22

112 1 0
                                    

STAR'S POV

ANG daan na tinatahak namin ay palayo na sa mga tao.

Saan naman kaya ako dadalhin nitong bebeloves ko?

Hala! Baka nagseselos siya sa amin ni Denrix?

'Di kaya?

Oh my juice! Baka nga siguro!

Ang ganda ko talaga. Biruin n'yo, dalawang kilalang actor, pinag-aagawan ang beauty ko?

Hahaha! I feel so beautiful today!

Pero wala naman siyang dapat ikaselos dahil ako'y sa kaniya lamang at siyempre siya naman ay akin lang.

Kay Luxwell lang magpapakalampag ng sagad. Siya lang ang magiging dahilan ng pabayo nitong aking dibdib.

"Ahm, mawalang galang na Mr. Luxwell. Saan mo pa ba ako dadalhin?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot.

"Galit ka ba?" tanong ko pa.

Hindi pa rin siya sumagot.

Bad mood ata 'tong bebeloves ko. Isasara ko na lang 'tong mouth ko. Ayaw kong masinghalan, lalo na ngayon na nagkakamabutihan na kami.

...

LUXWELL'S POV

DAMN! Bakit kasama niya ang Denrix na iyon? At talagang makatabi pa sila!

Nalingat lang ako saglit, may kasama na agad siyang iba!

At bakit niya ibinigay ang cellphone niya sa lalaking iyon? Ibinigay niya ba ang number niya? Ano, they will message each other? Magtatawagan sila?

Damn!

Nang masigurado kong wala ng puwedeng makakita o makaranig sa amin ay binitawan ko na ang braso niya.

"Hayyyy... sa wakas! Buti naman tumigil na rin kami. Sakit na ng paa ko," Star murmured.

Hinarap ko siya, tsaka pinagkatitigan.

"Ah... eh... A-ano bang gagawin natin dito, ha Lux-"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita.

"Bakit, kasama mo ang lalaking iyon?" seryosong tanong ko.

"Ah. Si Denrix ba?"

'Damn! Sino pa ba? May iba pa ba? Malamang siya!'

"N-nilapitan niya lang ako, para bigyan ng sandwich," mahinang sabi niya.

"Bakit sa kaniya ka nanghihingi? Bakit hindi sa akin? Hindi ba kita pinapakain, ha? Tinitipid ba kita? Kung gutom ka sabihin mo sa akin... hindi 'yong kung kani-kanino ka nanghihingi." Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"H-hindi naman ako nanghingi sa kaniya. Binigay niya iyon ng kusa, nakakahiya namang tanggihan... nagmamagandang loob lang naman siya, e..." aniya sa maliit na tinig.

Nagdadahilan pa!

"Ikaw nga nagpahalik kay Stepharot. Sinugod ba kita do'n?" She murmured.

What did she say? Stepha-what? At ano naman ngayon kung hinalikan ako ni Stephanie?

Honestly, maski ako nagulat din sa ginawa ni Stephanie. But wala naman na akong magagawa dahil nangyari na.

So, iyon ba ang dahilan kaya nakasimangot siya kanina? Akala niya ba hindi ko iyon napansin? E, sa haba ng pagkakanguso niya ay kahit sino makakapansin iyon.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon