SPECIAL CHAPTER

133 2 0
                                    

LUXWELL'S POV

After five years...

"DADDY isusumbong kita kay mommy, pinakikialaman mo na naman po iyang mga clothes niya." wika ng apat na taong gulang kong anak na si Lawella.

Kasalukuyan ko kasi ngayong isinisilid sa sako ang mga damit na binili ng asawa ko. Masiyadong sexy ang mga 'to-magalit na siya sa akin pero hindi ako papayag na isuot niya ang mga damit na 'to.

"Baby I just doing this to protect your mom."

"Kanino naman po?"

"You're mom is too pretty in this clothes."

"Correction daddy, maganda si Mommy kahit anong isuot niya."

Pero mas maganda siya kapag walang suot.

"Yea, she is, but mas lalo siyang gaganda sa mga damit na 'to. At kapag sinuot niya ang mga 'to maraming lalaki ang titingin sa kaniya. Gusto mo ba iyon?"

"Hala! Hindi pwede! Atin lang si mommy. Itapon na natin iyan daddy, hindi pwedeng may titingin kay mommy na ibang lalaki."

Subukan lang nila, baka gusto nilang mawalan ng mata ng hindi oras.

"My mommy is only for you, daddy."

Just mine.

"Daddy, tanong ko lang po. Kailan n'yo po ba ako bibigyan ng baby brother?"

"Malapit na baby, sa ngayon hayaan muna natin ang mommy mo na abutin ang pangarap niya."

Si Star, pinabalik ko siya sa pag-aaral. She's now fourth year college and graduating this year.

Ako ang dahilan kung bakit nahinto siya sa pag-aaral noon... kaya dapat lang na ibalik ko siya daan patungo sa mga pangarap niya.

"Kailan 'yong malapit na iyan, daddy? Mga ilang tulog po?"

"Hmmmn... basta, it's very soon, my princess." I gently pinched her nose.

"Daddy, naman 'yong nose ko it's very matangos na, lagi mo na lang nipi-pinch."

"I'm sorry baby, nasanay lang." ginulo ko ang buhok niya.

"Daddy, 'yong hair nagugulo."

Napailing na lang ako. Manang-mana sa mommy.

Damn, bigla ko tuloy siyang na-miss.

Teka, anong oras na ba? I checked the time on my phone, it's already three in the afternoon. Malapit na ang uwian nila Star.

"Tara na, baby, sunduin na natin si Mommy."

"Yehey! Kanina ko pa gustong makita si Mommy. She promised po kasi na magbe-bake kami ng cup cakes."

.

.

.

PAGDATING namin sa school ni na pinapasukan ni Star ay agad namin siyang natanawan.

Pero agad na nagsalubog ang kilay ko nang makitang may grupo ng lalaki siyang kasabay.

Agad akong bumaba at mabigat ang bawat hakbang na nilapitan siya. Hindi niya ako napansin dahil abalang-abala siya sa pakikipag-usap sa mga asungot na kasama niya. Pagkalapit ko sa kaniya ay agad ko siyang hinapit sa bewang at hinalikan sa labi.

Marking my territory.

Gulat na gulat si Star sa ginawa ko. Namilog ang mga mata niya at nanigas ang katawan. Pero tumugon naman siya sa mga halik ko.

French kiss... para ipamukha sa mga binatilyong 'to na pag-aari ko na ang babaeng 'to. Mamatay kayo sa inggit.

"Baby, kanina ka pa hinahanap ng ANAK NATIN." I emphasize the word 'anak natin' to tell them na huwag na silang umasa pa at lumayo na lang sa babaeng 'to dahil meron na siyang AKO.

.

.

.

"Luxwell, ano iyon? Bakit ginawa mo iyon?"

"Hmn?" maang-maangan ko. We're now inside my car. My little princess is in the back seat, busy sa pagkain ng ice cream.

"Luxwell, nakakahiya! Pinagtinginan tayo ng mga estudyante." namumula ang mukhang sabi niya.

Para namang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko... samantalang tumugon siya sa mga halik ko... at kulang na nga lang hubarin niya pang itaas kong damit dahil sobrang intesidad na naramdaman.

"So?"

"Mabuti iyon."

"Huh?"

"E, kasi kahit na alam na nilang asawa mo na ako... ay harap-harapan ka pa ring pinagpapantisiyahan ng mga school mates ko, especially 'yong mga kaklase kong maharot." labas sa ilong na sabi niya.

Bahagya akong natawa. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Selosa pa rin. Ganiyan na ganiyan din siya kay Stephanie noon.

Sa loob ng limang taon naming pagsasama at pagiging mag-asawa. Wala pa rin kupas ang pagmamahal ko sa babaeng 'to-mas lalo pa nga tumindi.

"Bebeloves, 2 months before my graduation... baka after no'n sa bahay muna ako."

"Akala ko ba ang gusto mo, after mo grumaduate ay magtatrabaho ka muna. Kahit na hindi naman talaga ako pabor sa ideya mo na iyon. Kasi kayang-kaya ko naman kayong bigyan ng magandang buhay pero dahil mahal kita sige, anything that makes you happy, I will support you."

"Nagbago na ang isip ko, gusto ko na lang ibuhos ang buong atensiyon ko sa inyo ni Lawella, at sa... baby na nasa sinapupunan ko."

Bigla akong napapreno sa narinig ko.

"Daddy, naman! Natapon po tuloy 'yong ice cream ko!"

"I will buy you a new one later, baby."

Bumaling ako kay Star. "You mean... you're pregnant?" Maluha-luha kong tanong.

Mabagal siyang tumango.

"But I thought you're in pills?"

"Inihinto ko na, naaawa na rin kasi ako kay Lawella. Gustong-gusto niya na magkaroon ng kapatid.... at isa pa, alam kong gusto mo na rin-gusto ko na rin."

"Damn... baby." niyakap ko siya at at pinugpug ng halik ang buong mukha niya. At hindi na rin ako nakapagpigil pa. Lumabas ako ng sasakyan at nagsisigaw. "My wife is pregnant!... Wooh!..." ... "Buntis ang asawa ko!... Magkakaanak na ulit kami!..." I know para na akong tanga sa ginagawa ko but damn... I don't care. I'm just really happy-so very happy...

Nang magsawa na ako kakasigaw ay pumasok na ulit ako sa loob ng sasakyan.

"Daddy, mommy told me na may baby na daw sa tammy niya. Yehey! Magkakaroon ng ako ng kapatid." kitang-kita ko sa mukha ng prinsesa ko ang labis na saya.

"Thank you, my wife for the wonderful blessing... I love you..."

"I love you too, bebeloves ko..."

"And I love you both." pagsingit ng prinsesa namin.

"We love you too, my princess." I kissed her forehead.

-

End date: March 28,2021

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon