45

169 2 0
                                        

STAR'S POV

"SAAN ka pupunta?" tanong ni kuya Stanley.

"May pasok ako ngayon sa trabaho," sagot ko.

"Trabaho? Anong trabaho?"

"PA ako ni..."

Sabihin ko bang ni Luxwell? I think huwag na pala. Baka maging dahilan pa ito ng muling pagtatalo namin.

"...ni S-Stephanie Brabante," pagpapatuloy ko. Muntik na akong masuka nang banggatin ang pangalan ng haliparot pinigilan ko lang. May silbi rin pala siya sa buhay ko kahit papaano.

"Anong oras ka uuwi?" tanong niya pa.

"Dipende kung anong oras matapos ang shoot ng boss ko."

"Ihahatid na kita."

"Hindi na, kaya ko na ang sarili ko," tanggi ko.

"Are you sure?"

Tumango ako.

"Kung ganoon, mag-ingat ka."

Payak ko lang siyang nginitian.

.

.

.

PAGKARATING ko sa UABC network ay agad akong natungo sa kuwarto ni Luxwell. Hindi ko pala nasabi sa inyo na ang kuwarto ni bebeloves ko ay nasa dulong palapag nitong building kaya ang hassle lang kasi medyo matagal ang ilalagi ko sa loob ng elevator.

"Tok, tok." Katok sa pinto ng kuwarto ng bebeloves ko. Hindi nagtagal ay bumukas na ito.

"Good morning." Nakangiti kong bati sabay tingkayad at ambang hahalikan siya sa kaniya pisngi ng... bigla niyang iniwas ang kaniyang mukha. Nasaktan ako sa ginawa niyang iyon pero hindi ko na lang pinahalata. Hindi siguro maganda ang gising niya.

"Ang daya mo. Tinatawagan kita kahapon pero hindi ka naman sumasagot. Tinetext din kita kaso hindi ka rin nagrereply. Bakit ba bigla ka na lang umalis? Hindi mo tuloy nakilala si ku—"

"Bakit ka ba nandito? Ano bang kailangan mo?" iritado niyang tanong.

"A-ano kasi may pohotoshoot ka ngayon," mahina kong sabi.

Nagsusungit na naman ang bebeloves ko.

"Mauna na kayo, susunod na lang ako." Ambang isasara niya ang pinto ng agad ko siyang pinigilan.

"S-sasabay na lang ako sayo..."

"Anong hindi mo naintindihan sa sinabi ko?"

Napalunok ako. "S-sige tetext ko na lang sayo 'yong location ng photoshoot m—"

Pinagbagsakan niya ako ng pinto.

Kapag lang talaga nawala ang sumpong niya humanda siya sa akin dahil pipitikin ko talaga itlog niya.

.

.

.

"Oh, nasaan na si Luxwell?" tanong sa akin ni Miss Miriam.

"Mauna na daw po tayo, susunod na lang daw po siya."

"Nagsusungit na naman ba siya?"

"M-medyo po." Napayuko ako.

"Alam mo ba kahapon pa siya ganiyan. Biruin mo pag-uwi alak agad ang inatupag."

"Uminom po siya?"

"Oo at sobrang nagpakalasing kamo."

"May problema po ba siya?" nag-aalala kong tanong. Kasi 'di ba kadalasan ang mga taong nagpapakalunod sa alak ay may pinagdadaanan.

"Iyan ang hindi ko alam. Hindi naman kasi siya nag-o-open up sa akin. Alam mo naman ang isang iyon masiyadong mailap. Pero sa tingin ko parang meron nga, mabuti pa siguro ikaw ang kumausap sa kaniya tutal naman mukhang close na close na close na rin namn kayo." May makahulugan niyang sabi.

Hala! May alam na kaya siya tungkol sa amin ni Luxwell?

"Sige po, susubukan ko po siyang kausapin mamaya," aniko.

Tulad ng gusto ni Luxwell nauna kami ni Miss Miriam sa location ng photoshoot niya, pero hindi nagtagal ay dumating na rin naman si Luxwell. Agad ko siyang sinalubong, may bibit akong kape ng kilalang brand.

"Alam kong hindi ka pa nagbe-breakfast kaya heto ang kape, inumin mo na hanggat mainit pa. Kailangan mo ito dahil medyo marami-raming shot ang kukunan sayo." Inabot ko sa kaniya ang kape pero nalalag ang panga ko sa ginawa niya. Tinabing niya ang kape dahilan para mahulog at matapon ito sa sahig.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "Star, huwag kang iiyak. Pigilan mo iyan." Sita ko sa sarili ko.

"A-ahm, pasensiya na. H-hindi maayos ang pagkakahawak ko sa kape. Ibibili na lang kita ng ba—"

Nilagpasan niya lang ako.

Halos lahat ng tao dito studio nakatingin sa amin, even Miss Miriam na bakas sa mukha ang pag-aalala. Binigyan ko siya ng payak na ngiti para iparating na ayos lang ako.

Hinabol ko si Luxwell at sinabayan hanggang makarating kami sa dressing room niya. At pagkapasok na pagkapasok namin ay agad ko siyang niyakap mula sa likuran.

"Alam mo ikaw, ha. Masiyado mo ng kinarir iyang pagsusuplado mo. Hindi porke mas lalo kang gumagwapo kapag nasusungit ay gagawin mo ng bisiyo iyan. M-may nakain ka na naman sigurong hindi mo type ang lasa 'no? Kaya ba masungit ka na naman, ha?" tudyo ko sa kaniya. "Tama na, hindi na nakakatuwa. Ibalik mo na 'yong Luxwell ko na very sweet and caring--'yong bebeloves ko."

Kumawala siya sa pagkakayakap ko at pumihit paharap sa akin. Walang kahit na anong mabakas na eskspresiyon sa mukha niya. "Makakaalis ka na." He said coldly.

"H-ha?"

"Bingi ka ba?" singhal niya na pagpataranta sa akin. Ayaw kong mas lalo siyang magalit.

"Ah... eh... p-pasensiya na—"

"Pakisara ang pinto paglabas mo," malamig pa rin niyang sabi.

"L-Luxwell?"

"What?" Iritado ang tinig niya.

"Lagi mong tatandaan na mahal kita..." wika ko at tinalikuran na siya. Ambang lalabas na ako ng kuwarto ng...

Bigla niya akong niyakap mula sa likuran.

"Oh, fuck!" mahina ngunit mariin niyang mura. "I'm sorry, baby! I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry! Please, baby, patawarin mo ako!" Garalgal ang boses na bulong niya sa tenga ko.

Tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigil.

"I'm sorry, I'm sorry for my rude behavior, kung nasaktan kita, kung nasungitan kita at napagtaasan ng boses. Magulong talaga ang utak ko kanina. I'm really sorry, my baby..." Pinihit niya ako paharap sa kaniya at walang sabi-sabing pinangko ako at iniupo ako sa may vanity mirror. Tumayo siya harap ko at pinagkatitigan ako sa mukha habang pinapahid ang luhang kumalat sa aking mukha.

Kung kanina ay blangko ang ekspresiyon ng mukha niya ngayon naman ay puno ito ng pagkabahala at pagsisisi.

"H-huwag mo ng uulitin iyon, ha?" Wala pa ring tigil sa pagtulo ang luha ko.

"Shhh.. tahan na. I'm really sorry, okay? I promise hindi ko na uulitin. Hinding-hindi na talaga. Fvck! Ayaw kong mawala ka sa akin!"

"A-alam mo bang gusto kitang suntukin? Ang gago mo kasi, e."

"Hey, baby, dont cussed." He put his index finger on my lips.
 
"E, kasi naman ikaw, e!

"I know. Oo, tama ka, gago nga ako."

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Wala akong paki kung hindi na siya makahinga. Ito ang parusa niya sa pagpapasakit sa puso ko.

"I love you my baby..." bulong niya then he kissed my temple.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon