28

142 1 0
                                        

STAR'S POV 

"BILISAN mo naman, Luxwell!" Hinakawan ko na siya sa palapulsuhan at hinatak na siya. Ang bagal niya kasing maglakad. Buti na lang nagpatianod siya, hindi ko kasi siya kayang hilian, ang laki-laki kaya niya. 

Kasalukuyan kasi kami ngayong naglalakad sa dalampasigan--actually kanina pa kami naglalakad. Ang layo na nga namin sa resort, e. Masiyado akong nalibang sa magagandang tanawing naglalaro sa aking kapaligiran. 

At heto pa, ginawa kong photographer si Luxwell my bebeloves, panay ang pa-picture ko sa kaniya. Hindi naman siya nagrereklamo kaya sinulit ko na. Tsaka mukhang enjoy na enjoy naman siya sa pag-take ng picture sa akin... ganda kasi ako, e. 

At habang kinunan niya ako, pakiramdam ko modelo ako... isang napakagandang modelo, kasi tignan n'yo naman ang photographer ko... isang Luxwell Delavrin. 

Kanina pa kami ikot nang ikot pero ewan ko ba parang hindi ako nakakaramdam ng pagod, bukod kasi sa napaka ganda nitong lugar ay kasama ko pa ang taong gusto ko—ay correction... ang taong mahal ko pala. 

"Pagod ka na ba?" tanong ko kay bebeloves ko. Baka kasi mamaya pagod na pala siya tapos panay pa ang hatak ko sa kaniya sa kung saan-saan. 

"Gutom ka na?" tanong niya rin. Ako ang unang nagtanong 'di ba? Kaso mukhang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. 

Hmp! Nagmamalasakit lang naman ako! Ikaw rin baka pagudin kita. 

"Ehem." tikhim niya, means 'yong sagot ko daw nasaan na? 

Sa totoo lang kanina pa kumakalam ang sikmura ko, hindi na rin kasi ako nakapag breakfast dahil sa sobrang excitement.

Dahan-dahan akong tumango. 

"Tsk. Kung hindi pa kita tatanungin ay hindi mo sasabihing gutom ka na."

Nagsungit na naman po ang bebeloves ko. Pitikin ko kaya siya sa betlog?—charr lang. Hahaha! 

"E, ngayon lang kasi ako nakaramdam ng gutom," sagot ko. 

"Ang sabihin mo, mas inuna mo ang pagliliwaliw."

"Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka kasama. E, tuwang-tuwa ka rin naman." Bulong ko.  

"Kahit sino matutuwa kung ikaw ang kasama." Halos bulong lang ang pagkakasabi niya pero malinaw ko itong narinig, pero gusto ko pa ring makasigurado baka kasi mamaya pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko. 

"H-ha? Anong sinabi mo?"  

Hindi niya ako pinansin at nagpatiuna sa paglalakad. 

"Luxwell, ano 'yong sinabi mo?" Habol ko sa kaniya. "Ang daya mo naman! Magsasalita ka na lang kasi ang hina-hina pa!"

Kahit anong kulit ko sa kaniya hindi na talaga niya inulit pa. Wala e, VIP daw siya—Very Important sa PUSO ko. Hahaha! Dami kong alam. 

"Luxwell, kakain lang tayo, ah? Pagkatapos swimming naman tayo." Bukas kasi uuwi na kami kaya dapat masulit ko ang pagkakataon. 

Bumalik kami sa resort para kumain, at as usual hindi na naman kain ang ginawa ko, kundi LAMON. 

Wala e, favorite ko ang word na 'SULITIN', sulitin ang mga pagkakataon na minsan lamang dumating sa buhay ko o sa buhay naming mga dukha. 

Kakatapos lang namin kumain at heto ako nagmamadaling makapunta sa dagat. It's swimming time! 

Yes! matitikaman ko na din ang dagat. Not in a literal way, ah? What I mean is mararanansan ko ulit na magtampisaw at maligo sa dagat. Wooh! Ang saya lang. 

"Kakakain mo lang, huwag ka tumakbo!" Sigaw ni Luxwell, medyo malayo na kasi ako sa kaniya. 

Napaka thoughtful and caring talaga ng boyfriend ko. hihihi!

Sa mga nagbabalak diyan na barahin ang pag-iilusiyon ko... huwag n'yo ng ituloy parang awa n'yo na! Huwag kayong panira ng moment. At isa pa, magiging kami rin naman talaga. Makikita n'yo, maghintay lang kayo. 

Agad kong hinubad ang polo ni Luxwell na suot ko at basta na lang itong hinagis sa buhangin. 

"What do you think you're doing, Star? Bakit mo hinubad ang—damn! Isuot mo iyan!" May pagbabanta sa tinig niya ngunit hindi ko na ito pinansin at agad na lumusong sa tubig.  

Mas lalo akong na-excite ng dumampi sa balat ko ang malamig na tubig. 

"Star?" nasa likod ko na si Luxwell. Pumihit ako paharap sa kaniya.

Hawak niya na ang polo niyang basta ko na lang inihagis sa buhanginan. 

Nagtama ang mga mata namin. Nakakunot na naman ang noo niya. Galit ba siya? Oh my... hindi kaya nagalit siya dahil basta ko na lang inihagis kung saan ang damit niya? 

"B-bakit?" utal kong tanong, kinakabahan na kasi talaga ako. Ayaw kong magalit siya sa akin. 

"Isuot mo 'to." Sabay lahad sa akin ng polo niya. 

"L-Luxwell, m-maliligo kasi ako."

"So?"

"Luxwell, maliligo ako, mababasa iyan."

"As if I care."

Napanguso ako. Ano bang pinuputok ng butsi nitong bebeloves ko? Hindi niya siguro nagustuhan ang ulam namin kanina, kasi heto umaandar na naman ang kasungitan niya. Pero since masunurin akong girlfriend, sige lang kahit anong ipagawa or iutos niya gagawin ko ng bukal sa aking puso. 

Kinuha ko sa kamay niya ang polong inaabot niya at isinuot ito. Binutones ko na rin lahat para wala na siyang masabi pa. 

Magsi-swimming lang ako tapos pinagpolo pa ako. Iba talaga ang sumpong nitong bebeloves ko. 

"Ayan, okay na po ba? Puwede na po ba akong maligo?"

Hindi siya sumagot, mataman lang siyang nakatitig sa akin. 

Grabe naman siya makatitig... tagos hanggang kaluluwa. 

Kapag talaga isang Luxwell Delavrin ang tumitig sa iyo... panigurado manlalabot ang tuhod mo. At heto na nga... 'yong tuhod ko malapit nang bumigay. 

"Ahh—Ehh... S-sige maliligo na ako." Tinalikuran ko na siya ngunit laking gulat ko at nagpatili din sa akin nang bigla niyang hawakan ang braso ko at haltakin ako papalapit sa kaniya na naging dahilan para ang kanan kong braso ay maiyakap ko sa leeg niya. Habang siya naman ay ipinalupot niya sa aking baywang ang isa niyang braso. 

Napulunok ako ng ilang beses. Magkadikit ang aming mga katawan, wala ng espasiyo. Ramdam na ramdam ko ang malapad niyang dibdib sa aking dibdib.

Sana lang hindi niya maramdaman ang naghuhurumentadong tibok ng puso ko. 

"Lux—"

Hindi ko na natapos ang tangkang pagtawag ko sa pangalan niya d-dahil... 

Dahil... 

Dahil... 

Dahil... 

Dahil!......

Hinalikan niya ako! 

He kiss me on my lips!

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon