LUXWELL'S POV
MAHIRAP na sobrang sarap, iyan ang nararamdaman ko ngayon sa pag-aalaga sa moody kong asawa. Lagi niya akong inaaway at sinisinghalan. Pero imbes na mainis ako ay natutuwa pa ako at mas lalo ko pa siyang minamahal. Ang weird din ng mga kini-crave niyang pagkain. Gano'n ba talaga kapag buntis? Buti sana kung siya lang ang kakain pero hindi, kasi ang gusto niya sabayan ko siya, kaya kahit nagkanda duwal-duwal na ako sige lang para sa ikakasaya niya.
She's now seven months pregnant, dalawang buwan na lang at iluluwal niya na ang munting anghel namin. Hindi na ako makapag hintay na makita ang munting prinsesa ko. Yea, babae ang anak namin at sana kamukha niya si Star.
"Hey, baby, dahan-dahan lang." Paalala ko sa makulit kong asawa.
"Nagdadahan-dahan naman ako, ah? Anong tingin mo sa akin... tanga?"
"Baby, that's not what I mean. Pinpaalalahanan lang kita. Hagdan iyang nilalakaran mo. Isang maling tapak mo la—"
"Ganiyan ka naman palagi, e. Parang ayaw mo na akong pakilusin. Ano ba ako lumpo?
Here we go again.
"I'm sorry, baby." Lumapit ako sa kaniya. Pumuwesto ako sa likod niya at niyakap siya. Gustong-gusto niya kapag nilalambing ko siya. "Ano bang gusto ng baby ko, hmn? Para naman hindi ka na magtampo pa sa akin."
"Gustong ko ng kulay blue na mangga, 'yong walang buto."
"Baby, para namang walang ganiyang mangga."
"Meron, nakita ko kanina sa cartoons na pinapanood ko."
"But, baby it just a—"
"Ah, basta! Gusto ko ng ganoon! Ibili mo ako ng ganoon! Sige ka, magugutom ang anak natin." Maktol niya.
Saan naman ako hahanap ng gano'n? Napakamot ako sa batok ko. "Sige, hahanap ako ng manggang kulay blue at walang buto. Anything for my baby," napasubong sabi ko. Kapag kasi kinontra ko pa siya panigurado sa sala na naman niya ako papatulugin.
"Yieee... sabi na nga ba, hindi mo ako matitiis, e."
Hindi talaga.
"Bebeloves?" tawag niya ulit sa akin.
"Hmn?"
"Hindi mo ako sinabihan ng I love you ngayong araw."
"But baby, kakasabi ko lang sayo ngayon-ngayon lang."
"So, ano? Pinapalabas mo na ulyanin na ako, ganoon ba?"
"Damn..." mahinang mura ko.
"Tapos ngayon minumura mo pa ako?" naiiyak na sabi niya.
"No, baby. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi kita namumura. It just an expression. Nabigla lang ako, pero hindi kita minumura. Hindi talaga, kaya huwag ka na magagalit sa akin. I'm sorry, okay?"
Bigla niya akong niyakap. "I love you..." malambing na sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako. "I love you too..." I replied.
...
PAREHO kami ngayong nakahiga sa kama. Nakaunan siya sa braso ko at nakayakap sa bewang ko. Habang ako naman ay marahan kong hinahaplos-haplos ang tiyan niya na parang minamasahe ito.
"Bebeloves?" tawag niya sa akin.
"Hmmn?"
"Pasensiya ka na sa mood swings ko, ah? Huwag ka sanang magagalit or magtamtampo sa akin."
"Baby, ang magalit sayo, iyan na yata ang kahuli-hulihan kong gagawin dito sa mundo. At isa pa, I understand your mood swings, it's part of pregnancy."
"Luxwell, may naisip na akong pangalan ng baby natin."
"And what is it, hmn?" I kissed her temple.
"Lawella."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya.
"Gusto ko kasing maging parte pa rin ng buhay natin ang kapatid mo. At it's my way of saying sorry na rin para sa nagawa ng kuya ko sa kaniya. At isa pa, gandang-ganda kasi talaga ako sa pangalan niya."
"Thank you, baby. For sure, Lawella is very happy to know that our baby will name after her."
"Maliit na bagay lang iyon... kumpara sa ginawa niya."
"Hmn?"
"Naniniwala kasi ako na... siya ang dahilan kung bakit nakilala natin ang isa't isa. Siya ang nagsilibi nating si kupido."
"Yea. Siya nga, baby. She's our angel."
"Sana maging kamukha niya rin ang anak natin. Ang ganda-ganda niya kasi, e."
"She's really beautiful... a very beautiful like you."
"Sige nga, kung talagang maganda ako... i-kiss mo nga ako sa lips?"
"My pleasure, baby."
Wala na akong sinayang na sandali, hinagkan ko siya sa labi. Isang halik na punong-puno ng pagmamahal.
*
"LUXWELL?"
"Yes?"
"'Yong susunod nating baby ipangalan naman natin kay Denrix..."
"What?" Napataas ang boses ko. Damn! Bakit niya ipapangalan ang anak namin sa damuho na iyon?
"E, kasi kanina no'ng nanonood ako ng TV nakita ko 'yong trailer ng bago niyang teleserye tapos—Ihhh... ang guwapo niya!"
Oh, damn! Mapapatay kita, Denrix!
"Hindi. Ayaw ko. Hindi ako papayag," hindi ko pagsang-ayon.
"Hahaha!" Bigla siyang tumawa. "Joki-joki lang naman iyon. Grabe 'yong reaksiyon mo... para kang papatay."
I turned my back to her.
"Uy..." Kinalabit niya ako. "Galit ka?"
"Hindi."
"Sorry na." Niyakap niya ako.
Hindi ko siya pinansin.
"Naku, nagpapalambing ang bebeloves ko. Pero sige, game ako diyan. Shurry na po, pagpasensiyahan mo na ang buntis na makulit. Nagpapa-baby lang naman ako sayo, kasi... panigurado kapag lumabas na ang baby natin sa kaniya na lang ang buong atensiyon mo... hindi na ako ang baby mo..."
Pumihit ako paharap sa kaniya at pinagkatitigan siya sa kaniyang mga mata. "Kahit magkaroon tayo ng sampu o kahit isang daan pa na anak... ikaw pa rin ang aking number one baby."
"Grabe naman 'yong isang daan na anak... baka hindi na iyon kayanin ng matres ko."
Natawa ako. "Just kidding, baby."
"Ilan bang anak ang gusto mo?" she asked.
"Kung ilan ang ipagkaloob sa atin ng Diyos."
"Oo, kung ilan ang ibigay niya sa atin," aniya.
"I love you, my Star..."
"Mahal na mahal din kita, aking bebeloves..."
Ni minsan hindi ko iniisip na sasaya ako ng ganito. Akala ko habang buhay na akong makukulong sa lungkot at galit. But when I met Star... binigyan niya ng liwanag ang madilim kong mundo. Binigyan niya ng direksiyon ang naliligaw kong puso.
Siya ang aking bituwin, ang aking gabay at liwanag ng aking buhay. The Demon Inside of me is gone. It's now replaced by love.
THE END
EnigmaticPluma
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...