16

101 2 0
                                    

STAR'S POV

"MY, PREND! Gumising ka diyan!" Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang matinis na boses ni Tesbam.

"Ano ba iyon, prend?" Inaantok na sabi ko habang nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata. "Anong oras na ba? Tanghali na ba? Late na ba ako sa trabaho ko?"

"Prend, Hindi. Tignan mo 'to, bilis!" Sabay hila sa kamay ko, dahilan para mapatayo ako. Nagpatangay na lang ako. Saan niya ba ako dadalhin?

Hinatak niya ako palabas ng bahay papunta sa-teka, papaunta ito sa kapit bahay namin, ah? Ano bang trip nitong si prend? Ni hindi pa nga ako nakakapag hilamos at mumog. Panigurado mukha akong bruha.

"Prend, hindi ba magkakapaghintay iyang ipapakita mo sa akin?" Naghihikab na tanong ko.

"Hindi na, prend. Tignan mo, oh. Nasa News ka."

Nawala ang antok ko dahil sa sinabi ni Tesbam. Napatingin ako sa telebisiyon ng kapitbahay namin.

Oh my!... Nasa TV nga ako!

Hindi masiyadong makita ang mukha ko dahil nakaharang sa akin si Luxwell. Buti naman, ayaw kong habulin ng paparazzi lalo na ng mga baliw na fans ni Luxwell. Kasi sa totoo lang may mga fans talaga si Luxwell na talaga namang obsessed na obsessed sa kaniya. Ayaw kong makuyog ng hindi oras.

-
BREAKING NEWS!

Sino nga ba itong babaeng kasama ng sikat na actor na si Luxwell Delavrin na kumain sa isang mamahaling restaurant? Palaisipan ngayon kung ano ang ugnayan nila sa isa't isa. Kitang-kita naman sa litrato kung paano takpan ng ang actor ang babae, animo'y pinoprotektahan niya ang pagkakakilanlan nito. Samantala marami namang fans ang lubos nagdamdam. Mukhang ang kanilang iniidolo ay may dini-date na. Pero ang tanong sino nga ba ang masuwertang babaeng ito?
-

"Kahit hindi makita ang mukha mo diyan, ay halata ko na agad na ikaw iyan Starla," ani ni Tesbam.

"Shhh... Huwag kang maingay, baka marinig ka ng mga kapitbahay natin." Sita ko kay prend. Hindi kasi alam ng mga kapitbahay namin na PA ako ni Luxwell. At wala rin akong balak ipaalam dahil panigurado kukuyugin lang nila ako, baliw na baliw din kasi sila kay Luxwell. Kinain na rin sila ng sistema ng pagkahumaling sa bebeloves ko, lalo na 'yong mga kaedaran kong babae, pati na rin pala 'yong mga kauring sirena ni Tesbam.

"Ay, sori prend." Umakto siyang isini-zipper ang bibig.

"Sino naman kaya ang malanding babae iyan? Panigurado nilandi niya si Luxwell," wika ng kapit bahay naming si Rica. Ang pagiging ampalaya ay hindi lang bakas sa mukha niya kundi maging sa tinig niya rin.

"Malandi agad?" Hindi ko na naitago ang pagka-iritado sa boses ko. Close naman kami nitong si Rica, pero ngayon baka makatikim siya sa akin ng maaanghang na salita. "Hindi ba puwedeng kaya sila magkasama ay dahil... magkarelasiyon na sila?" Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti.

"Ehem... " biglang nasamid si prend.

"So, ang sinasabi mo ba na girlfriend ni Luxwell ang pangit na babae na iyan?"

Naubo ako sa sinabi niya. Wow, makapangit naman itong babaita na ito, wagas. Bakit ganda ka gurl? Tse! Ako maganda mula ulo hanggang paa, hanggang kaloob-looban. E, ikaw? Maganda pa nga si Tesbam sayo, e!

"Makapangit ka naman gurl. Eh ni hindi mo pa nga nanakita 'yong mukha." I rolled my eyes.

"Feel ko lang naman, kasi kung talagang maganda siya, edi dapat ipinakita niya 'yong mukha niya."

"Ay... boba?" bulong ni Tesbam. "FYI lang, Reca enday. Malamang hindi niya ipapakita ang mukha niya, kasi you know naman sa mundo ng showbiz, masiyadong magulo. Alam iyon ni Luxwell kaya hinarangan niya ito, pinoprotektahan niya si girl at ang pagkakakilalan nito."

"So, may posibilidad nga talaga na girlfriend ni Luxwell ang babaeng iyon?" Nanlaki ang mata ni Rica na animo'y nagulat.

"Oo/Puwede" sabay naming sagot ni Tesbam. Siyang 'yong sumagot ng 'Pwede', ako naman 'yong 'Oo'.

"Star, hindi ka manlang ba naiinis do'n sa babae? 'Di ba may gusto ka rin kay Luxwell?" Animo'y naghahanap siya ng kakampi.

"Hehehe!" alanganin na lang akong napatawa habang napapakamot sa gilid ng ulo. Paano ako magagalit sa sarili ko? "H-hayaan na lang natin sila." Wala na akong maisip na sasabihin.

"Ang wierd mo, ang sabi mo sa akin dati na kapag nagkaroon ng ka-love team si Luxwell ay ikaw ang magiging number one basher niya 'di ba?"

"A-ah... eh... dati iyon. Nagbago na ang isip ko. Support na lang ako sa kahit na anong gusto ni Luxwell."

"Basta ako hin-"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita.

"Ahm, Rica. Mauna na kami. May pasok pa kasi ako, baka ma-late ako," ani ko sabay haltak kay Tesbam pauwi.

Mabait naman talaga si Rica sadyang parang ako lang talaga siya na baliw na baliw kay Luxwell. At sa totoo lang niyan, hinawaan ko lang siya ng mga kabaliwan ko. Ako talaga 'yong pasimuno. Hehe!

...

AKO at si Luxwell ay kasalukuyang nasa opisina ni Miss Miriam. Nakarating kasi sa rito 'yong balitang kumakalat about sa amin ni Luxwell.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Miss Miriam, sabay lapag sa table ng article na naglalaman ng balitang tungkol sa amin. Wala naman kahit na anong mabakas na galit sa boses nito ngunit ang mukha nito, napaka seryoso.

Napasulyap ako sa katabi kong si Luxwell. Blangko akong ekspresiyon ng mukha niya.

"A-ahm... Miss Miriam. A-ano po kasi...ako po ang may kasa-"

"It's my fault." Luxwell cut my words. "Naging padalos-dalos ako. Kasalanan ko."

"Pasensiya na po Miss Miriam." Nakayukong usal ko.

"Ano pang magagawa ko, nandiyan na iyan. Magpasalamat na lang tayo at hindi nakita ang mukha mo, Star. Kung hindi mo kasi alam 'yong ibang fans nitong si Luxwell, may saltik, masiyadong obsessed sa kaniya, to point na ayaw nilang may nali-link na babae sa kaniya. Isa na rin iyan sa dahilan kung bakit kapag may taping kami ay humahanap pa talaga kami ng mga locations na private property, 'yong hindi mapapasok ng fans niya. Hindi rin namin agad ito ina-announce sa publiko dahil nadala na kami no'ng minsang nagtaping kami ay dinumog kami fans niya."

Alam ko ang lahat ng iyan, lagi kaya akong updated sa bebeloves ko. Hindi ko pala nasabi sa kanila na number 1 fan ako ni Luxwell.

"Don't get me wrong, Star hija. Gusto lang kitang protektahan," dadag pa ni Miss Miriam.

"Alam ko po, Miss." Usal ko.

"Huwag na lang siguro kayo pumunta sa mga public places, para makasigurado. Ikaw na ang sasabihin ko, Star. Dahil masiyadong matigas ang ulo niyang si Luxwell.

"Sige po, Miss. Makakaasa po kayo," anang ko.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon