STAR'S POV
PASADONG alas dose na at ang lahat dito sa set ay nagsisikain na, habang ako heto nandito sa CR, nilalabhan ang damit ni Luxwell na natapunan ko ng sauce ng hindi sinasadya.
Actually si Stephanie ang may kasalanan, napaka pabida kasi, e!
Hinahain ko na ang pagkain ng bebeloves ko ng bigla na lang sumulpot sa bandang gilid ko ang haliparot na babae kaya ayon nagulat ako at 'yong hawak kong mangkok na may lamang ulam tumapon sa damit ni Luxwell, buti na lang medyo malamig na 'yong ulam kasi kung nagkataong napaso ang bebeloves ko... itaga n'yo sa bato makakatikim sa akin ng isang malagutok na sampal ang babaitang iyon!
Halos umusok nga ang ilong ni Luxwell sa galit, alam kong gusto-gusto niya na akong singhalan at sigawan, hindi niya lang magawa dahil maraming tao ang makakakita sa amin.
Panigurado mamaya kapag kaming dalawa na lang ay saka niya papaulanan ng mga maaanghang na salita.
Kailangan kong labhan itong damit niya dahil ito kasi ang damit na ginagamit niya sa shoot. Hindi puwedeng bigla na lang siyang magpalit ng damit.
Laking pasasalamat ko lang dahil kulay navy blue itong damit kaya madali ko lang nalabhan. Pagkatapos ko itong labhan ay ginamit ko ang buong lakas ko para pigaan itong damit. Kailangan matuyo ito agad, itatapat ko na lang electric fan habang bino-blow dry ng hair dryer para masa mabilis matuyo.
After one hundred year finally tapos na rin. Chineck ko ang wrist watch ko para tignan kung anong oras na, ala una na pala mahigit.
Naks, taray may relo. Binili ko lang 'to sa tiyanggi, one hundred fifty pesos lang naman 'to, kailangan kasi sa trabaho ko. Ang cute nga ng design e, hello kitty.
Gutom na ako. Hindi ako nag umagahan kanina. Ngayon naman mukhang hindi ako makakapag tanghalian. Puwede pa kayang kumain? May natira pa kayang pagkain? Sana meron pa.
Pagbalik ko sa set ay tapos na silang magsikain, at nagsisipaghanda na para sa pagsalang ng mga arstista sa susunod na eksena.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Luxwell at natagpuan ko siya sa harap ng vanity mirror, kasalukyan na siyang inaayusan.
Lumapit ako sa kaniya. "A-ahm, Sir ito na po ang damit n'yo." Ibinaba ko ito sa table sa harap niya at habang binababa ko ito ay ramdam ko ang mga titig niya sa akin through mirror.
"May itnabi akong pagkain sa tabi ng mga gamit mo. Kumain ka na para naman hindi ka nanghihina," aniya sa masungit na tinig.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti. Kinikilig ako, grabe! Ang sweet ng bebeloves ko. "S-Salamat." tanging nasabi ko at nautal pa ako.
Wala na akong sinayang na sandali, tinakbo ko na direksiyon kung nasaan naroon ang mga gamit ko.
Kumislap ang mga mata ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang styro container, pero nang buksan ko ito ay nanlumo ako at the same time nasaktan...
Anong tingin niya sa akin... aso na kumakain ng tira-tira?
Ang laman kasi ng styro ay mga buto ng pinagkainan nila.
Binalingan ko ng tingin si Luxwell. Nakatingin din siya sa akin habang may naglalarong ngisi sa kaniyang labi.
Mahilig din pala sa mga prank-prank itong bebeloves ko.
Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Gusto ko kasing ipakita sa kaniya na hindi ako affected sa ginawa niya. Nag-iwas lang siya ng tingin.
Haist! Akala ko pa naman makakakain na ako. Buti na lang sanay ako sa gutom. Magtutubig na lang muna siguro ako. Tsaka ayos na rin ito, kunwari diet ako ngayon.
"Here." Bigla na lang may kung sinong naglahad sa akin ng isang taklob ng sandwich, nakalagay ito sa isang platito. Nag-angat ako ng tingin para malaman kung sino ito.
Si Denrix pala. Artista din siya. Isa din siya sa bida, siya 'yong kaagaw ni bebeloves ko kay haliparot. Ka-love triangle, iyon ata ang tawag do'n.
"I made that, alam ko kasing hindi ka pa kumakain. Mahirap mag trabaho ng walang laman ang tiyan," aniya pa. Ang sweet naman this guy. Hindi ko gaanong kilala ang artistang 'to. Pero in fairness ang bait niya at guwapo rin siya, pero mas guwapo pa rin ang bebeloves ko ng higit sa isang daan na pursiyento. Para sa akin ang batayan ng salitang kagwapuhan ay si Luxwell, my bebeloves.
Napatingin ako sa ibinibigay niyang pagkain. Lalong nagwala ang tiyan ko sa gutom.
Chu-choosey pa ba ako? Siyempre hindi na 'no! Huwag na huwag tatanggi sa sa grasiya.
Tinanggap ko ang ibinigay niyang sandwich. "S-salamat..." pagpapasalamat ko sa kaniya.
"You're Star, right?" tanong niya.
Tumango ako.
"I'm Denrix, Denrix Roque." Pagpapakilala niya habang nakalahad ang kamay sa akin para makipag kamay.
Agad ko naman itong tinanggap. Nakipagkamay ako sa kaniya habang may matamis na ngiti ang nakaukit sa aking labi.
"Nice meeting you po, Mr. Roque," magalang kong sabi.
Bahagya siyang natawa. "Drop the 'Sir' and 'po', Denrix na lang."
"A-ahm, kung iya-"
"Hoy, babae?" Boses ni Luxwell na nagpainto sa akin sa pagsasalita. At kasalukuyan na siyang papalapit sa akin. "Binabayaran kita para magtrabaho hindi para makipag daldalan," masungit na sabi niya. .
"Maiwan na kita dito, Star. Kainin mo iyan, ah?" ani ni Denrix bago ako tuluyang iwan.
"Bakit kausap mo ang lalaking iyon, ha?" tanong pa ng bebeloves ko.
"Nagmagandang loob lang naman kasi siya na bigyan ako ng pagkain. Buti pa nga siya, e. Kaysa sa iba diyan na... really tira-tira talagang pagkain? Ano ako, aso?" matabang kong sabi sa kaniya.
"Tsk! Kung hindi ka ba naman kasi tatanga-tanga edi sana nakakain ka," aniya at talikuran na ako. Naglakad na siya pabalik sa puwesto niya kanina.
Imbes na magpaapekto sa sinabi ng bebeloves ko, pinagtuunan ko na lang ng pansin itong ibinigay na sandwich ni Denrix.
In fairness ang sarap ng sandwich niya, pero bitin, e. Sana manlang ginawa niyang limang piraso para solid at paniguradong busog
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...