24

149 1 0
                                        

STAR'S POV

PAANO ba iyan? Nasa akin pa rin ang huling palakpak. Ako ang pinili ng bebeloves ko. Pagkatapos kasi ng ginawa kong eksena ay kinaladkad na ako ni Luxwell palayo kay Stepharot patungo dito sa kuwarto namin. Naks, namin talaga 'no? E, bakit ba? Walang basagan ng trip. Kung gusto n'yo gayahin n'yo ako, mga wala kayong pake.

Anyway, huwag n'yo ng alamin pa kung anong nangyari matapos no'n dahil sinermonan lang naman ako ni Luxwell. Kesyo dapat daw hindi ko iyon ginawa dahil marami daw nakakakita sa amin at baka kung ano pang isipin nila. Na kesyo baka isipin ng mga iyon na may something sa aming dalawa.

Hmp! Hindi ko na kasalanan kung dakilang intregera ang mga iyon.

Pero hindi pa do'n natatapos dahil pagkayari niya akong sermunan ay sinundan naman ito ni Miss Miriam. Kesyo baka ma-misinterpret daw ng iba at isiping iyon nga... na may something nga saming dalawa ni Luxwell.

Hindi ko rin daw dapat ginulo si Luxwell at si Stephanie, kasi kailangan daw nilang dalawa ng moment para mas makilala ang isa't isa.

Huwag ko daw sirain ang career ni Luxwell. Nagiging OA na PA na daw ako.

Siguro nag-o-over acting na ako, pero kasi... hindi ko kayang makita sila na magkasama... nasasaktan ako.

Ngayon nandito ako sa kuwarto, nag-iisa. Si Luxwell naman, wala. May dinner date sila ni Stepharot.

Dati, hindi ako nakakaramdam ng inggit kahit na kanino pero ngayon nilalamon na ako nito.

Dapat ako ang kasama ni Luxwell, dapat kaming dalawa ang nagde-date... pero hindi e, hindi ako.

E, kung pumunta kaya ako do'n at kaladkarin pauwi dito si Luxwell?

Hindi. Mali! Bad idea pala... kasi baka this time masisante na ako.

Ayaw kong maupo lang dito at maghintay, kasi baka sa mga oras na ito gumagapang na ang malilikot na kamay ni Stepharot.

Naku! Baka minumolestiya niya na ang bebeloves ko! Hindi puwede! Kailangan kong gumawa ng paraan.

Kumuha ako ng jacket na may hoodie. Actually kay bebeloves ko ito, nasa labahin niya na ito kaya ayos lang naman siguro na hiramin ko muna ito 'no? Babalik ko din naman agad. Wala kasi akong ganitong jacket, e. Tsaka kasi kailangan kong mag-disguise para hindi nila ako makilala. Mamanmanan ko lang naman sila. At sa oras na may ginawa ang Stepharot na iyon sa bebeloves ko na hindi ko nagustuhan ay makakatikim siya sa akin ng sumpit.

Speaking of sumpit, meron akong istro dito, galing 'to sa pinag-inuman ni Luxwell ng milk tea kahapon, suwerte ko lang at nakita ko pa ito sa basurahan. At siyempre, hindi mawawala ang bala ko, crumpled paper na basa.

Alam n'yo ba ito?

Ganito iyan, itong papel na basa ay kakagatan ko ng maliit, kailangan nguyain ito ng bahagya at ma-iform na pabilog at dapat iyong magkakasiya sa butas ng straw, itong papel na 'to ang magsisilbing bala. Then isusubo ko 'tong traw, paggatapos ay hihipan ko ito, pero siyempre dapat naka puwesto na ang bala sa butas ng straw at ito ang bahaging nasa bibig ko, tapos... boom! Itututok ko ito sa target at hihipan ng buong lakas para siguradong tatama sa target.

Sana lang na-gets n'yo ang paliwanag ko, pero kung hindi... bahala na kayong umintindi, malalaki na kayo, kaya n'yo na ang sarili n'yo, may mas importante pa akong dapat gawin.

'Tong panunumpit na ito ay natutunan ko sa mga batang pasaway doon sa baranggay namin. At ang palagi nilang tinatarget ay si Tesbam. Kakawawa nga siya e, kasi ang tingin sa kaniya ng mga bata sa amin ay mumu dahil nga sa kulay nito.

Tama na nga itong kuwentuhan na ito. Kailangan ko na nga pa lang magmadali dahil baka pinapapak na ng malanding Stepharot na iyon ang bebeloves ko.

Isinuot ko ang hoodie, gumamit din ako ng sun glasses. Ready na ako, hindi na siguro ako makikilala nito.

Ang resort beach na ito ay may restaurant din, katabi lang ng hotel na tinutuluyan namin. Panigurado nandoon sila.

Wala na akong sinayang na oras at sandali, agad na akong nagtungo doon.

Hindi naman ako nahirapang hanapin sila dahil sila lang naman ang tanging laman nitong resto, bukod sa mga staffs and employees.

Talagang pinaghadaan. Ang romantic ng set up. Si Luxwell kaya ang nagpa-set up nito?

Nakadungaw lang ako dito sa labas. Hindi kasi ako makapasok sa loob, at panigurado haharangin lang din ako kung magtatangka akong pumasok.

Haist! Paano na ito? What I'm gonna do na?

Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit nagtatawanan sila? Bakit parang kilig na kilig ang tumbong nitong si Stepharot? Gusto kong marinig!

Sa gitna ng inis na nararamdaman ko ay... bigla akong natawa. Hahaha! May naisip ako.

Kung akala ng Stepharot na iyon na masosolo niya ang bebeloves ko, nagkakamali siya. Nasa akin pa rin ang huling halakhak.

Para namang kontrabida ang datingan ko nito. Hmp! Bahala na si Batman.

Inilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Luxwell. Nag-ring ito. Mula rito sa kinaroroonan ko ay kitang-kita kung paano niya nilabas ang cellphone niya sa bulsa niya.

...

LUXWELL'S POV

BAKIT kaya tumatawag si Star? May nangyari kaya?

"Sino iyan?" tanong ni Stephanie. Oo, magkasama kami. We're having a date. Utos ito ni Miriam, suyuin ko daw si Stephanie. Damn!

Ni-reject ko ang tawag. "Nothing, si Miriam lang." I lied. Mas mabuting hindi niya na malaman kung sinong umatawag.

"Ano nga ulit ang pinag-uusapan natin? Ah, oo nga pala, about sa kung anong tipo mo sa babae. So ano nga, Lux?"

Damn! Bakit biglang pumasok sa isip ko si Star?

"Actu-"

Bigla ulit nag-ring ang phone ko. It's Star again. Tumatawag na naman siya.

"Sagutin mo na kaya? May importante yatang sasabihin sayo si Miss Miriam."

Yea. Mabuti nga, hindi na rin ako mapakali. Pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda kay Star. At sana naman wala.

Sinagot ko ito. "What do you nee-"

"Luxwell?"

Damn! Bakit ang lambing boses niya?

"Luxwell, matagal ka pa ba diyan? Hindi ka pa ba uuwi?" Magkasunod na tanong niya.

There is something in her voice, para itong naglalambing-No, hindi pala... kasi para siyang takot na takot.

"U-umuwi ka na dito, p-please? N-Natatakot kasi ako. K-kasi kanina lumabas ako para magpahangin sa may s-shore... t-tapos may l-lalaking lumapit sa a-akin... h-hindi ko naman alam na b-babastusin niya pala ako. K-Kaya tumakbo ako p-pero hinabol niya a-ako, t-tsaka niya lang ako tinigilan nang makapasok na ako ng h-hotel..." Kanda utal-utal na siya dahil sa takot.

Kumuyom ang mga kamao ko matapos marinig ang sinabi ni Star.

"Bakit, may nangyari ba?" tanong ni Stephanie.

Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tumayo ako sa pagkakaupo ko at agad tumakbo para puntahan si Star. Narinig ko pang tinatawag niya ako ngunit ang tanging nasa isip ko lang ay si Star.

Damn, that bastard! I swear, kapag nalaman ko lang kung sino siya, lalong-lalo na kapag may ginawa siyang hindi maganda kay Star. Fuck! I will punch his face again and again, until it crushed.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon