STAR'S POV
NASA set kami ngayon at itong si Luxwell imbes kinakabisado ang script niya ay nandito siya sa aking tabi at hawak-hawak ang kamay ko sa ilalim ng table. Buti na lang medyo malayo kami sa iba.
"Luxwell, ano ba! Baka may makakita sa atin---este sayo pala--sa ginagawa mo," suway ko sa kaniya.
"Who? Everyone are busy," katwiran niya.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Oo nga naman. Teka, pansin ko lang. Bakit wala ang haliparot? Hayyy… buti naman. Sana palagi siyang wala para naman hayahay ang buhay ko, pati na rin ang buhay pag-ibig ko.
"Ten minutes na lang sasalang ka na. Maghanda ka na, mag internalize ka na," ani ko kay Luxwell.
"Hindi ko na kailangan niyan," aniya habang patuloy pa rin ang paglalaro sa kamay at mga daliri ko.
Hiyang-hiya naman ang kamay kong magaspang at puro kalyo sa kamay niyang ubod ng lambot. Mukhang mas kamay pa ng babae ang kaniya.
Pinagasapang na kasi ng trabaho ang mga kamay ko. Hindi rin uso sa akin ang paggamit ng lotion dahil bukod sa wala akong pambili nito ay wala din naman itong kuwenta. Hindi naman ako mabubusog dito. Mas dapat na gamitin ko ang pera sa mas importante at mas may makabuluhang bagay kaysa sa mga luhong wala naman sa lugar at hindi naman kailangan.
Walang may mag-iisip na may ginagawang kababalaghan si Luxwell sa ilalim ng table dahil bukod sa paglalaro sa kamay ko ay abala din siya sa panonood ng kung ano sa cellphone niya. Napaka multi tasking naman ng lalaking 'to.
"Okay. Start na tayo. Puwesto na, puwesto na." Sigaw ni direk Obet.
Mukhang wala atang balak tumayo itong bebelove ko kaya naman kinalabit ko na siya gamit ang isa kong kamay. "Mr. Delavrin, tinatawag na po kayo ni direk, magsimula na daw."
Masiyado na siyang napasarap sa pagkakahawak sa kamay ko, para ngang ayaw niya ng bitawan pa, e.
Hindi niya ako pinansin. "Uy... Luxwell, tawag na kayo ni direk. Sige ka baka magalit iyon." Pinandilatan ko na siya ng mga mata, ayaw niya pa kasing tumayo, e.
Ayaw mo, ha? Hinatak ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya na naging dahilan para mapatingin siya sa akin.
Binigyan ko siya ng tingin na... 'Are you going to stand or not look.'
Hmp! Makuha siya sa tingin, hindi porke like niya ako at love ko siya ay madadaan na ako sa mga ka-sweetan at kaharutan niya. Although gustong-gusto kong hinaharot niya ako, pero kasi oras ng trabaho ngayon. Gusto kong gampanan ng maayos ang pigiging PA ko. Ayaw kong may masabi siya or si Miss Miriam pagdating sa trabaho ko. May tamang oras ang harot at hindi ito iyon. Mamaya na lang kapag kaming dalawa na lang.
Hehehe!
"Luxwell?" tawag ko sa kaniya para iparating na kumilos na siya.
"Damn! Maghintay sila. Busy pa ako." Aniya at muling hinawakan ang kamay ko.
Ha?... Busy saan? Sa paghawak sa kamay ko?
"Luxwell, hindi porke tinatrato ka nilang VIP ay paghihintayin mo na sila," wika ko.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
Galit ba siya?
Hala! Baka masiyado na akong nag-o-over lecture sa kaniya. Baka isipin niya na ang pakilalemera ko naman at masiyadong akong nagmamagaling.
"You know what, Star..." aniya, then bigla na lang niyang inipalipit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit, gagahibla na lang layo ng mukha namin sa isa't-isa.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Napalunok din ako. Hahalikan niya ba ulit ako?
Titig na titig siya sa akin habang may maliit na ngising nakaukit sa kaniyang labi.
"You're acting like my manager—No, no, no... hindi pala, mas grabe ka pa pala kay Miriam, kasi siya hindi niya ako pinipilit sa ayaw kong gawin. Hindi niya ako minamandohan katulad ng ginawa mo sa akin ngayon."
Bigla akong kinain ng kaba. Masiyado ba akong nagpaka-feeling close sa kaniya? Hala! Ikaw naman kasi Star, napaka ano mo, e! Napaka epal at papansin mo!
"You're not Miriam." Seryosong sabi niya.
Napalunok ako. "P-pasensiya n-na, P-pasensiya na kung lumalagpas na pala ako sa linya ko as your PA..." mahinang usal ko. Medyo natataranta na rin ako dahil sa labis na kaba at takot na baka magalit siya sa akin. "H-huwag ka sanang magalit sa a—"
"Shhh... I'm not." He put his index finger on my lips. "You're not Miriam... cause her... kaya ko siyang hindi sundin at suwayin... but you?..." He paused for a while. ".... damn! I can't," masuyong bulong niya.
"L-Luxwell... l-lumayo ka nga sa a-akin." Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib para mapalayo siya sa akin. "B-baka may makakita sa atin." Pagre-remind ko sa kaniya. Baka kasi nawala na sa isip niya na nasa set kami ngayon at napapaligiran ng mga tao.
"Nasaan na 'yong mga artistang sasalang?" Sigaw ni direk.
"Sige na. Hinihintay ka na nila direk. Pumunta ka na doon at ibigay mo ang best mo. Alam kong sisiw na lang sayo iyon. Ang galing-galing mo kaya. Kaya sige na, dito lang ako manonood sayo. Pumunta ka na doon para matapos ka na rin agad. Limang eksena lang naman ang kukunan sayo today at sunod-sunod na iyon. Baka nga mga before lunch tapos ka na and after that wala na tambay ka na lang dito sa set, puwede ka ng magpahinga." Habang sinasabi ko ito ay nakangiti ako. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi mapangiti. Alam naman natin ang mga taong in love laging nakangiti iyan. Minsan kahit nagsasalin ka lang ng tubig sa baso ay bigla ka na lang mapapangiti at hindi mo na namalayan na umaapaw na pala 'yong tubig sa baso.
Hayyy.... naku! Kapag inlove ka madalas ka talagang lutang.
.
.
.
"3, 2, 1 and cut!" Sigaw ni direk. "Good job, napaka husay!" anito habang pumapalakpak.
At siyempre. Sino pa ba ang sinasabihan ng ganito ni direk? Of course none other than, the one and only... my bebeloves.
Proud gf here!
Tama ang kalkulasiyon ko, natapos nga lahat ng eksena ni Luxwell bago pa man mag-lunch time.
Kasalukuyan na ngayon papalapit sa akin ang bebeloves ko.
Fresh na fresh pa rin siya kahit na walang tigil na magkakasunod ang eksena niya.
Sinalubong ko siya ng palakpak. "Napaka galing mo talaga," puri ko sa kaniya. "Kapag talaga nagsimula ka ng umarte wala na akong masabi, napapanganga na lang ako. Natural na natural ang pag-arte mo. Hindi halatang umaarte ka lang."
"I didn't know na magaling ka pa lang mambola."
"Huy, hindi, ah. Totoo ang sinasabi ko."
"So, date tayo mamaya?" aniya na ikinalalag ng panga ko.
Ha?... Date?... Kami?...

BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
Lãng mạnLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...