie.

Pero sa totoo lang, kanina ko pang gustong tumawa, nagpipigil lang ako. Halata kasi sa mukha ni Stephanie na inis na inis na siya pero mas pinili niya pa rin na magpanggap na natutuwa siya kay Star.

I decided na paalisin na lang si Star dahil baka magkainitan pa sila.

"Lux, huwag kang magagalit, ah? Pero kasi hindi ko gusto ang ugali ng PA mo. Masiyadong papansin at feeling close din. Hindi rin siya marunong gumalang sa mas nakakaangat sa kaniya."

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon