5

190 4 0
                                        

LUXWELL'S POV

EVERYTHING is under my control. One at a time ang pag-atake. Gusto kong pahirapan siya ng paunti-unti.

"Anong binabalak mo, dre?" biglang sulpot ni Quel, sabay upo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Nasa bar kami ngayon. Hindi ko nga alam na nandito rin pala ang isang 'to. "Bakit mo ini-hired ang kapatid ni Stanley as your PA?" tanong niya pa.

Fuck! Hindi niya talaga ako titigilan!

"Bakit ba gusto mong malaman?" seryosong kong tanong ko sa kaniya.

"Dre, kung paghihiganti man iyang ginagawa mo, itigil mo na. Wala siyang alam sa pinaggagawa ng kuya niya for Pete's sake! Hindi pa ba sapat na naghirap sila? Na namatay ang parents niya--nila?

"Hindi ko kasalanan kung bakit naging ganoon ang buhay nila. Sila ang gumawa no'n sarili nila."

"Dre, it's your fault, you manipulated their lives-"

"Shut the fuck up!" Pagpapa tahimik ko sa kaniya. "I don't wanna hear your lectures," mariing sabi ko.

Honestly wala naman talaga akong kasalanan kung bakit bumagsak ang kumpanya nila. Ang tanging ginawa ko lang naman ay suhulan ang mga investors nila na iwanan sila. Hindi ko na kasalanan na mukhang pera ang mga iyon at pumayag sa gusto ko.

"Ang akin lang, dre. Huwag kang gumawa ng bagay na puwede mong ikisira, baka nakakalimutan mo you're in the industry of showbiz, maraming kamerang nakasunod at nakamasid sayo. Isang pagkakamali mo lang puwede mong ikabagsak iyon."

"Maingat ako sa mga galaw ko. Sa tingin mo ba hahayaan ko na lang masira ang pangalan ko sa publiko? Dugo't pawis ang inalay ko maabot ko lang ang rurok na kinalalagyan ko ngayon at hindi ako tanga para sirain na lang ito ng gano'n-gano'n na lang."

Isa pa, pangarap ito Lawella, ang maging artista. Kaso hindi niya na natupad dahil maaga siyang nawala. So I decided na ipagpatuloy ang naudlot niyang pangarap. Ito na lang ang tanging maibibigay ko sa kaniya bukod pa sa maipaghiganti ko siya.

"Ikaw ang bahala, dre. Basta kung saan ka doon na lang din ako. Pero hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sayo ah?"

"That's good to hear." Tanging nasabi ko. At least titigil na siya sa pangingialam.

...

"LUXWELL, anong nabalitaan ko na kumuha ka ng PA? Akala ko ba hindi mo gusto ang ideya na mayroong 'PA'?" tanong ng manager kong si Miriam. Huwag kayong malito, hindi siya babae... he's a gay.

"Bakit bawal ba akong kumuha ng PA?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganoon, ang akin lang bakit hindi mo man lang ako ininform? Kung hindi ko pa narinig ang usap-usap diyan sa labas ay hindi ko pa malalaman."

"Sasabihin ko naman talaga dapat sayo, nakalimutan ko lang."

"May nahanap ka na ba? Kung wala pa may ire-refer ako sayo.

"No need. Nakahanap na ako."

"E, nasaan na? Bakit wala pa siya? Ilang minuto na lang aalis na tayo papuntang location ng shoot mo today."

Nasa gitna kami nag pag-uusap ni Miriam ng biglang... dumating si Stannah.

"Siya na ba iyan?" tanong ni Miriam habang pinapasadahan ng tingin ang papalapit na si Stannah.

"Yea." Tipid kong sagot.

"May alam ba iyan sa pagiging PA?" tanong pa ni Miriam.

Napakibit balikat na lang ako.

"Naku pasensiya na po sir Luxwell, kung na-late pa ako. Ang traffic po kasi. Promise po hindi na po mauulit. Huwag n'yo po sana akong sisisantihin agad," natatarantang sabi ng kapatid ni Stanley..

What the?-Ano bang sinasabi ng babaeng 'to?

"Ay, hello po Miss Miriam." Bati niya sa manager ko. "Kilala po kita. 'Di ba po ikaw po ang manager ng bebe-I mean ni Luxwell po pala, 'di ba po?"

"Yes. Ako nga." Sagot ni Miriam.

"Naku, ang ganda-ganda n'yo po pala sa personal."

Tsk! Bolera.

"You're so honest, gusto na kita, hija. Ikaw din ang ganda-ganda mo din," kinikilig na sabi ng manager ko.

Tsk! Maganda? Sino? Iyang babaeng iyan? Saan banda? E, mukha nga siyang basang sisiw.

At ano bang klaseng damit iyang suot niya? Kupas na pantalon at itim na blouse na namumuti na ang kulay. Iyan na ba ang pinaka matino niyang damit?

"Anong pangalan mo, hija?" tanong pa ng manager ko.

"Ahm, ako po si Stannah Raizen Dellova, Star for short po."

"I like your nickname. Alam mo, maganda kang bata, puwede kang mag-artista. Panigurado kapag pinasok mo ang showbiz sisika—"

"Hindi puwede." Sumingit na ako. Hindi niya puwedeng gawing artista ang babaeng iyan.

"Ha? Bakit naman, Luxwell? Hindi mo ba nanakikita? Star have a lot of potential para maging artista."

"She's my PA already." At hanggang do'n na lang siya. Hindi siya puwedeng umangat, sa halip ay mas palulubugin ko pa siya.

...

STAR'S POV

"OO NGA naman po, Miss Miriam, isa pa hindi rin po ako interesadong pasukin ang showbiz," wika ko.

Sa ngayon ang pinaka gusto ko ay makasama si Luxwell, ang pagsilbihan siya at alagaan.

"Sayang naman. Anyway mabuti pa umalis na tayo, baka mapagalitan pa tayo ni direk, strikto pa naman si direk Obet. Ayaw na ayaw niya ng mga nale-late."

"Star, paki tulungan na iyang si Luxwell sa mga dadalhin niyang gamit. Mauna na ako sa inyo may dadaanan pa kasi ako, kita na lang tayo sa set," anito bago kami iwan."

Binalingan ko si Luxwell na ngayon ay prente pa ring nakaupo sa upuan nito.
Hindi ko alam kung paano ba ang maging isang PA, pero gagawin ko ang best ko para hindi isipin ni Luxwell na nagkamali siya sa pag-hire sa akin.

"What are you waiting for? Tatayo ka na lang ba diyan?"

"Ahm, pasensiya na. Ano bang gagawin ko?"

"What? Hindi mo alam?" Nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

"A-ano kasi... first time ko lang sa ganitong uri ng trabaho..." nakayukong sabi ko.

"Ilagay mo ang mga iyan sa kotse ko." May tinuro siya sa bandang likod ko.

Lumingon ako para tignan ito... at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Lahat po ng iyan, Sir?" Hindi makapaniwala kong tanong. Paano ba naman kasi tatlong naglalakihang maleta ang tinutukoy niya. Bakit ang dami naman? Ano bang laman ng mga 'to? Gagamitin niya ba lahat 'to?

"The clock is ticking hindi ka matatapos diyan kung tititigan mo lang iyan."

Nakasimangot akong bumaling sa kaniya. "Hindi mo man lang ba ako tutulungan?"

"Why would I? It's your job, not mine."

So, ganito pala ugali ng isang Luxwell Delavrin, hindi siya gentlemen at tamad rin siya. Pero oks lang, may point naman kasi siya. Trabaho ko naman talaga ito.

Love pa rin kita bebeloves kahit na mashungit ka...

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon