35

164 1 0
                                        

STAR'S POV 

NAKAKAINIS! Nawala nga 'yong kissing scene pero... ngiting wagi pa rin si Stepharot dahil meron silang eksena na... hahaplusin niya abs ng bebeloves ko... at hindi lang iyon dahil hindi niya lang ito basta mahahawakan kundi matitikman niya din ito literal, dahil hahalikan at didilaan niya ito, kaya ngayon tuwang-tuwa ang gaga. 

Ako nga ni hawak hindi ko pa nagagawa tapos siya... sa ganoong level agad? Wow! Ang swerte niya naman, samantalang ako 'yong future girlfriend. Ako lang ang may karapatan sa katawan ni Luxwell!

Advance ako mag-isip kaya huwag kayong ano diyan. GIRLFRIEND AKO NI LUXWEL… PERIOD!

"In ten minutes magsisimula na tayo," sigaw ni direk. 

"What is that face, hmn?" Masuyong tanong sa akin ni Luxwell. Kasalukuyan kong inaayos ang kurbata ng suot niyang damit.

"A-ah, wala. Medyo nagugutom lang ako. Hindi kasi ako nakakain ng breakfast kanina." Pagpapalusot ko, pero totoo din naman dahil hindi talaga ako nakapag-breakfast 

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Damn!" mahinang ngunit mariin na mura niya. "You come here ng hindi manlang nagbi-breakfast?

"N-nagmamadali kasi ako kanina, maaga kasi ang call time mo."

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak pa rin sa kurbata niya. Hindi pa rin kasi ako tapos ayusin ito dahil apura ang chicka niya sa akin. 

So ayon nga, hinawakan niya ang kamay ko at... hinatak ako patungo sa... teka palabas to, ah! 

"Teka nga Luxwell, saan ba tayo pupunta? Mag-uumpisa na ang shoot n'yo. "

"Pakakainin kita. Hindi ka puwedeng magtrabaho ng walang laman ang tiyan mo."

Lahat talaga ng sinasabi ko siniseryo niya. 

"Hindi pa naman ako nagugutom, e."

"But you sai—"

"Nawala na ang gutom ko. Tara na balik na tayo doon."

Ang totoo ayaw ko na siyang bumalik pa doon. Ayaw kong matuloy ang shoot nila. 

"Luxwell?"

"Hmn?"

"N-nabasa ko kasi sa s-script mo na 'yong a-abs mo..." Napalunok ako. "...'yong gagawin ni Stephanie sa abs mo."

"Kung hindi ka komportable, puwede ko naman ipanggatagal ang scene na iyon," aniya na para bang simpleng bagay lang ito.

"Iyan ang huwag mong gagawin, Luxwell."

Halos lahat ng movie at teleserye niyang ginawa ay daring at medyo bold ang dating. Sanay na rin naman ako, kaso iba ngayon, e, personal ko na itong makikita at mapapanood. 

"Luxwell, tara na dito mag-uumpisa na tayo," tawag ni Stephine sa bebeloves ko. 

Excited na excited na ang gaga. Hindi pa naman nagsisimula naglalaway na siya. 

"Pumunta ka na doon, tinatawag ka na, oh." Hindi ko na naitago ang pait sa boses ko. 

Napatango lang siya bago ako iwan.

.

.

.

KASALUKUYAN na ngayong nag-uumpisa ang shooting at heto ako nandito sa dressing room ni Luxwell. Agad na akong napunta dito hindi pa man nagsisimula ang shoot nila. Hindi ko kasi kayang panoorin ang gagawin ni Stephanie. Baka hindi ako mapakagpigil at masugod ko siya ng hindi oras at iuntog sa pader. 

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon