36

147 1 0
                                        

STAR'S POV

HMMMN... Bakit ang lamig naman dito? Nasaan ba ako? Agad akong nagdilat ng mata at napabangon. 

"Nasaan ako?" Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Pamilyar sa akin itong lugar. 

Bigla bumukas ang pinto ng kuwarto... at iniluwa nito si Luxwell. Kaya naman pala, nandito ako sa kuwarto ni Luxwell, here in the building of UABC network.

"Mabuti naman gising ka na. Ang haba ng tinulog mo." Lumapit siya sa akin, may bibit siyang tray na may lamang pagkain at ibinaba ito sa side table ng kamang hinihigaan ko, then after nito ay umupo na siya sa tabi ko. 

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"It's one o'clock in the afternoon."

"Ano?! Ala una na ng hapon?! Ibig sabihin mahigit limang oras na akong natutulog?"

"Yep. You sleepy head." Sabay piga sa ilong ko. 

"Anuuu baaa!... Bitawan mo nga ilong ko, hindi ako makahinga!" Daing ko. Salamat naman at nakinig siya. 

"Here, eat this. Lahat ito." Tukoy niya sa lahat ng laman ng tray na dala niya. 

Medyo may karamihan ang laman ng tray pero yakang-yaka ko naman. Nakalimutan n'yo ata may lahi akong patay gutom—charrr lang. Hahaha! 

Pero teka... Anong sabi niya? Siya ang nagluto? 

"Marunong kang magluto?"

"Uh-hmn."

"Pero paano?" 

Bahagya siyang natawa. "Gumamit ako ng kalan."

Ay, marunong din pala siyang magjoke pero... waley naman. 

"Whahahahaha! Grabe ang galing mo mag-joke. Sobrang nakakatawa." Support ako sa kaniya kahit na anong mangyari. 

Bahagya siyang natawa then ginulo niya ang buhok ko. "Silly."

Napanguso ako. "Anong sili? Mukha ba akong maanghang?—ahhh... alam ko na. Sili kasi ang hot ko, tama ba? Naku, maliit na bagay... alam ko na iyan dati pa. I know na hot akong babae."

This time natawa na talaga siya. As in all out na pagtawa. Napahiga pa nga siya sa kama. 

Pinanood ko lang siya. Hindi ko alam kung bakit siya natawa. Samantalang seryoso ko dito. Hindi nagtagal ay tumigil na rin siya sa pagtawa. 

"Pero hindi nga, ikaw ba talaga nagluto nito?" 

Ang laman ng tray ay isang baso ng orange juice at meron ding isang baso ng tubig, then kanin at ulam na kaldereta, sinigang na hipon at wow, may fried chicken, my favorite! Huling kain ko nito ay no'ng araw pa na nag-apply akong PA ni Luxwell. Bigla akong natakam at mas lalo akong nagutom. Ayyy... nakalimutan ko, meron din palang hiniwang hinog na mangga at pakwan. 

"Uh-hmn. Yea. Why? Hindi ka makapiniwala na marunong ako?" Aliw na tanong niya. 

"Hindi talaga, kasi para ka kayang hari." I said while pouting.

He chuckled. "Am I? Really?" 

Sunod-sunod akong tumango. 

"Then, ikaw naman ang reyna ko."

Hala! Pa-fall ang bebeloves ko. Sabagay matagal naman na akong nahulog sa kaniya, e. Hehehe!

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na mapangiti, kahit na alam kong pulang-pula na rin naman ang buong mukha ko.

Nagpasya akong magsimula na lang sa pagkain. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang dahil si Luxwell, wala na siyang ginawa kundi panoorin lang ako habang kumakain. Nag-aalala tuloy ako, baka kasi ang pangit ko habang sumusubo ng pagkain. 

Lilinawin ko lang po, pagkain po 'yong sinusubo ko at hindi 'yong kung anong nasa isip n'yo ngayon. Uso pong maglinis ng utak, try n'yo po nakakagaan ng ulo. Anyway back to the situation na tayo. So ayon nga, nag-aalala din ako na baka malaki 'yong sinusubo ko. Paalala, usapang pagkain pa rin po ito. 

Kapag talaga madumi na 'yong utak pati mga simpleng salita katulad ng subo, mabuhok, mahaba, sagad, makipot at maraming pang iba ay nagiging iba na ang pakahulugan natin—ay kayo lang pala, inosente po ako. 

"How is it? Kamusta, masarap ba? " Nag-aalaang tanong niya. Nag-aala kasi baka daw hindi ako masarapan. 

"Hindi lang masarap kundi sobrang sarap, pero teka, ikaw ba kumain ka na?"

"Yea." 

"Ay, ang daya. Bakit nauna ka? Bakit hindi tayo sabay?"

"Sinadya ko talagang magpauna. Gustong-gusto kasi kitang pinapanood na kumain, so cute."

"Heh!" Kunwaring sinusungitan ko siya pero ang totoo keleg keke na ako. 

"Mabuti pa kumain ka rin." Inilapit ko sa bibig niya ang kutsarang may kanin at ulam. 

Napangiti ako nang kainin niya ito. Kinain niya ito ng walang pag-aalinlangan kahit na may laway ko na ito. 

Kumuha uli ako ng kanin na may ulam using spoon then isinubo ko ito. 

Boom! Indirect kiss. Hahaha! Pero gusto ko sana direct para mas solid. 

Teka, parang mas lalong sumarap... sumarap kasi may plus na laway ng bebeloves ko. Hala! Ang harot ko, grabe. Hahaha! 

Tapos na akong kumain—este kami pala dahil sinubuan ko rin pala si Luxwell. Sira ang diet niya kasi ang dami kong pinakain sa kaniya. Hindi naman siya nagreklamo, e. Tanggap lang siya ng tanggap sa mga subo ko. Nag-round two pa nga kami ng kanin, e. 

"Ahm, Luxwell?"

"Hmn?"

"Wala ba akong sasahurin ngayon? E, kasi 'di ba hindi naman natuloy ang taping mo, wala naman akong ginagawa kundi humilita lang dito. Imbes na ikaw ang pagsilbihan ko ay akong itong pinagsisilbihan mo."

"So?"

"Anong so? Ano wala nga?"

"So what kung ikaw ang pinagsisilbihan ko?"

Naku-naku, heto keleg-keleg na naman ako. Pero siyempre hindi ko ito ipapahalata, masiyado na akong nagiging marupok, nawawala na ang kaastigan ko. 

"E, sino bang PA sa ating dalawa?"

"Yea. Maybe your my PA but it doesn't mean na hindi na kita puwedeng pagsilbihan. Remember, you're my queen, Star."

Panigurado kulay kamatis na naman ang pisngi ko. Ang galing kasi magpakilig ng lalaking to, e. 

"Damn, you're blushing!" Aliw na bulalas niya. 

Agad akong yumuko, nakakahiya, e. Ngayon lang ako tinamaan ng hiya sa katawan. 

"Ewan ko sayo, Luxwell." 

Tinawanan niya lang ako. 

.

.

.

NGAYON nandito na kami sa kama niya, pareho kaming nakahiga. Nakaunan ako sa braso niya. Nanonood kami sa Netflix.

Pero sa totoo lang hindi alam kung paano humantong sa ganito ang posisiyon namin. Basta nagulat na lang ako na hinatak niya ako pahiga sa kama. E, tao lang naman ako, hindi kayang umiwas sa tukso lalo na kung si bebeloves ko. 

Habang nanonood kami ng palabas na ewan ko ba kung anong title nito. Hindi naman ako nanonood, itong si bebeloves ko lang. Nakatutok ang mata ko dito sa screen pero ang isip ko kay lumilipad dito sa katabi kong ngayon ay nakayakap na sa akin at wala na rin sa pinapanood niya mga mata niya, nasa akin na. 

"I like you, Star. I really really like you..." Nangungusap ang mga matang sabi niya. 

Pagsasalita na rin sana ako pero agad niya ng inangkin ang labi ko. 

He kissed my lips. Isang uri ng halik na sobrang banayad ngunit kalaunan ay naging malalim at mapusok na ito. 

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon