STAR'S POV
"NGAYONG gabi magse-celebrate tayo para sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikula ni Luxwell. Kaya walwalan na ito! Yuhooo!... Magpakalasing lang kayo dahil si Luxwell ang taya!"
Nagsigawan ang mga kasama namin, mga production staffs at ilang artista na nakasama ni Luxwell sa movie nang marinig ang sinabi ni Miss Miriam.
Kung sila masaya... ako hindi. Paano ang kJ nitong si bebeloves ko.
Binigyan ako ng damit ni Miss Miriam para may maisuot ako ngayon, pero heto ang suot ko ngayon, pantalon at t-shirt.
Ayaw ipasuot sa akin ni Luxwell ang binigay ni Miriam, kesyo masiyado daw maiksi, tapos kita daw ang balikat ko at kung ano-ano pa ang sinabi niya, kahit ang totoo ay napaka disente naman nito. Mema lang talaga itong si bebelooves ko--mema ipagbawal lang. Napaka possessive niya. Ayaw pa akong diretsohin at sabihin na natatakot siya na maging sobrang maganda ako, although given na talaga iyon. Ayaw niya sigurong may tumingin sa aking ibabang lalaki. Hindi naman talaga maiiwasan iyon. Ganda ako, e.
Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili bangko, sadyang mahal ko lang talaga ang sarili ko. Maganda ako, iyan ang tingin ko sa sarili ko. Ikaw na nagbabasa nito, maganda ka din, lahat tayo maganda. Hindi natin kailangan ng approval ng ibang tao or kung anong sasabihin nila sa atin. Kasi ikaw or tayo mismo makikita natin ang sarili nating kagandahan. Pagtitiwala lang sa sarili ang kailangan.
Gusto n'yo bang malaman kung anong ginawa ni Luxwell sa damit na binigay ni Miss Miriam? Simple lang... pinunit niya ito para sigurado daw na hindi ko na talaga maisusuot.
Muntik na nga akong maiyak, e. Kasi panigurado mahal ang bili do'n ni Miss Miriam, tapos pupunitin niya lang basta-basta?
Ang sabi niya papalitan niya daw... pero anong ipinalit niya? Itong suot ko na pantalon at t-shirt na size niya pa 'ata dahil sa sobrang laki.
Sayang balak ko pa naman sanang kabugin si Stephanie na ngayon na nakasuot ng tube mini dress na kulay silver. Tsk! Nagmukha siyang bangus na hindi nakaliskisan. Edi siya na ang kumikinang.
Kainis! Sa suot ko para tuloy akong hindi belong at nag-gate crash lang sa kasiyahan na ito.
Oo nga pala nandito kami sa bar na ipinasara pa talaga ni Luxwell para kami-kami lang 'yong nandito.
Tignan mo itong lalaking ito, kami-kami lang pala ang nandito tapos ayaw pang ipasuot sa akin 'yong damit. Minsan magulo din itong utak ni Luxwell, ang hirap niyang espelengin, pero still love ko pa rin siya, he's still my bebeloves no matter what happens.
"What is that face, hmn?" malambing na bulong ni Luxwell. Nakaupo siya sa tabi ko.
Panatag siya na lumapit sa akin ng ganito dahil kaming dalawa lang sa table at nasa bandang madilim din kami na puwesto. Tsaka abalang-abala ang lahat sa pagsasaya.
"Wala ito. Huwag mo na lang akong pansinin." Hindi naman ako galit sa kaniya, nagtatampo lang ng very light.
"Gusto mo ba talagang isuot ang damit na iyon, hmn?"
Ang daya ng lalaking ito. Ginagamitan niya ako ng paglalambing. Para namang kaya ko siyang tiisin. Marupok na kung marupok.
"Luxwell?" tawag ko sa kaniya.
"Hmn?"
Niyakap ko siya. Ipinalupot ko ang mga braso ko sa bewang niya at Isinandal ko ang kabilang mukha ko sa dibdib niya. Grabe, ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti. Hindi ako makapaniwalang nagagawa ko din pa lang gawing abnormal ang tibok ng puso niya katulad ng ginawa niya sa puso ko.

BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...