3

147 3 0
                                    

LUXWELL'S POV

"DRE, napadala ko na 'yong news paper na pinagawa mo." ani ng kaibigan kong si Quel. His an owner of Newspaper Publishing Company. Nagpagawa ko ng isang pirasong diyaryo sa kaniya, na gagamitin ko para maumpisahan ko na ang binabalak ko.

"Dre, ano bang gagawin mo do'n? Bakit isang piraso lang? At bakit out of the blue biglang naghahanap ka na lang ng PA? Akala ko ba hindi mo kailangan niyan?" kunot noong tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya ang binabalak ko. Paniguradong mangingialam na naman siya.

"Ahm, Sir excuse me po. Nandiyan na po si Miss Dellova, 'yong nag-aaply pong PA n'yo." Singit ng babaeng hindi ko kilala, pero natatandaan ko siya 'yong inutusan kong sumalubong kay Dellova.

"Tama ba ang narinig ko? Dellova?" Gulat na tanong ni Quel. "Dre, anong binabalak mo, ha?"

"Ang matagal ko na dapat ginawa. Ang pagbayarin ang pumatay sa kapatid ko."

Si Stanley Dellova... pinatay niya si Lawella!

Lawella is my younger sister. My sister loves Stanley so much, but he always reject her, paulit-ulit niyang ipanamukha sa kapatid ko na he loves someone else. Pinagtulakan niya ito so many times. Dinamdam iyon ni Lawella. Hindi niya kinaya ang mga rejections at insecurities na naramdaman niya. Maybe because she's too young to handle her own feelings and emotions. She's just 16 for Pete's sake. Na-depressed siya, then... she killed herself. Tumalon siya sa building. Kung sana naging considerate at naging sensitive lang ang gagong Stanley na iyon sa nararamdaman ni Lawella baka buhay pa rin siya hanggang ngayon.

Hanggang ngayon malinaw pa rin sa isipan ko ang itsura niyang nakabulagta sa semento habang naliligo sa sarili dugo... at wala ng buhay.

Si Lawella na lang ang kaisa-isang meron ako. Ang magulang namin, wala na sila, bata pa lang kami nang mamatay sila dahil sa car accident.

Tinuring ko siyang prinsesa tapos sasaktan lang siya ng gagong Stanley na iyon!

I promise to her na ipaghihiganti ko siya--na gagawin kong impiyerno ang buhay ng taong nanakit sa kaniya! Damay na ang pamilya niya!

"Dre, nag-suicide si Lawella hindi siya pinatay," asik ni Quel.

Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. Dali-dali ko siyang sinugod at kinuwelyuhan. "Hindi niya gagawin iyon kung hindi dahil sa hayop na Stanley na iyon!" mariing sabi ko.

Tinanggal niya ang pagkakakuwelyo ko sa kaniya. Pagkatapos ay inayos niya ang nalukot niyang damit.

Sa lahat ng ayaw ni Quel ay nalulukot ang damit niya. Guluhin mo na ang lahat pero huwag lang damit niyang siya mismo ang nag plansta.

"I'm sorry, I just carried away," hingi ko ng paumanhin.

"It's okay, but iyon na ang unang at huli mong beses na gagawin iyon," seryosong sabi niya.

Iniwan ko na rin agad si Quel para puntahan ang taong kating-kati na akong pahirapan.

Nagtungo ako sa office ng manager ko, do'n ko na lang interview-hin ang kapatid ng gagong si Stanley.

Ilang saglit pa ay may narinig na akong pagkatok. Siguradong siya na iyan. Pumahit ako patalikod sa direksiyon ng pinto.

Narinig ko na ang pagpihit at pagbukas ng pinto, maging ang kaniyang mga yapak papasok.

"So, Ikaw na ba si Stannah Raizen DELLOVA?" pagsisimula ko.

"A-ahm... o-opo, a-ako nga po," utal na sagot niya.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon