8

167 4 0
                                        

STAR'S POV

MUKHANG hindi yata maganda ang gising na bebeloves ko. Nuknukan ng sungit.

At bago pa man niya ako masungitan pa ng bonggang-bongga ay agad ko nang inayos ang mga gamit na dadalhin sa set.

Ang dami na naman nito, hindi naman lahat nagagamit. Toyo din 'tong si bebeloves ko e, halatang pinahihirapan talaga ako. Pero oks lang, yakang-yaka ko naman.

Mabilis lang akong nag-ayos baka kasi mamaya toyoin pa ang boss ko at maisipan pang iwanan ako.

Wooh! Natapos rin sa paglalagay ng gamit sa sasakyan. Pakiramdam ko ang asim-asim ko na, naliligo na ako sa sarili kong pawis. Dapat pala hindi ako nag-long sleeve na damit, mukha tuloy construction worker ang datingan ko ngayon, nagliligata ako. Kanina kasi no'ng umalis ako sa bahay malamig pa kaya ganito ang isinuot kong damit.

"Are you done?" tanong ng bebeloves ko na prenteng nakaupo sa hood ng sasakyan.

"A-ahm, opo... S-Sir," sagot ko.

"Puwede ba kapag pupunta ka nga dito maligo ka muna," nakangiwing sabi niya.

"P-pero Lux-este Sir pala, naligo naman po ako."

"Ang baho mo," aniya.

Wow! Napaka honest at napaka straight forward naman niyang tao.

Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ah? Hindi naman ako mabaho, ah? Kahit gaganito-ganito lang ako, wala akong putok, maputi rin ang kilikili ko.

"Maligo ka nga muna, nakakahiya kang kasama," aniya.

"A-ano kasi... wala akong extrang damit," wika ko sa maliit na tinig.

"Ihihiram kita kay Miriam, kaysa naman maging kahiya-hiya ako dahil sayo," aniya pagkatapos ay iniwan na ako. Malamang ay pupunta siya kay Miss Miriam para humiram ng damit.

Pero teka, bakit kaya Miriam lang ang tawag niya kay Miss Miriam?

Si bebeloves ko talaga, minsan ang hirap intindihin.

Ilang saglit pa ay nakabalik na si Luxwell, at may bibit itong paper bag.

"Oh," pabalya niyang inabot sa akin ang paper bag na dala niya.

"A-ano 'to?" Kunwari ay hindi ko alam.

"Damit." Tipid niyang sagot.

Wish ko lang na sana kasiya sa akin itong damit ni Miss Miriam, medyo may katabaan kasi ito e.

"S-salamat dito, sige maliligo muna ako," pagpapaalam ko sa kaniya. Akmang tatalikuran ko na siya ng pigilan niya ako.

"Sandali..."

"B-bakit?" tanong ko.

"Mag bihis ka na lang, wala nang oras."

"M-magbibihis? Saan? Dito?" nanlalaki ang matang tanong ko.

Umarko ang makakapal niyang kilay. "Are you stupid that much? Bakit dito ka magbibihis? Ano bang utak meron ka?"

"Ah... Eh-"

"Doon na lang sa sasakyan."

"P-pero nandoon sa loob si kuya Nestor." Tukoy ko sa driver niya.

"So? Edi magbihis ka kahit nandoon si Nestor," matabang na sabi niya.

Napanguso ako. Kung ikaw ang kasama ko, puwede pa, papayag pa ako, pero kung si mang Nestor baka masakal ko pa siya.

"Nestor?" pasigaw na tawag ni Luxwell sa driver niya. Lumabas naman agad ito sa sasakyan.

"Bakit po, Sir?"

"Buy me a coffee."

"Ah, sige po Sir." Anito sabay pasok ulit sa sasakyan ngunit agad itong pinigilan ni Luxwell.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Luxwell kay Nestor.

"Bibilhan po kayo ng kape," sagot ni Nestor.

"Just walk. The coffee shop is just nearby."

"Ah, sige Sir." Umalis na ito.

"Ikaw." Baling sa akin ni Luxwell. "Ano pang tinatayo mo diyan? Magbihis ka na."

Dali-dali akong kumilos. Agad akong pumasok sa sakyan para magbihis.

Binuksan ko ang paper at namilog ang mata ko nang makita ang laman nito. Isang skirt na kulay puti, at sa tansiya ko ay nasa kalahati ng hita ko ang haba nito. May laman din itong kulay pink na spaghetti strap croptop. Bakit naman ganitong uri ng damit ang pinahiram sa akin ni Miss Miriam? Nagsusuot pala siya ng mga ganitong uri ng damit, buti nagkasiya sa kaniya.

Bago ko isuot ang damit ay pinunasan ko muna ang katawan ko gamit ang hinubad kong damit, mahirap na baka madumihan ko pa itong damit na ipinahiram, wala akong pampalit dito.
Ayan, ready na ako. Medyo uncomfortable lang itong damit pero keri ko naman dahil minsan na rin akong nagsuot ng mga ganitong uri ng damit noon, pero dahil sa tagal na no'n ay parang hindi na ako sanay. Kaya hetong tamang hatak lang pababa ng damit pang taas ko, nakikita na kasi ang bandang tiyan ko, although wala naman akong bilbil at confidence akong may korte ang katawan ko pero hindi na talaga ako sanay, e.

Nang masiguro kong ayos na talaga ako ay lumabas na ako ng sasakyan, pero bago iyon isinilid ko muna 'yong damit na hinubad ko sa paperbag na pinaglagyan ng damit na suot-suot ko ngayon.

...

LUXWELL'S POV

SA WAKAS natapos na rin siyang magbihis.

Binalingan ko siya ng tingin. "Damn!" mahina akong napamura. Ano ba naman klaseng damit ang ibinigay sa akin ni Miriam?

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Ang pangit niya. Hindi bagay ang damit sa kaniya. Ang sakit sa mata.

Lumapit siya sa akin. "Ayos lang ba ang suot ko?" tanong niya.

"Hindi," sagot ko.

"Paano mo nasabi? E, hindi mo naman ako tinatapunan ng tingin."

"Can you just shut up? Napaka ingay mo, kanina ka pa." Iritadong sabi ko.

"Ha? Parang hindi naman."

Damn! Sumasakit na ang ulo ko sa babeng 'to!

"Oh my gosh, Star! Bagay na bagay sayo 'yong damit." Out of nowhere bigla na lang sumulpot si Miriam. "Lalo kang gumanda sa suot mo, mas lumitaw rin ang kaputian mo."

"Naku, salamat po, Miss. Salamat din po dito sa damit na ipinahiram n'yo po."

Tsk!

"Pero, Miss Miriam. Bakit po kayo may ganitong damit? Nagsusuot po pala kayo ng ganito."

"Naku, Starla hija. Hindi sa akin iyan, mukha bang kasiya sa akin iyan? Siguro kahit isang taon akong hindi kumain, hindi ko pa rin maa-achieve iyang katulad ng katawan mo. Sa mga talents ko iyang damit na iyan, may extra talaga ako for emergency purposes."

"Ano, magdadal-dalan na lang kayo diyan?" Sumingit na ako.

"Pasensiyahan mo na iyang alaga ko, Star. Sumpungin talaga iyan, madalas mainit ang ulo." Bulong ni Miriam sa babaeng baliw.

Sinong hindi iinit ang ulo sa babaeng iyan? Hindi malaman kung tanga ba siya o sadyang painosente lang talaga siya.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon