STAR'S POV
HINDI ko alam kung paano ako nakarating dito sa bahay. Ang natatandaan ko lang ay pumara ako ng taxi, then nagulat na lang ako nandito na ako sa harap na bahay namin.
Kanina habang binabato nila ako ng itlog naestatwa na lang ako at tinanggap ang mga pagbato nila. Natulala na lang ako, parang bang nawala ako sa sarili ko at naging manhid. Saka lang ako nagkaulirat ng wala na akong maramdaman pa na tumatama sa akin—nang wala na silang mabato pa sa akin.
Kumatok ako sa pinto at bumukas naman ito agad.
"Prend, anong nangyari sayo? Bakit puro itlog ka? Nadapa ka ba sa paitlugan ng manok?"
"P-prend?" Muli na naman akong naiyak. Agad ko siyang niyakap.
"Anong nangyari, ha? Sinong may gawa sayo nito?"
Hindi ko nagawang magsalita dahil napahagulgol na ako.
"'Yong mga fans ba ni Luxwell, ha? Sila ba?" tanong niya na hindi ko magawang sagutin dahil mas gusto kong umiyak na lang. "E, mga gag* pala sila, e! Mga walang hiya! Palibhasa marami sila kaya ang tatapang at ang lalakas ng loob! Mga buwiset sila!"
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya para iparating na kumalma siya at baka atakihin siya.
"E, si Luxwell, anong ginawa niya? Hindi ka manlang ba niya nagawang protektahan?"
"W-wala pa kasi si Luxwell no'ng nangyari i-iyon..."
"Ang talas naman ng radar ng fans ni Luxwell, grabe! Dapat kasi hindi ka niya hinayaan mag-isa sa lugar na puwedeng may makakilala sayo. Buti sana kung hindi siya sikat na artista at kaunti lang ang nakakakilala sa kaniya, ang kaso hindi, e! Dahil kahit saang lugar kalat na kalat ang mga fans niyang may saltik.
Sa gitna ng pagtatalak ni prend ay biglang nag-ring ang phone ko.
"Si Luxwell tumatawg, sagutin ko lang." Bahagya akong lumayo sa kaniya para sagutin ang tawag ni bebeloves ko.
"Oh, damn! Ayos ka lang Star? Anong ginawa nila sayo?" Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. "I'm sorry, nasiraan kasi ako ng sasakyan habang papunta sa resto. At pagdating ko doon wala ka na, may nakapagsabi lang sa akin kung anong nangyari sayo at kung anong ginawa ng mga fans ko sayo. I really sorry, Star. Kung maaga siguro akong dumating baka hindi iyon nangyari sayo."
"Ayos lang naman ako. Itlog lang naman iyon, yakang-yaka ko. Hindi naman ako nasaktan, pero alam mo nanghihinayang ako doon sa itlog. Sinayang lang nila." Pinasigla ko ang boses ko para hindi na siya mag-alala pa.
"Iyon lang ba talaga ang ginawa nila sayo? Hindi ka ba nila sinasaktan?"
Nasaktan ako, ang sakit kayang mabato ng itlog. Buti sana kung 'yong itlog mo ang ibabato sa akin, baka na-enjoy ko pa.
Ang landi, ah!
"Hindi po Mister, kaya huwag ka ng mag-alala pa sa akin."
"That's good to hear. Napanatag na ako."
"Luxwell?"
"Hmn?"
"Mahal na mahal kita..."
Mahal na mahal kita sobra.
"Sige na ibaba ko na ito, nagda-drive kasi ako."
"Ay pasaway na ginoo. Alam mo bang puwede kang maaksidente sa ginagawa mo iyan, ha? Sige na ibaba mo na. Mag-iingat ka, ha? Kasi papakasalan pa kit—"
Binabaan niya na ako.
"Naku-naku, ngiting wagi ka na naman, parang kanina lang kung makangawa ka wagas," wika ni Tesbam.
"Siyempre, si Luxwell kaya iyon... ang happy pill ko."
"Sige na maligo ka na muna, ang langsa mo."
"Prend, kailangan mo din maligo, puro itlog ka na rin."
"Ano pa nga ba, may choice ba ako?"
"Oo naman you have a choice, prend. Puwede kang hindi maligo at hayaan mo na lang ang sarili mo na magliligata." Pamimilosopo ko sa kaniya.
.
.
.
PAGTAPOS kong maligo ay agad din akong bumaba. Hindi ako nakakain ng hapunan, nagwawala ng ang mga bulate ko sa tiyan, palamunin ko na daw sila.
"Tok, tok!" Biglang may kumatok.
"Prend may inaasahan ka bang bisita?" tanong kay Tesbam.
"Prend, sa tingin mo sinong bibisita sa akin? E, ikaw lang naman ang nag-iisa kong kaibigan. Baka 'yong kuya mo na iyan."
"Bakit, wala pa ba si kuya?"
"Prend, sa tingin mo ba iisipin ko na ang kuya mo iyon kung nandito na siya?" Pamimilosopo niya.
"Ewan ko sayo, prend. Ang arte mo. Sarap mo sampalin." Ani ko sa kaniya bago siya talikuran. Nagtungo ako sa pinto at binuksan ito.
"Luxwell ano ginagawa mo di—"
Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko dahil agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"I Love you too, my baby..." ubod ng suyong bulong niya sa tenga ko.
"Sus, kaya pala hindi ka nag I love you too sa akin sa cellphone kanina kasi ang gusto mo sa personal. Ang dami namang alam ng bebeloves ko," tudyo ko sa kaniya. "Pero alam mo, na-hurt kaya ako sa ginawa mong iyon," malungkot kong sabi. Totoo, nasaktan talaga ako. "Pero ngayon, bawing-bawi ka naman na Mr. Delavrin. Sobra mo akong pinasaya."
Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Oo, papakasalan mo pa talaga ako, Star," bulong niya pa.
Napatigalgal ako.
Narinig niya pala ang sinabi kong iyon. Akala ko kasi hindi pinatayan niya kasi agad ako kanina ng telepono.
.
.
.
HANGGANG ngayon paulit-ulit pa ring naglalaro sa isipan ko ang sinabi ni Luxwell.
"Oo, papakasalan mo pa talaga ako, Star."
Gusto niya akong pakasalan?
Hindi ko na napigilan... napatili na ako. "Kyaaaaaa!... Oh my geeeee!... Waaaaaah!..."
"Prend, kung makatili ka naman diyan parang hinihila ni Luxwell ang mani mo." Pasigaw na sabi ni prend, na nasa labas kasi siya ng kuwarto ko.
"Ang bitter mo, prend. Inggit ka lang kasi walang humihila sa mani mo," ganti ko."Iyon ang akala mo. Ang hindi mo alam gabi-gabi akong ginagapang ng kuya mo matikman lang ang exotic kong mani."
"Sige ka kapag narinig ka ni kuya diyan paniguradong sa kangkungan ka pupulutin," wika ko.
Hindi na sumagot si prend, mukhang natakot siya sa sinabi ko. Pero yieee!... kinikilig pa rin ako.
Ako at si Luxwell ikakasal! Waaahhh! Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Oo kama na ang hinihigaan ko, hindi na papag. Si kuya Stan ang bumili nito. Nakapagtapos naman kasi si kuya ng pag-aaral kaya madali lang sa kaniya ang humanap magandang trabaho. At speaking of kuya, medyo okay na kami, nag-uusap na kami. Ako lang naman kasi itong nagtatampururot.
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomansaLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...