STAR'S POV
HAIST! Bakit kaya may mga taong hindi malaman kung may utak ba o wala? Biruin n'yo kasi kagabi, bigla na lang may bumisina ng pagkalakas-lakas sa tapat ng bahay namin.
Kung sino man ang damuho na iyon-hindi niya ba naisip na baka may natutulog na? Kasi hello... kalagitnaan na kaya ng gabi iyon! Siguro nakainom ang damuho na iyon! Huwag lang talaga siya ulit makadaan-daan sa amin kung hindi pauulalan ko ng bato ang sasakyan niya.
Lahat kaya kaming magkakapit bahay napalabas ng hindi oras. Balak pa naman sana naming tambangan ang gumawa no'n, ang kaso ilaw na lang ng sasakyan ang natanaw namin.
"Oh, magkape ka muna, hija. Para naman magising ka, kanina ka pa tulala diyan e," ani ni Miss Miriam habang binababa ang isang cup ng kape na may tatak ng isang kilala at mamahaling brand ng kape. Pamilyar ito sa akin dahil ganito palagi ang binibili ko dati. Ngayon hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng panghihinayang. Para sa isang cup ng kapeng wala namang ikinaiba gaano sa ordinaryong kape ay gagastos ka ng mahigit isang daan, samantalang puwede namang bumili na lang ng kapeng 3 in 1, tweenpack pa kaya dalawang beses ka pang makakapag kape, unlike sa mamahalin na cup lang ata ang binabayaran.
"Salamat po dito, Miss Miriam," ani ko, sabay tanggal sa takip ng kape at sinimsim ito. Agad itong humagod sa lalamunan ko. Sarap, na-miss ko ang lasa nito.
"So, anong problema, ha hija?" tanong niya na ngayon nakaupo na sa harapang upuan ko. Oo nga pala, nandito kami sa office niya. Si Luxwell, ayon tulog pa daw. At huwag na huwag daw akong magkakamaling gisingin siya kung ayaw ko daw mabugahan ng apoy.
"So, ano nga hija?"
"Po?" Nakakahiya naman, ngayon pa lumutang ang isip ko.
"Your problem?"
"Ahh... wala po, medyo buwiset lang po ako sa nangyari kagabi."
"Bakit ano bang nangyari?"
"Naku Miss, hindi na po. Nakakahiya naman po kung pati 'yong maliit na problema ko ay idudulog ko pa po sa inyo."
"Hay naku, Star. Para namang iba ka na sa akin. Kaya sige na, i-chicka mo na sa akin. Tutal mamaya pa naman ang gising ng suplado mong boss kaya pati ang shoot niya ngayon na-move mamaya. Ang mga production staff ang mag a-adjust diyan kay Luxwell, ganiyan ka spoiled ang boss mo na iyan."
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti. Itong bebeloves ko... parang hari talaga.
"Ehem." Tikhim ni Miss Miriam. Tinaasan niya ako ng isang kilay. Gusto niyang iparating na... 'Ano na? Kanina pa ako naghinhintay.'
"Ganito pa kasi iyan Miss, kagabi po kasi may gagong bigla na lang bumisina ng ubod ng lakas sa harapan ng bahay namin!" nanggigigil na sabi ko. "Kaya ayon, nawala ang antok ko. Imbes na makapagpahinga ako kagabi ay magdamag akong dilat."
"Mga anong oras ba nangyari iyan?"
"Siguro mga alas diez po."
"Mukhang alam ko na kung sinong may gawa niyan," bulong niya. Hindi ko ito narinig ng malinaw.
"Ano po?" tanong ko.
"Ah, wala. Sige na ubusin mo na iyang kape. Dito ka lang titignan ko lang kung gising na si Luxwell," aniya bago ako iwan.
Nang bumalik si Miss Miriam ay kasama na nito si Luxwell na mukhang kakatapos lang mag-shower dahil basa pa ang buhok nito. Hindi yata uso sa kaniya ang hair blower. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuhan ni Luxwell, he's wearing a white plain shirt na humahakab sa matipuno niyang katawan. Sana ako na lang ang damit niya, para ako ang yumayakap sa katawan niya. Ehe, landi!
Dire-diertsong naglakad si Luxwell papalapit sa... sa akin?
Oh my?
"Good morning," bati aniya habang nasa akin ang tingin.
Ako ang binati niya ng good morning 'di ba? Kasi sa akin siya nakatingin, e.
Oh, ma-ma-my! Ang puso ko! Lalabas na ata sa aking dibdib!
Nang makalapit na siya sa akin ay... umupo siya sa tabi ko. As in sa tabi ko talaga!
Oh, my!-Oh, my!... Oh, may heart!
"Isara mo iyang bibig mo, baka pasukan ng langaw iyan," nakangising bulong sa akin ni Luxwell.
Agad kong kinapa ang bibig ko. Yikes! Nakanganga nga ako. Nakakhiya! Buti hindi tumulo ang laway ko!
"Hindi ako nakanganga. Ini-exercise ko lang ang panga ko," pagpapalusot ko.
"Okay. Sabi mo," aniya.
At ang sumunod niyang ginawa ay labis kong ikinagulat at ikinalaglag ng panga ko...
Ininuman niya ang kape ko!
"Sarap naman nito," aniya matapos simsiman ang kape ko.
"A-akin po iyan... k-kape ko po iyan." Halos bulong na sabi ko.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na ikinabilog ng mga mata ko. Panigurado mukha ng ewan ang itsura ko.
Halos isang dakal na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. "Hindi ko naman inaangkin," he said in a husky voice. Tengene nemen! Ang sexy ng voice niya! Parang ang dating tuloy sa akin inaakit niya ako.
"M-meron ka namang sayo, e." Turo ko sa kapeng katabi lang ng kape kong nakapatong sa lamesita.
"Ayaw ko niyan. Palit na lang tayo." Muli siyang sumimsim sa kape ko.
Napatanga ako sa sinabi niya.
"M-may laway ko na iyan..." ani ko sa maliit na tinig.
"Hmn?"
"Ang sabi ko may laway ko na iyan," ulit ko.
"So?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"H-hindi ka ba n-nandidiri?" Although confidence naman ako na mabango ang hininga ko, pero kasi may mga artista kasing sobrang maarte at maselan.
"Nope. Ang sarap pa nga, e." Sabay kindat sa akin habang may pilyong ngiting nakaukit sa labi niya.
Napatanga ako sa ginawa niya. Anong nakain ng bebeloves ko at... bakit good mood ata siya ngayon?
"A-aray!" Bigla na lang niya akong pinitik sa noo. Agad kong hinimas ang noo ko. "B-bakit mo ako pinitik?" tanong ko.
He chuckled. "Mukha kang tangang nakatulala."
Napalabi ako. "Naninibago lang naman kasi ako sa mga kilos mo," bulong ko.
"Sorry," biglang sabi niya.
"Ha?" Nalilito ako.
"I'm sorry for being rude to you these past few days. Pasensiya na sa hindi magandang pakikitungo at pagtrato ko sayo." Ramdam ko ang sincerity niya.
Nginitian ko siya ng sobrang tamis para iparating sa kaniya na ayos lang at wala na sa akin iyon.
"Ehem, kung hindi naman ako nakakaistorbo sa inyong dalawa, baka puwedeng lumarga na tayo dahil kanina pa naghihintay sila direk Obet sa set." Biglang singit ni Miss Miriam.

BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomansLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...