STAR'S POV
"HALA! Prend look at this, nag-viral 'yong nangyari sayo sa restaurant!"
Hindi na ako magugulat na nangyari iyan, ganiyan naman talaga ang mga tao. Ang kahihiyan ng iba ay kasiyahan para sa kanila. Buti na lang medyo sanay na ako sa pangba-bash nila kaya kahit papaano ay wala na ito sa akin.
"Grabe naman pala ang ginawa nila sayo, niratrat ka ng itlog. Nagsayang pa sila ng pagkain. E, kung binigay pa nila iyon sa mga taong walang makain edi nakatulong pa sila. Edi nagkaroon pa sila ng silbi at ng pag-asang mapunta sa langit."
"Sinabi mo pa, prend." Sang ayon ko sa kaniya.
"Haist! Tuluyan na talaga silang nabaliw. Nakakaawa naman sila. E, kung magkusa na kaya ako at tumawag na ako sa mga taga rehab para madampot na sila?
"Magandang ideya iyan, prend. Simulan mo na kaya?" Sakay ko sa kaniya.
"Bad idea pala, baka mapagkamalan rin ako."
Natawa ako sa sinabi niya. "Sayo nanggaling iyan, ah?
"Tignan mo prend, ang daming comment."
"Hayaan mo na iyan, prend. Huwag mo ng pansinin iyan, stress lang ang dala niyan sa atin."
"E, kung replyan ko kaya itong mga 'to? At pagmumurahin ko sila?"
"Kapag ginawa mo iyan mas lalo lang silang magagalit sa akin at mas lalaki pa ang gulo."
"Nagsa-suggest lang naman ako, prend."
"Prend, 'yong mga suggestions pang tanga."
"Sabi ko nga hindi na ako magsa-suggest at mananahimik na lang kahit na pinagpi-piyestahan ka na sa internet. Kumbaga sa handaan ikaw ang lechon, ikaw ang bida, ikaw ang star. Oh 'di ba bagay sayo ang pangalan mo kasi star na star ka ngayon.
"Stannah ang pangalan ko."
"Sige echosin mo pa ako."
"Oo nga pala, si kuya ba nakita mo?" tanong ko. Oo nga't sa iisang bahay lang kami tumutuloy pero ang dalang lang namin magkita.
"Maagang umalis. Bihis na bihis nga, e. Ke guwapo-guwapo. Tsaka bagong hair cut. Sayang mas bet ko pa naman 'yong long hair niya. Ang bad boy lang kasi ng dating. Ang sharap parang ang bangis niya sa kama—aray naman, prend!"
Binato ko siya ng libro na nahagilap ko lang dito sa lamesita. Sapul siya sa mukha. Ang dumi kasi ng bibig, pati si kuya ko pinagnanasahan.
"Nakuha mo. Buti nga sayo. Pati si kuya ko nilalapastangan mo diyan sa madumi mong isipan."
"Hindi ka ba talaga boto sa akin para sa kuya mo?"
"Prend, hindi naman sa hindi ako boto sayo. Si kuya, siya ang magdidisiyunan pagdating sa bagay na iyan. Kung sino man ang babaeng ibigin niya rerespituhin ko iyon."
"E, paano kung ako?"
"Prend, huwag mo naman gamitan ng gayuma si kuya ko."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Chriz lang, prend. Kung ikaw man... edi congrats sayo, panalong-panalo ka na kay kuya."
"Panalong-panalo din naman siya sa akin. Ang ganda ko kaya."
"Oo prend, ang ganda mo." Sinasakyan ko na baka magdrama na naman, e.
...
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin ang totoong ngayari sayo sa restaurant?" Nagtatagis ang bagang na tanong ni Luxwell. Nagulat na lang ako ng tumawag siya at sabihing nasa labas siya ng bahay.
"H-ha?" Ano bang pinupunto niya. Wala namang ibang nangyari sa akin kundi 'yong batuhan moment lang ng itlog.
"Napanood ko 'yong video," Seryoso niyang sabi.
"Oo nga, e. Nag-viral agad." Natatawa kong sabi. Kung kagabi iniyakan ko iyon, ngayon natatawa na lang ako.
"Alam mo ba ang nasa isip ko habang pinapanood iyon?"
Mabagal akong umiling.
"Pakiradam ko napaka useless!" Halos bulong na sabi niya.
Hinawakan ko ang makabila niyang pisngi saka ko siya tinitigan sa mga mata. "Luxwell, hindi totoo iyan. Saan mo ba nakuha ang ideya na iyan? Hindi ka useless, okay?"
"Gusto kong silang saktan kasi sinaktan ka nila. And damn those staffs of that fucking restaurant! Bakit pinanood ka lang nila?" Halos manginig na siya sa galit. "I asked them kung anong nangyari, ang sabi nila may grupo daw ng babaeng lumapit sayo then binato ka nila ng itlog pero hindi ka naman daw nila pinatamaan. Tinakot ka lang daw. Damn, them! Mga sinungaling sila!" Mariing wika niya.
"Hayaan na natin. Tapos na iyon. Nangyari na."
"No! Kailangan nilang magbayad sa ginawa nila say—"
Inilapat ko ang hintuturo kong daliri sa labi niya. "Please, baby, huwag na." Ginamit ko pinaka malambing kong boses para kumbinsihin siya at the same pakalmahin.
Bigla siyang natulala.
"Ayos ka lang ba?" bahagya ko siyang tinapik sa pisngi.
Naubo siya. "Y-Yea, yea."
Sandali kaming nabalot na katahimikan pero agad din itong nabasag ng magsalita si Luxwell.
"Nakalimutan kong itanong sayo ito kagabi. Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat kayo ng bahay?" biglang tanong niya sa seryoso ng boses habang kunot na kunot ang noo.
Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa kaniya.
"Oo, e. Pinalayas kasi kami." Hindi ko na siguro sasabihin sa kaniya na sinugod at niratrat kami ng mga yawang fans niya. Ayaw ko na kasi siyang pag-alalahin pa.
"Bakit hindi mo nga sinabi sa akin?"
"Pasensiya na. Nawala din kasi sa isip ko sa dami ng problema. Pero teka, paano mo nga pala nalaman ang bahay namin?"
"I have my ways."
"Ah. Ang galing naman," tanging nasabi ko.
"I'm sorry."
"Para saan?" naguguluhan kong tanong.
"Sa mga problemang dinala ko sayo."
Tinawid ko ang kaunting distansiya namin at niyakap siya sa bewang "Hindi totoo iyan, kasi ang totoo niyan kasiyahan ang hatid mo sa buhay ko."
"I love you, Star..." he whispered.
"I love you too bebeloves..." sagot ko.
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomansaLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...