2

212 5 0
                                    

STAR'S POV

"PREND, kamusta ang itsura ko?" Pang sampung beses ko na 'ata itong tanong kay Tesbam.

"Prend, ang ganda mo na, kaso hindi ba parang over dressed ka?"

"Ha? Bakit naman? Ang ganda kaya ng suot ko." Umikot-ikot pa ako.

"Maganda nga iyang suot mo, prend. Ang kaso gown talaga? PA ang a-applyan mo hindi ka magsa-santa cruzan," nakangiwi niyang sabi.

Oo, nakausot ako ng gown na hiniram ko pa sa kapitbahay naming may mabuting puso.

"Pero ito ang gusto kong isuot. Gusto ko, ako agad ang unang mapansin ni Luxwell, para ako ang kunin niyang PA."

"Ay, iba din ang utak mo, mataba. Oo mapapansin ka nga niya pero hindi mo ba naisip na baka mapagkamalan ka niyang aning-aning dahil diyan?"

Ay, may punto ang prend ko. Baka imbes na makuha akong PA ay kaladkarin pa ako palabas dahil sa pag-aakalang nababaliw na ako.

Sayang bet ko pa naman 'tong gown. Feeling ko ang sexy-sexy ko dito sa suot ko. Kulay puti ito. Ang sabi ng hiniraman ko, wedding gown daw ito ng amo niya na hindi natuloy ang kasal. Pinapatapon daw ito sa kaniya, kaso nasasayangan siya kaya inuwi niya na lang.

"Tama ka, prend. Hanap na lang siguro akong ng ibang isusuot."

"Leave it to me, prend. Ako na ang bahala sayo. Gagawin kitang diyosa."

"Prend, correction lang, matagal na akong diyosa," usal ko.

"Edi mas diyosa pa, 'yong tipong lahat mapapatingin at tutulo ang laway kapag nakita ka."

"Ay, bet ko iyan, prend," wika ko.

Hinayaan ko na si prend ko na ayusan at bihisan ako, pero bago iyon dumaan muna kami sa ukay-ukay para bumili ng pang malakasan na outfit na kakabog sa mga mahaderang nangangarap na maging PA ng bebeloves ko. Ako ang deserving sa posisyon. Ako ang dapat maging PA ni Luxwell.

"Ow em gee, Prend! Ang ganda-ganda mo! Wala na, may nanalo na... at ikaw iyon. Panigurado kapag nakita ka ni papa Luxwell, ikaw na agad ang pipiliin niya," tumitiling sabi ni Tesbam matapos niya akong ayusan.

Simple make up lang naman ang ginawa niya sa akin, hindi ko lang alam kung saan niya 'to hiniram. Sana lang hindi sa kapit bahay naming taga-make up ng patay.

Ang itim na itim at tuwid kong hanggang bewang na buhok ay inilugay ko na lang, pinasadahan lang ng kaunting suklay.

Ang suot kong damit ay dapat medyo pormal daw ayon kay Tebam para daw mukha akong disente. Ang pang itaas ko ay white long-sleeve na polo-ay teka hindi na pala ito white kasi dala ng sobrang kalumaan ay nanilaw na ito. Wala na rin akong oras na maglaba at paputiin ito dahil mamayang alas tres na ang interview ko. Ang pang ibaba ko namang suot ay slacks na kulay itim, nabili ko lang din sa ukay. Itinack in ko ang damit ko sa slacks kong suot para magmukha akong malinis at hindi 'yong parang napadaan lang.

Ayan ready na ako. Sinipat ko ang itsura ko sa salamin. Grabe ang ganda ko talaga! For sure pagnakita ako ng bebeloves ko mai-in love agad siya sa akin. Yieee!

"Hayyy... lumilapad na naman 'yang utak mo, Starla," usal ni Tesbam na nagpabalik sa diwa ko.

"Natulala lang ako sa sobra kong kagandahan."

"Ay, sana all may kagandahan. Ako kasi overload cuteness lang ang meron.".

"Super duper agree, prend." Sang-ayon ko. "Teka, anong oras na ba?" tanong ko kay Tesbam.

"Ala-siyete pa lang," sagot niya.

"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi?" tarantang tanong ko. "Naku! Baka malate ako, babyahe pa ako!"

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon