29

153 0 0
                                        

STAR'S POV

ISANG saglit na halik lang ang ginawad niya sa aking labi.

Saglit akong natulala dahil sa ginawa niya, ngunit ng makabawi ako sa gulat ay agad ko siyang tinanong. 

"P-para saan iyon, L-Luxwell?" Tukoy ko sa paghalik niya sa akin. 

"I like you, Star..." Nangungusap ang mga matang sabi niya. 

Hindi pa nga ako tuluyang nakakabawi sa ginawa niyang paghalik… tapos heto na naman!

I like you, Star...

I like you, Star...

I like you, Star...

I like you, Star...

I like you, Star...

I like you, Star...

Para itong sirang plaka na paulit-ulit na nag-replay sa aking isipan. Sabayan pa ng tibok ng puso ko na tinalo pa ata si Flash na isa sa member ng Justice League dahil sa sobrang bilis. Please lang, my heart... maghinay-hinay ka sa pagtibok!

Narinig n'yo? Ang sabi niya gusto niya daw ako! 

Gusto niya ako!... He likes me!

The man that I love...  likes me!

Gusto niya ako! Sa kaniya mismo nanggaling--sa labi niya mismo!

"Star?" tawag niya sa akin. 

Hindi ko magawang magsalita, nasa gitna pa rin ako ng labis pagkagulat at the same hindi rin pa ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Hey, why are you crying?" nag-aalalang tanong niya. 

Ako umiiyak? Agad kong kinapa ang mata ko. Oo nga, umiiyak ako pero ang mga luhang ito ay dulot ng labis na kasiyahan.

Para kasi sa aming mga fans o mga tagahanga... kahangalan ang pangrapin na makakatulyan ang aming iniidulo, kasi sadyang napaka  imposible, kaya nga nakukuntento na lang kami sa pangangarap. Hanggang sa pangngarap na lang kami.

"Are you okay?" Nasa tinig niya pa rin ang labis na pag-aalala. Ang mga kamay niya ay nasa magkabilang pisngi ko na at pinapahid ang luhang tumulo galing sa aking mga mata. 

Hindi. I'm not. Masiyado mong binigla ang puso ko sa ginawa mong pagtatapat. 

Pero hindi ngayon ang oras para magpakipot. Heto na... abot kamay ko na siya... abot kamay ko na 'yong lalaking pinapangarap ko. 

"L-Luxwell... I like you too." Mahal ko siya pero wala pa akong balak na sabihin or ipagtapat ito sa kaniya. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon.

"Damn, Star!" Mahinang mura niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya sa sinabi mo."

Niyakap ko rin siya pabalik. Ako din, labis mong pinasaya beboves ko...

...

HANGGANG ngayon malinaw pa rin sa aking isipan ang ginawang pagtatapat sa akin ni Luxwell, na para bang kahapon lang ito nangyari—ay tangengot kahapon nga lang pala ito nangyari. Lutang na naman po ang Star n'yo. 

"Hoy, Prend, tulaley ka na naman. Pansin ko lang simula nang dumating ka parang wala ka sa sarili mo. 'Yong totoo, umamin ka nga, ibinaba mo na ba ang bandera? Isinuko mo na ba ang bataan?"

"Sira. Hindi 'no. Pagod lang talaga ako."

"At saan ka naman napagod, aber?  

"Malamang sa trabaho, saan pa ba? Alam mo ikaw, Tesbam. Napaka dumi ng utak mo. Trabaho po kaya ang pinunta ko doon at hindi nakaipag honeymoon kay Luxwell."

"Pero kayo na?"

"Ha?"

"Nabasa ko 'yong text niya sayo. Ang sabi niya 'Star, I know you're tired, kaya huwag ka na munang pumasok bukas. Magpahinga ka muna.'  plus emojing naka wink. 

Wow! Sauladong-saulado niya, pati emoji hindi pinalagpas. Basta talaga chismis asahan n'yo matalas ang mememorya nitong prend ko. 

"At sinong nagbigay sayo ng karapatan na pakialaman at basahin ang mga messages sa akin ng bebeloves ko, ha?" Pagsusungit ko. Actually ayos lang naman talaga sa akin kung basahin niyan iyon. Feel ko lang ko lang talagang magsungit. 

"Huwag mo akong okrayin, Star. Ano, kayo na ba?"

"Hindi, ah."

"Hindi daw. E, bakit ganoon 'yong message niya sayo? Ang sweet?" Pinamewangan niya ako. 

"Sadyang maalalahanin lang talaga siya na boss."

"So, ganiyan ka na ngayon? Pinaglilihiman mo na ako?"

"Hindi pa nga kasi."

"Hindi pa? Bakit may 'pa'? So it means may tendency? Magiging 'kayo' pa lang, ganoon ba?" Aniya at talagang pinagdiinan niya pa talaga ang salitang 'kayo'. 

"Nag confess siya sa akin." Pag-amin ko. 

"Ano!?" Gulat na gulat siya. Gusto kong matawa sa naging reaksiyon niya. Paano ba naman kasi nanlaki at bumilog ang kaniyang mga mata, habang ang panga niya naman ay nalaglag. 

"Grabe naman 'yong reaksiyon mo. Hindi makapaniwala, prend?"

"Prend, anong tinira mo? Nagda-drugs ka ba?" tanong niya. 

Sinamaan ko siya ng tingin. Grabe naman 'tong baklang 'to. Tama bang isipin na nagda-drugs ako? Sa ganda kong 'to? E, ano namang connect ng ganda sa drugs 'no? Ah, basta! Oo na lang kayo. 

"Prend, seryoso ako. He really told me that he likes me."

Sabihin ko rin ba sa kaniya 'yong tungkol sa halik?... I think mas magandang huwag na lang pala. Next time na lang siguro. 

"Prend, baka naman pina-prank ka lang niyan? Uso ang prank-prank ngayon. O baka naman nagpa-practice lang siya ng linya niya or 'di kaya naman ay nagkakabisado lang ng script tapos nagkataon lang nasa harapan ka niya."

"Prend, bakit ayaw mong maniwalang nagtapat siya sa akin? E, ikaw nga tong kulit ng kulit sa akin na umamin. Tapos ngayong umamin na ako ayaw mo namang maniwala. Ikaw ata 'tong naka-drugs, e."

"So, kung hindi pala kita kinulit ay wala kang balak sabihin sa akin, gano'n ba?"

"Siyempre meron 'no. Pero dapat pala hindi na lang ako nagsabi... hindi ka rin naman naniniwala. Nakakatampo ka, alam mo ba iyon? Kaibigan kita—ay hindi pala kasi pamilya na kita, tapos ikaw pa 'tong hindi naniniwala sa akin. Porke ba humaling na humaling ako kay Luxwell ay ibig sabihin nagpapantasiya lang ako? Na nangngarap lang ako? Na nag-iilusiyon lang ako? Na gumagawa lang ako ng kuwento? Mahirap ba talagang paniwalaan na magkakagusto sa akin ang isang Luxwell Delavrin? Napaka imposible ba no'n? Porke ba magkaiba kami ng mundong ginagalawan? Sabagay isang hamak na alalalay lang naman ako. Wala akong kahit na anong maipagmamalaki... isa lang akong dukha."

"Prend, naniniwala ako sayo... sadyang ayaw ko lang talaga paniwalaan. Masiyadong magulo sa mundo ni Luxwell. Ni hindi nga natin lubusang kilala ang lalaking iyan. Tadaan mo, ang mga artistang katulad niya ay sadayang magaling sa pag-arte. Hindi lahat ng ipanapakita nila sa harap ng camera ay totoo. Ayaw kong masaktan ka, prend."

"Bakit naman ako masasaktan? Tsaka napaka bait ni Luxwell, mapa-on or off man ang camera."

"Sabagay nakakasama mo nga pala siya. Pero, anong sinagot mo no'ng umamin siya sayo?"

"Sa tingin mo ba magpapakipot pa ako? Hindi uso sa akin iyan pagdating kay Luxwell."

"So, sinunggaban mo na agad?"

"Nadali mo, prend."

"Basta mag-ingat ka na lang, lalo na sa mga baliw na tagahanga ng bebeloves mo na iyan."

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon