13

98 2 0
                                    

STAR'S POV

AMBANG sasakay na ako sa passenger seat ng sasakyan ni Luxwell ng bigla niya akong hawakan sa palapulsuhan, dahilan para mapahinto ako.

"Dito ka na sumakay." Tukoy niya sa backseat kung saan katabi ko siya. Pero wala sa sinabi niya ang atensiyon ko kundi sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.

Mukhang ngayon lang din niya napansin ang ginawa niya. Dali-dali niyang binitawan ang palapulsuhan ko. "I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin.

Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react kaya binigyan ko na lamang siya ng isang payak na ngiti.

Ambang papasok na ulit ako sa may passenger seat ng muli niyang hawakan ang palapulsuhan ko.

"I said, dito ka na maupo sa likod." aniya.

"Ha?"

Kumunot ang noo niya. "Are you okay? Parang wala ka sa sarili mo."

Paanong hindi ako mawawala sa sarili ko, e masiyado mong ginugulo ang sistema ko.

"Naku! Hindi na Sir, oks na ako dito sa tabi ni kuya Nestor," tanggi ko, pero sa kaloob-looban ko gusto ko siyang tabihan, puwede rin na ikandong niya. Malandi na kung malandi, at least sa isang lalaki lang at hindi sa kung sino-sino or kani-kanino na lang.
Tinaasan niya ako isang kilay. "Mamili ka, dito ka mauupo sa tabi ko o wala kang masasakyan?"

"S-sabi ko nga, diyan na ako sa tabi mo..." ani ko sabay pasok sa backseat.

"Good girl. Iyan ang gusto ko, masunurin," aniya bago umikot sa kabilang side ng sasakyan at pumasok dito. Magkatabi na kami ngayon.

"Huwag kang kabahan... hindi naman ako nangangagat," bulong niya habang may nakakalokong ngiti kaniyang labi.

Hindi, ah. Okay lang kahit kakagatin mo ako. Bite me as long as you want, basta huwag mo lang masiyadong ibabaon ang ngipin mo. Hihihi! Tsaka basta ba... kakagatin din kita. Rawrrr!... Magkagatan tayong dalawa.

"Lumilipad na naman ang utak mo," anang ni Luxwell.

"Ah... Eh... marami lang talaga akong iniisip," dahilan ko na lang.

"Like what?" tanong niya.

"Ahmmm..." Umisip ka Star! "Ahh... Ehh-Ano kasi... masiyadong marami, baka abutin tayo ng siyam-siyam bago matapos."

"We have a lot of time. Mahaba-haba pa ang biyahe natin."

Wala na akong lusot. Bahala na si batman. Bahala na, kung ano na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Ano kasi... iniisip ko lang kung saan ako kukuha ng pamasahe bukas," ani ko. Medyo truth naman kasi wala na talaga akong pera, 'yong pinahiram sa akin ni Tesbam kagabi, naubos ko na. Bumali pa kasi ako ng bigas at delata na mamaya lang ay lalapangin ko na din pag-uwi ko.

Bigla na lang siyang may dinukot sa bulsa niya, kinuha niya pala ang pitaka niya. Binuksan niya ito. At namilog ang mga ko nang makita ang dami ng perang laman nito, puro lilibuhin. Kumuha ito ng ilang lilibuhing papel--ay hindi lang pala ilan, kasi marami ang kinuha niya at... iniabot ito sa akin.

"Here," aniya habang inaabot sa akin ang pera.

Sunod-sunod akong umiling. "Naku, Sir hindi ko matatanggap iyan. Hindi naman po ako nagpapaawa e."

"Wala naman akong sinabing nagpapaawa ka. Just accept it. Alam kong kailangan mo 'to. Maliit na halaga lang 'to, hindi 'to kabawasan sa akin."

"Hindi na po talaga, Sir. Tsaka ano pong sinasabi mo diyan na maliit na halaga lang iyan? E ang kapal-kapal niyang ibinibigay mo sa akin." Mukhang mas malaki pa nga iyan kaysa sa sahod ko, e.

"Tanggapin mo na, please?" pamimilit niya.

Hayyy.... nag-please pa siya! Ang hirap tuloy tanggihan, lalo pa't kasing guwapo niya ang nag-i-insist.

"Hindi na po," tanggi ko. Oo kailangan ko ng pera, pero hindi naman ako mukhang pera.

"Ganito na lang. Tanggapin mo 'to tapos ibabawas ko na lang sa suweldo mo, okay na ba iyon?"

Nge? Baka wala ng matira sa sahod ko. Baka nga magpaluwal pa ako, e.

Nahihiya na ako sa kakatanggi ko. Baka isipin niya napaka arte ko.

"Ganito na lang, Sir. Isang libo na lang po."

Kumunot ang kaniyang noo. "Are you sure on that price? Hindi ba masiyadong maliit iyan? Sa isang linggo po ang sahod mo. Hindi kasiya ang isang libo."

"Naku hindi po. Kasiya na po iyan hanggang sa dumating ang sahod ko."

"Can you please drop the 'po'? Hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Parang ang dating kasi sa akin parang ang tanda-tanda ko na."

"P-pasensiya na po-este paseniya na pala, Sir. I'm just showing my respect lang naman sayo."

"No need. And also stop calling me 'sir', Luxwell na lang.

"P-pero ang sabi mo po dapat 'sir' ang itawag ko sayo kasi boss kita?"

"Just forget about that. From now on, Luxwell na lang."

"S-sige." Tanging nasabi ko. Gustong magdiwang ng puso ko. Pakiramdam ko kasi nawala na ang barrier na humaharang sa aming dalawa. Simula kasi no'ng naging PA niya ako, oo nga't malapit lang siya ngunit ang hirap niya naman abutin. Ang sungit at ang suplado niya kasi.

"Anyway, kunin mo na ito." Aniya sabay kuha sa kamay ko at inalagay dito ang perang kanina niya pa pilit na ibinibigay sa akin.

Nanlaki ang mata ko. "Naku! Hindi na talaga, Luxwell." Ibinalik ko sa kamay niya ang pera.

Sumimangot siya.

Hala! Ang cute niya!

"Bakit ba ayaw mong tanggapin?"

"Eh, kasi po masiyadong malaki ang halagang ibininigay mo."

Umarko ang makakapal niyang kilay. "Bakit, magkano ba gusto mo?"

"Isang libo nga lang ho, 'di ba?"

"Make it five thousand. Walang mararating ang isang libo."

Napaka kulit naman ng bebeloves ko. Ayaw kong isipin niya na mukhang pera ako.

"Isang libo lang." Giit ko.

"Four thousand?"

"Ayaw. Isang libo lang."

"Three thousand?" Hirit pa niya.

Umiling ako.

"Three thousand five hundred?" Another hirit pa niya.

Bakit ba ang kulit ng bebeloves ko? Hindi niya ba maintindihang isang libo nga lang? Pero in fairness ang cute niya, ang sarap pisilin ng pisngi niya.

"Huwag na pala. Ayaw ko na. Sayo na iyang pera mo." Try ko ngang gawin ang reverse psychology, baka sakaling tumalab.

"Okay, fine. Here's the one thousand." Sumasukong sabi niya sabay abot ng pera.

Hala, Effective!

"Ibawas mo ito sa sahod ko, ha?"

"Oo na," aniya.

"Galit ka?" nag-aalalang tanong ko.

"Of course, not," agad na sagot niya.

"Hindi talaga?" Paniniguro ko pa.

"Hindi nga." Sinamaan niya ako ng tingin.

Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng tawa sa aking bibig.

"What's funny?" nakasimangot na tanong niya.

Naku! Ayaw ko na siyang asarin, baka mamaya sumupungin pa siya ng kasungitan niya. Ayaw ko ng bumalik ang bumalik ang ugali niyang iyon.

Umiling ako. "Wala po."

Hala! Sana hindi niya napansin na nag 'po' na naman ako sa kaniya. Thankfully, mukhang hindi naman.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon