STAR'S POV
GRABE, kapagod pa lang maging PA, utos dito, utos doon. Napaka palautos nitong si Luxwell. Hindi pa nga nag-iinit ang puwet ko sa pagkakaupo ay may utos na naman siya. Ibili mo ako ng ganito, gawin mo ito, linisin mo, itapon mo 'to... wala katapusang utos.
Ultimo simpleng bagay katulad na lang ng pagkain niya, kailangan pang isubo sa kaniya at kapag mainit dapat pang hipan.
Hindi sa nagrereklamo ako, kasi sa totoo pa nga niyan nag-eenjoy pa ako. Para kasi siyang baby... my baby. Hehehe! Landi.
Nakakapagod ang trabaho ko pero ang saya-saya ko naman sa ginagawa ko, kasi abot kamay ko na ang lalaking pinapangarap ko.
"Ibili mo ako ng kape." Utos naman ng bebeloves ko. Kakatapos lang nila ng ilang shoot para sa upcoming na movie niya. Break time nila ngayon. Itong movies na kasalukyan nilang ginagawa ay hindi pa nila isinasa-publiko, kasi gusto daw nilang i-surprise ang fans ni Luxwell.
"Ibili? Hindi ba itimpla?" tanong ko.
"Anong bang sinabi ko?" masungit niyang tanong.
"A-ang sabi mo po ay ibili ko po k-kayo ng kape."
Inismiran niya ako. "'Yon naman pala. Hindi ka naman pala bingi."
"A-ano kasi... puwede naman kitang ipagtimpla na lang, kung hindi mo kasi naitatanong magaling ako magtimpla ng kape. Tsaka mas makakatipid ka kung ipagtitimpla na lang kita," mahinang sabi ko.
He chuckled. "I have a lot of money, mukha bang kailangan kong magtipid?"
"Alam mo kasi bebeloves ko-"
"Anong tinawag mo sa akin?" Nagsalubong ang makakapal niyang kilay.
Patay!
Huli ka balbon, Star!
Umisip ka ng palusot, pabebeloves-bebeloves ka pa diyan, ah!
"Ah... Eh... W-wala, ah. Baka nabingi ka lang," pagpapalusot ko.
Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Hehehe!" napapahiyang natawa na lang ako.
"What are you waiting for?"
"Ha?" Parang tangang tanong ko.
"My coffee!" mariing sabi niya.
Ay oo nga pala!
"Sige, wait me here ibibili na kita." Dali-dali akong lumabas sa kuwartong pinaglalagyan namin. Pero agad akong napahinto ng may ma-realize ako. Wala nga pala akong pera, kaya naman dali-dali akong bumalik kay Luxwell.
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay nang makita ako.
"A-hhh... nakalimutan ko kasing manghingi ng pera," nahihiyang sabi ko habang napapakamot mo pa sa bandang batok.
"Use yours. I have no money in cash."
"Naku, Sir. Wala po ak-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinamaan niya na ako ng tingin.
"Sabi ko nga, heto na ibibili na kita." Dali-dali na akong sumibat.
Kape? Saan ako bibili ng kape?
...
LUXWELL'S POV
TSK! Baliw na babae.
Damn! Parang hindi naman tumatalab ang pagpapahirap ko sa kaniya. At mukhang nag-eenjoy pa nga siya.
Halos wala na akong ginawa kundi-utusan siya ng utusan. Tapos 'yong buwiset na ngiti niya lang ang nakikita ko! Wala na siyang ibang ginawa kundi ngumiti ng ngumiti sa akin!
"Knock, knock!" May kumatok sa pinto. Mukhang nakabalik na ang baliw na babae.
Pumihit ang saradora ng pinto, sign na pabukas na ito. Nang bumukas ito ay iniluwa nito hindi ang baliw na babae kundi si Stephanie, ang leading lady ko sa pelikula.
I'm not totally familiar with her, ngayon ko lang siya nakatrabaho at nakita personally, but marami na rin akong naririnig tungkol sa kaniya. Kung gaano siya kagaling sa pag-arte at kaganda.
Totoo ang sabi-sabi, maganda nga talaga ang isang Stephanie Brabante. She is really beautiful and not only that... she has a body that can drive men crazy.
Hindi ko siya nakasama sa shoot kanina, maybe because she's too busy, dahil kasalukuyan din siyang may ginagawang teleserye.
"Hi..." anito habang naglalakad papalapit sa akin. At nang tuluyan na siyang makalapit ay umupo siya katabing upuan ko.
Mataman ko lang siyang tinitigan.
"Hi, I'm Stephanie Brabante," pagpapakilala niya habang nakalahad ang kamay para makipag shake hands.
"Luxwell Delavrin." Inabot ko ang kamay niya para makipag kamay.
"Of course I know you. The one and only Luxwell Delavrin. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa isang katulad mo. Ikaw pala ang makakapareha ko sa movie, ngayon ko lang nalaman. This is the first time na magkakatrabaho tayo. Ito rin ang unang beses na nagkita tayo. Nakakatawa nga, e. Iisang mundo lang ang ginagalawan natin pero hindi man lang tayo nabibigyang ng pagkakataong magkita or magkasalubong man lang. Pero ngayon na nakita kita... mas gwapo ka pala sa personal. Anyway, sorry if I suddenly came here, gusto ko lang naman na magkilala tayo personally para kahit papaano hindi tayo magkailangan sa shoot.
Nasa gitna kami ng pag-uusap ni Stephanie ng biglang bumukas ang pinto.
Ang baliw na babae, nandito na siya.
"A-ahm, sige Luxwell balik na ako sa dressing room ko, baka kasi hinahanap na ako," ani ni Stephanie.
Nang makalabas na si Stephanie ay tsaka ko binalingan ang baliw na babae na ngayon ay nakasambaras ang mukha.
"Sandali lang akong nawala, lumandi ka na agad," bulong niya. Hindi ko ito narinig ng malinaw.
"Oh, heto na po ang kape mong ipinabili. Laklakin mo!" Pabalya niyang inabot sa akin ang kape.
Anong problema ng babaeng 'to?
...
STAR'S POV
LUMABAS lang ako sandali may naabutan na agad akong babaeng maharot. Talagang siya pa ang pumunta dito sa dressing room ng bebeloves ko! Bakit kaya siya nagpunta dito? Lakas ng loob niyang tabihan ang bebeloves ko!
Kilala ko ang babaeng iyon, e. Artista din siya, sikat din siya, pero di hamak na mas maganda pa rin ako.
"Anong klaseng kape 'to?" malamig na usal ni Luxwell sabay hagis ng kape na nagsanhi para kumalat ito sa sahig.
Nagulat ako sa ginawa niya. "B-bakit mo tinapon?" Nagbabadya na ang luha sa aking mga mata. Kung alam niya lang ang hirap ko sa paghahanap ng coffee vendo, dumayo pa ako sa kabilang building para lang makabili ng kape."Do you really think na iinumin ko ang basurang iyan?" Sarkastiko siyang natawa.
"P-pero ang sabi mo gusto mo ng kape 'di ba?"
"Yea. But not that kind of coffee!" mariing wika niya pagkatapos ay saka niya ako tinalikuran at nag-walk siya palabas ng dressing room.
Ang tanga ko naman! Common sense naman, Star!
Siyempre matic na agad na ang kapeng tinutukoy niya ay 'yong kapeng mamahalin, 'yong nabibili sa coffee shop at hindi sa pepitsuging vendo lamang. Anong pang aasahan ko? Mayayaman sila. Bakit sila magtitiis mumurahin kung afford naman nilang ang mamahalin.
Ang hambog.

BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomansaLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...