7

177 3 0
                                        

STAR'S POV

GABI na nang makauwi ako. Kapapasok ko pa lang sa bahay ay may baklang nakasunod na agad sa akin. Si prend na may dalang isang mangkok na may lamang ulam.

"Prend, ginabi ka ata? Heto oh, nagluto ako ng ulam natin. Alam ko kasing pagod ka sa trabaho kaya naisip ko na isabay ka na sa pagluto," aniya.

"Salamat, prend. Tama ka sobrang napagod talaga ako." Ani ko sabay pabagsak na nahiga sa-outch!

Nakalimutan ko, papag nga lang pala ang hinihigaan ako.

"Prend, hindi iyan kama. Huwag ka mag-assume para hindi ka nasasaktan," ani ng bakla.

"Oo, na. Hindi na ako mag-aasume... ang sakit na kasi, e."

"Ha? Prend bakit parang iba na yata yang tinutukoy mo?"

"Wala. Pagod lang ako. Paano 'yong magaling na Luxwell na iyon, walang ibang ginawa kundi utusan ako ng utusan."

"Ginusto mo iyan, prend. Sige Luxwell pa more."

"Talagang Luxwell pa more pa talaga ako," usal ko. Kung akala ng Luxwell na iyan ay susukuan ko siya dahil lang sa paandar niyang pagsusuplado, nagkakamali siya. Panigurado sinisubakan niya lang ako, tini-test niya siguro kung hanggang saan ang kakayahan ko. Sorry na lang siya pero matatag yata ang isang Stannah Raizen Dellova, walang makakapagpasuko sa akin. Hindi ko na bibitawan pa ang pagiging PA ko sa kaniya, ever.

"Prend, hindi naman kasi talaga madaling trabaho ang pagiging PA, pero alam kong kaya mo iyan, ikaw pa ba? Wala ka yatang inaatrasan. Ikaw yata ang pinakapalaban na babae dito sa baranggay natin, pero matanong ka nga kita. Pinahihirapan ka ba ng boss mo, ha?"

"Naku, hindi ah. Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan?"

"Edi ba nga sayo na nanggaling na sobrang napagod ka?"

"Prend, wala namang trabahong hindi nakakapagod," sagot ko. "Anyway, anong ulam natin?"

"Naks naman, isang araw ka pa lang naka air-con umi-english ka na, umi-anyway ka na ngayon."

"Lahat na lang talaga napapansin mo 'no?"

Tinawanan lang ako ng bakla. "Adobo ang niluto ko," aniya.

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi rin kasi ako nakakain ng maayos kanina dahil nga sa panay ang utos sa akin ni Luxwell.

"Nanghingi ako ng kangkong kay aling Rusing kanina, wala kasi akong pambili ng ulam."

"Kangkong? Adobong kangkong ang ulam natin?" Naniniguro ko pang tanong, baka kasi nagkamali lang ako ng rinig. Hindi naman sa ayaw ko ng kangkong, feel ko lang kasing mag-ulam ng masarap, although masarap naman ang kangkong, kaso kauulalam lang namin nito noong isang araw. Ayaw ko muna ng kangkong ngayon.

"Oo, prend. Bakit ano ba ini-expect mo? Manok? Baboy? Bigyan mo ako ng pera at ngayon din ibibili kita."

"Prend, nananadiya ka ba? Kapapasok ko pa lang kanina. Saan ako kukuha ng pera?"

"Ikaw, prend. Nananadiya ka rin ba? Mahal ang karne ngayon, hindi ko afford."

"Edi kumain na tayo, huwag na tayong maghanap ng masarap na ulam, kasi itatae din naman natin iyon, saya lang.

"Ehem, ikaw kaya itong naghahanap."

"Alam mo, Tesbam. Pinahahaba mo lang ang usapan, lumamon na nga lang tayo, kasi sa totoo lang gutom na gutom na ako, nagrereklamo na ang mga bulate ko sa tiyan."

Hindi na kami nagchickahan pa ni Tesbam at kumain na lang.

"Thank you Lord," usal ko matapos kumain. Success, busog na ako. Salamat sa kangkong, sinagip nito ang kumakalam naming sikmura.

.

.

.

KINABUKASAN

Ala singko pa lang gising na ako at kasalukuyan ako ngayong bumabyahe papunta sa UABC Network. Ala sais kasi ang call time ni Luxwell, dapat maaga ako kasi aayusin ko pa ang mga dadalhing gamit ng bebeloves ko.
Sa sobrang pagmamadali ko ay ni hindi na ako nakapag umagahan, pero okay lang din naman dahil sanay naman ako sa gutom.

Nang makarating ako sa building ng UABC ay agad na akong pumasok at dumiretso sa kuwartong nakalaan kay Luxwell. VIP ang bebeloves ko kaya may personal space siya sa building na 'to.

Hindi na ako kumatok, dire-diretso na akong pumasok sa kuwarto ni bebeloves ko.

At lumuwa ang mga mata ko at nalaglag ang panga sa nabungaran ko.
Si Luxwell... kakalabas niya lang sa banyo at nakatamis lamang siya ng tuwalya na tumatakip sa pang ibabang kahubaran niya. Agad nagtubig ang bagang ko.

U... la... lam!

Ang ganda ng katawan niya, grabe! Nakita ko ito sa televisiyon at mga litrato pero iba pala sa personal!

"What are you doing here?" gulat na tanong ni Luxwell na nagpaalarma sa akin kaya naman dali-dali akong napatalikod.

Haaay... gusto pa naman sanang titigan ang katawan niya!

"Anong ginagawa mo dito?" ulit niya. "Hindi ka ba marunong kumatok, ha?"

"A-ah... a-ano kasi... ahm-naiihi na ako kaya nawala na isip ko ang kumatok. T-tsaka akala ko din kasi wala ka pa," pagpapalusot ko. Sana gumana.

...

LUXWELL'S POV

DAMN! Hindi manlang ba marunong kumatok ang babaeng 'to?

Nagulat na lang paglabas ko ng banyo ang babaeng baliw na 'to ang bumungad sa akin.

Hindi lang pala basta nakatingin dahil nakatulala siya at nakanganga habang titig na titig sa katawan ko."

"Ano tatayo ka na lang diyan?" mariing tanong ko. "Get out!" pagtataas ko ng boses. Dali-dali naman siyang lumabas. Muntik pa ngang matisod dahil sa pagmamadali. Napailing na lang ako.

Agad na akong nagbihis, mahirap na baka bigla na namang pumasok ang baliw na babaeng iyon.

Grabe siya makatingin sa katawan ko kanina, parang gusto niya akong sakmalin. Pakiramdam ko tuloy nilapastangan niya ang pagkatao ko. Tinapakan niya ang pagiging lalaki ko. Nakita niya na ang katawan ko.

Masiyado na akong nagiging mabait sa babaeng iyon. Dapat siguro umpisahan ko na ang pagpapahirap sa kaniya.

"Tok, tok!" ... "Luxwell, tapos ka na ba?"

Ano bang trip ng babaeng 'to? Bakit ba minamadali niya ako?

"Luxwell? Gusto mo tulungan kitang magbihis?" katok pa rin ng babaeng baliw.

What did she say? Nababaliw na ba talaga siya?

"Uy, Luxwell? Nasakal ka na ba ng damit mo kaya hindi ka na sumasa-"

Binuksan ko ang pinto kaya hindi niya na tapos ang tangka niyang sasabihin.

Nanlaki ang mata niya sa gulat.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hehehe!" Napapahiya siyang natawa. "T-tapos ka na pala..."

Inismiran ko siya. "Hindi ba halata?" I said in sarcastic tone. "Ano bang kailangan mo?"

"A-ano k-kasi... d-dumaan si Miss Miriam. P-pinasasabi niya na b-bilisan mo d-daw," utal na aniya.

"Bakit hindi mo iyan sabihin sa sarili mo? Imbes na ginagawa mo ang trabaho mo, heto ka nakatunganga," singhal ko sa kaniya.

"E-eh, kasi naman po, ang tagal-tagal mong magbihis daig mo pa ang baba-"

Muli ko siyang sinamaan ng tingin. "So, kasalanan ko pa... ganoon ba?"

"Naku, hindi po. Ako po, ako po ang may kasalanan. Ang kupad-kupad ko po kasing kumilos."

"Don't use that tone on me!" mariing sabi ko. "Huwag mo akong sinisirkastiko, babae!"

"P-pasensiya na L-Luxwe-"

"Call me Sir. Boss mo ako. Huwag mong kakalimutan iyan," malamig na sabi ko, pagkatpos ay tinalikuran na siya.

Damn! Hindi ko matagalan na kasama ang babaeng 'to... ang kapatid ng taong pumatay sa kapatid ko.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon