32

89 1 0
                                    

STAR'S POV 

DATE? Niyayaya niya ako makipag date? 

Tama ba? 

Tamang ba ang dinig ko? 

Hindi naman ako pinaglalaruan lang ng pandinig ko 'di ba? 

"Date, tayong dalawa? Ikaw at ako?" Wala sa sariling tanong ko. Sinong hindi mawawala sa sarili kapag isang Luxwell Delavrin ang nagyaya sayo ng date?

"Yea. Why? Ayaw mo ba?"

"Ako, ayaw ko?" Turo ko sa sarili ko. "Ane beng kleseng teneng eyen? Siyempre I want... I like it... I love it… Yes na yes! Gustong-gusto ko!"

Bahagyang siyang natawa at napailing. Kitang-kita ko ang pagkaaliw sa kaniyang mga mata. 

"Pero, teka. Anong isusuot ko?" tanong ko pa. Nataranta na ako. Kailangan maging sobrang ganda ko sa oras na iyan. Dapat maging perfect ang first date naming dalawa. Ang perfect kaya ni Luxwell kaya dapat lang na maging perfect din ako. Although alam ko naman na nobody's perfect talaga, pero ang gusto ko lang naman ay ang best para sa kaniya. 

"Anything you want as long as it doesn't show too much skin."

"Ahhh... in short huwag 'yong sexy na damit."

"Uh-hmn."

"Hindi ko alam na napaka conservative pala ng isang Luxwell Delavrin," tudyo ko sa kaniya. 

"I'm not. Tanging sayo lang. I'm just protecting what is mine."

"B-bakit, sayo ba ako?" tanong ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti. Kaunting mga sweet words niya lang kasi kinakilig na agad ako. Ganiyan ako karupok pagdating sa kaniya. 

"Yea. You're mine. Only MINE." Possessiveness is in his voice.

Napalunok ako. 

Tengene nemen!

Panigurado kulay kamatis na ang makabila kong pisngi. Pero siyempre hindi ako papayag na siya lang ang babanat, meron din ako. 

"At ikaw...." Tumingkayad ako para maabot ko ang tenga niya. "...AKIN KA LANG DIN Mr. Luxwell Delavrin." Malambing kong bulong sa tenga niya. 
"Anong nangyayari dito?" Biglang sulpot ni Direk obet, na nagpaalarma sa akin. Napalayo ako kay Luxwell. 

Ang epal naman nitong si direk. Wrong timing ang pag-eksena.  Nagmo-moment pa kami dito, oh! 

"Ahm. Direk, ang sabi po kasi ni Luxwell may kung anong pumasok sa tenga niya, chineck ko lang po." Pagpapalusot ko. 

"Oh, kamusta? Okay na ba? May pumasok ba? Nakuha mo ba?" tanong pa nito. 

"Ahm. Opo." Sagot ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan. 

"Anyway, kaya ako naparito ay para ibigay sayo ito, Luxwell." Inabot nito kay Luxwell ang isang kahon na may kalakihan.

Unang tingin ko pa lang ay alam ko na agad na cake ang laman nito. Kanino naman kaya ito galing? 

"Galing iyan kay Stephanie. Hindi siya naka-attend ng shoot today cause she have an emergency, family matters."

Kay haliparot naman pala galing. Hindi ako papayag na kainin iyan ng bebeloves ko. Mahirap na baka may gayuma pa iyan. Mabuti ng sigurado. 

"And one more thing, balita ko si Stephanie din daw ang nag-bake niyan. Napaka talentado niya talaga, right? Kaya kung ako sayo Luxwell, ligawan mo na siya. Ang katulad niyang babae ay hindi na dapat pinapakawalan pa. She's almost perfect, bagay na bagay kayo." Anito bago kami tuluyang iwanan.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon