39

112 1 0
                                    

STAR'S POV

"3, 2, 1 and cut!" sigaw ni direk. "Oh My Gosh! Finally natapos na rin!" Parang naiiyak na sabi ni direk.

Oo nga, natapos na rin. Sa loob ng tatlong buwan na pagte-taping ay natapos din ang pelikulang pinaghirapan nilang buuhin. Ang pelikulang talaga namang pinagbuhusan nila ng pagod at labis na dedikasiyon. 

Agad akong lumapit kay Luxwell at hindi ko na napigilan pa ang yakapin siya. "Congrats, bebeloves," bulong ko sa kaniya, pero agad din akong napahiwalay sa kaniya nang ma-realize ko na hindi nga lang pala kaming dalawa ang magkasama ngayon. 

Ramdam ko ang pagtitig ng mga kasama ko sa akin—sa amin ni Luxwell. 

Si direk Obet tinaasan ako ng kilay, habang si Miss Miriam naman ay nginitian lang ako. 

'Star, huwag kang masiyadong magpadala sa emosiyon mo.' Sermon ko sa sarili ko. 

Dumistansiya ako kay Luxwell. Hindi na ako nag-abalang tignan ang reaksiyon ni Stepharot dahil ayaw kong masira ang araw ko dahil lang sa mala payaso niyang pagmumukha. 

"Good job to all of us. Napaka huhusay n'yo. Lalo na sa ating mga bida, kay Denrix Roque, kay Stephanie Brabante and of course the one and only Luxwell Delavrin. At siyempre maraming salamat sa ating mga production staffs na talaga namang napaka dedicated sa trabaho. Palakpakan n'yo ang mga sarili n'yo dahil panigurado isang pelikula na naman ang mamamayagpak at labis na papalakpan ng madla." 

"Congrats, darling." Bati ni Stephanie kay Luxwell at napatigalgal ako sa sunod niyang ginawa. 

Hinalikan niya si Luxwell sa labi. 

"Uyyyy...."

"Yieee...."

"Bagay na bagay talaga sila."

"Nakakakilig naman!"

"Oh My Gggggg.... Nakakakilig!"

Kikilig na kilig naman ang ibang kasama namin dito sa nasaksihan nila at inasar pa ang dalawa. 

Nagulat si Luxwell sa ginawang iyon ni Stephanie at agad itong tinulak. Kitang-kita ko kung paano niya pinandilatan si Stephenie. Hindi na ito napansin ng iba dahil parang silang tanga na kilig na kilig. 

Tsk. Anong nakakakilig do'n? Nakakainit ng ulo puwede pa. 

Aaminin ko nasaktan ako sa nasaksihan ng dalawa kong mata, kahit pa na alam ko namang hindi iyon ginusto ni Luxwell. 

Nagtama ang mga mata namin ni Luxwell at base sa pagtitig niya sa akin ay parang sinasabi niya hindi niya iyon ginusto, na hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Stephanie at nabigla lang din siya. 

Nag-iwas na lang ako ng tingin. 

"Hala! Ano iyon? Bakit may halikan na naganap? May hindi ba kayo sinasabi sa amin, ha? Kayong dalawa na ba, ha?" Kinikilig na tanong ni direk. 

"Naku, direk. Hindi pa po. Kinikilala pa lang po namin ni Luxwell ang isa't isa."

"Ang showbiz ng sagot mo hija. But anyway good luck sa RELATIONSHIP N'YONG DALAWA. Sana dire-diretso na iyan hanggang kasal."

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Kaya mas minabuti ko na lang na umalis. 

Nandito ako ngayon sa roof top ng hotel na pinag-tapingan namin. Dito ako dinala ng mga paa ko. Ayos dito, tahimik at mahangin, kahit papaano gumaan ang nararamdaman ko. 

"Bakit ka nandito? 

Napalingon ako sa nagsalita. 

Si Denrix pala. 

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon