STAR'S POV
FINALLY tapos na ang shoot ni bebeloves ko, pasadong alas siyete na ngayon ng gabi, mas maaga kaming natapos ngayon kumpara no'ng mga nakaraang araw.
Sana lang talaga hindi napanis itong mga tinake out namin sa resto. Sobrang dami pa kasi ng natira, sayang naman kung mapapanis lang.
Nakakatuwa naman. Ngayon kasi tinulutulungan na ako ni Luxwell my bebeloves sa pag liligpit at pag-aayos ng mga gamit niya. Halos siya na nga ang gumawa ng trabaho ko, e.
Kasalakuyan kami ngayon nasa building ng UABC, sa eksaktong lokasyon nandito kami sa opisina ni Miss Miriam. Saglit lang kaming nagpapahinga dito, tamang kape lang na ako mismo ang nagtimpla. Natakot nga akong ipagtimpla si bebeloves, e. Baka kasi hindi niya magustuhan dahil hindi naman ito mamahalin, pero ikinagulat ko ng humingi siya sa akin, ipagtimpla ko rin daw siya... at take note, sobrang lambing pa ng pagkakasabi niya. Kaya ayon, ipinagtimpla ko na rin siya, naka ilang tikim pa nga ako, masiguro ko lang na perfect ang pagkakatimpla ko.
Heto, magkatabi kami ngayon sa sopa habang sumisimsim ng kape. Hayyy... ang sarap talaga ng kape, nakakatanggal ng pagod.
Pagkatapos kong magkape ay inayos ko na ang sarili ko.
"Ahm, Luxwell?"
"Uhm?"
Tengne! Bakit ba ganiyan siya makatingin sa akin? Kanina pa siya titig na titig sa akin. Medyo nakakaramdam na ako kaunting ilang. Kayo kaya titigan ng ultimate crush slash idol n'yo? Ewan ko lang kung hindi kayo matunaw.
"Ahm, uuwi na ako..." paalam ko.
Wala akong tugon na nakuha sa kaniya.
Tinalikuran ko na siya at ambang bubuksan na ang pinto ng...
"Star?" Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Luxwell.
"Uhm. Bakit?" tanong ko.
"Ihahatid na kita. Gabi na. Delikado na sa daan."
"Naku, hindi na, kaya ko na, sanay na ako. Isa pa, pagod ka sa shoot mo kanina. Magpahinga ka na lang."
"I insist. Ihahatid kita sa ayaw as sa gusto mo." Ma-autoridad at pinal na sabi niya.
Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siya. Hindi na rin naman siya magpapapigil pa, e.
.
.
.
Nasa sasakyan niya kami ngayon.
"Luxwell, hindi mo naman kasi ako kailan pang ihatid pa. Dapat nagpahinga ka na lang. Maaga ka pa bu-"
"Tapos, ano? Hayaan kitang mag-commute mag-isa sa kalagitnaan ng gabi?" Ang seryoso ng tinig niya.
"Sanay na naman na ako..." halos bulong na sabi ko.
"Damn!" mahinang mura niya. "From now on palagi na kitang ihahatid."
"May magagawa pa ba ako? Wala naman na 'di ba? Ikaw ang boss, ikaw ang masusunod."
Hindi nagtagal ay narating na namin ang tapat ng munti kong barong-barong.
"Salamat sa paghatid. Salamat din dito." Ani ko habang bahagyang inangat ang supot ng pagkaing tinake out namin.
Tinanguhan niya lang ako.
"Paalam. Ingat sa pagmamaneho," ani ko bago bumaba sa sasakyan niya.
Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa bahay. At sa loob ng bahay, hindi ko napigilan pa ang magtitili at magsisigaw.
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...