25

101 1 0
                                    

STAR'S POV

ALAM kong masama ang magsinungaling at mag-imbento ng kuwento, ngunit ito na lang kasi ang nakita kong paraan para mapauwi si Luxwell at mailayo sa babaeng makati pa sa higad.

Nag-imbento ako ng kuwento, sinabi ko sa kaniya na may nang bastos sa akin kahit ang totoo wala naman talaga.

Nagpanggap akong takot na takot para mas kapani-paniwala ang acting ko.

"Boogsh!" Pabalibag na bumukas ang pinto ng kuwarto... at iniluwa nito ang Prince Charming ko-este si Luxwell pala na pawis na pawis. Halatang galing siya sa pagtakbo. Mukhang nagmadali talaga siya. Ganoon ka benta ang ginawa kong kuwento? Napaniwala ko talaga siya?

"Luxwe-"

Agad niya akong sinugod ng yakap.

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Nagmistulan akong estatwa na hindi nakagalaw.

Oh my gosh!... Si Luxwell niyakap ako!

Oh my heart, huwag ka magwala!

"Anong ginawa sayo ng lalaking iyon? Hinawakan ka ba niya?-Saan?"

"A-ano... a-ayos lang ako." Tanging nasabi ko, medyo gulat pa rin kasi ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin.

Ang higpit ng yakap niya sa akin. "Bakit naman kasi lumabas ka pa? Hindi ka ba nag-iisip, ha? Gabi na, delikado na sa labas. Hindi ka na dapat lumabas. Tignan mo tuloy, muntik ka pang mapahamak!" sermon niya.

"Ah... eh... o-okay na naman ako-Hindi naman ako napahamak."

"Pero paano kung napahamak ka?"

"H-hindi naman, e. Tignan mo, oh. Safe na safe ako."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Pagkatapos ay tsaka niya ako pinagkatitigan gamit ang naniningkit niyang mga mata. "Anong ginawa sayo ng lalaki iyon?" seryoso niyang tanong.

"A-ahm... a-ano kasi... " Hala! Ano nga ulit 'yong sinabi ko sa kaniya sa telephono? Haist! Nakalimutan ko na. "...kasi ano---mabuti pa hayaan na lang natin, tutal tapos na nam-"

Umigting ang panga niya. "No! Hindi ko papalagpasin ang ginawa sayo ng gagong iyon. For Pete's sake Binastos ka niya!" mariin niyang sabi.

Hala! Paano ngayon ito? Ang galing mo kasi Star, imbento pa more.

"Natandaan mo ba 'yong mukha?"

"Ha?"

"Do you remember the face of the bastard?" ulit niya.

"Ah... H-hindi, e."

Bakit niya tinatanong?

"Damn!" mahina ngunit mariin niyang mura.

Teka, saan siya pupunta?

Bigla na lang kasi itong lumabas.

"Luxwell?" hinabol ko siya.

Huminto siya ngunit hindi niya ako nilingon.

"S-saan ka pupunta?"

"I'll check if may cctv malapit sa shore o kaya sa area kung saan ka nabastos," aniya.

Hala! Hindi puwede! Kasi mabubuko niya na nagsisinungaling lang ako. Mayayari ako nito kapag nagkataon!

"Ahm, Luxwell... puwede bang huwag na lang?"

Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa akin. "At bakit?"

"A-Ano kasi... k-kawawa naman siya."

Umarko ang makakapal niyang kilay. "Bakit ka maaawa sa taong nambastos sayo?"

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon