48

107 2 0
                                    

STAR'S POV

"NASABI sa akin ni Miss Miriam na nag-out of town ka daw? Bakit 'di mo ako sinama? Edi sana may umasikaso sayo."  Nagtatampo kong sabi kay Luxwell na abala sa pagta-type sa laptop niya. Pero parang hindi niya ako narinig. Nandito kami sa sala at magkatabing nakaupo sa sopa.

"Na-miss na kita," lambing ko. Niyakap ko din ang braso niya. 

Napahinto siya ginawa niya at napatili ako sa sunod niyang ginawa. Bahagya niya akong binuhat at iniupo sa kandungan niya. Ipinalupot niya agad ang braso niya sa baywang ko. 

"'Di ba busy ka? Sige na unahin mo na iyang ginagawa mo, tutal mukhang mas mahalaga naman iyan kaysa sa akin." Kunwaring nagtatampo kong sabi. 

"Baby, that's not true. You are the only and the most important person in my life... now and forever. I'm sorry, okay? I'm just really busy. Nagkaroon kasi ng problema sa business ko at sabayan pa ng kabi-kabilang photoshoot at guesting. Don't worry, babawi ako, I promise..." masuyong sabi niya.

"E, bakit hindi mo nga ako sinama sa out of town mo? Edi sana may umasikaso sayo at naalagaan kita."

"God knows how much I want to be with you, pero biglaan kasi talaga, isa pa baka mapagod ka lang. Isang araw lang din naman ako nag stay doon, for photoshoot lang talaga. 

"Kasama mo ba si Stepharot?" matabang kong tnaong.

He chuckled. "Hindi. Kaya huwag ka ng magselos."

Napanguso ako. "Hindi kaya ako nagseselos."

"Then, ano lang, hmn?"

"A-ano lang—ahm... a-ayaw ko lang ng—ah basta! Gusto ko akin ka lang."

...

"KAKAUWI mo lang, ah? Aalis ka na naman? At wow bihis na bihis ka. Saan ang lakad?" pang-iintriga sa akin ni Tesbam. "Ay teka-teka, bakit nangingiti ka? Aguyyy... nagba-blush siya, oh!"

"Ewan ko sayo, Tesbam. Bahala ka sa life mo." Nilagpasan ko na siya. 

Agad naman niya akong hinarang. "Saan nga kasi?"

"Oh siya para manahimik na iyang bunganga mo. May date kami ni Luxwell."

"Oh, myyyy... yieeee!..." Tili niya. 

"Prend ang ingay mo." Pinandilatan ko siya. Buti na lang talaga wala kaming kapitbahay kung nagkataon at meron nakakahiya lang. Dapat talaga dito kay prend sa bundok pinapatira para kahit na magtitili at magsisigaw siya wala siyang naiistorbo. 

"Sige na prend, mauuna na ako." Pagpapaalam ko. 

"Prend, kapag may natira kayong pagkain ipag-take out mo, ha?" Habol pa ni Tesbam. 

"Oo. Pati plato iuuwi ko para sayo."

Pinasundo ako ng bebeloves ko kay mang Nestor. Yieee... excited na ako! 

Hindi nagtagal ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant.

"Mang Nestor, nandiyan na po kaya si Luxwell?" tanong ko kay mang nestor. 
"Hindi ko lang po alam, mam. Pero no'ng sinundo po kita paalis na rin si Sir."

"Ah, ganoon po ba. Sige po, salamat po."

Hindi na ako nagsayang pa ng oras, agad akong pumasok sa restaurant habang may matamis na ngiting nakapaskil sa aking labi. Kilig yarn? Pero buti na lang pala nag-dress ako, at least hindi ako mukhang naligaw lang. 

Wala tao sa restaurant maliban sa mga staffs na nagtatrabaho dito. May lumapit sa aking lalaking naka uniporme at hinatid ako sa table ko na hindi rin kalauyan sa entrance nitong resto. Wala pa si Luxwell, siguro na-traffic siya.

Habang naghihintay sa bebeloves ko ay Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa paglibot ng tingin sa paligid. Ang shala naman dito, may pa-chandelier pa. Panigurado pinasara na naman ito ni Luxwell para magkaroon kami ng privacy.

Twenty minutes passed, wala pa rin si Luxwell kaya I decided na i-text na siya. 


To: Bebeloves
Bebeloves, nasaan ka na? Malapit ka na ba?

To: Bebeloves
Naiinip na ako dito. 

Abala ako sa pagta-type ng message nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Agad akong nagdiwang sa pag-aakalang si bebeloves ko na ito... pero hindi.

"Hola, babaeng malantod!"

"Finally nakita ka na rin namin. Alam mo bang ang tagal ka na naming gustong makita. Hindi ka lang namin matiyempuhan dahil ang galing mong magtago."

Ang mga fans ni Luxwell... nandito sila! A-ang dami nila! Siguro hindi bababa sa kinse ang bilangi nila. Agad nila akong pinalibutan. Paano nila nalaman na nandito ako? 

"Nagkaharap din tayo. Ano kamusta ang panglalandi mo sa Luxwell namin? Masarap ba? Natugunan ba ang kakatihan mo?"

Napapalibutan na nila ako. Pamilyar sila sa akin, kasi sila din 'yong palaging nasa labas ng bahay ko. Tumayo ako. "Ano bang kailangan n'yo sa akin?" Matapang na tanong ko. Hindi ako puwedeng magpakita ng takot sa kanila. 

"Simple lang... ang gusto namin luyuan mo si Luxwell. Hindi siya nababagay sa isang katulad mo!"

"Hindi ko gagawin iyang gusto n'yo... nagmamahalan kami. At puwede ba tigilan n'yo na ako! Ano bang mapapala n'yo sa kakasunod at kaka-bash sa akin?"

"Ang tanga mo rin 'no? Hindi mo ba narinig ang sinabi namin? Ayaw namin sayo para kay Luxwell. Matatanggap pa namin kung ikaw si Stephanie... kaso hindi, e! Wala kang kahit na anong maipagmamalaki!"

Luxwell nasaan ka na ba? 

At bakit hinyaan lang ng mga tao dito sa resto na makapasok ang mga ito dito? Alam ko sa mga ganitong klaseng lugar hindi basta-basta nagpapasok ng mga taong hindi naman narito para kumain or walang reservation. 

Kinuha ko ang mga gamit ko. Wala akong mapapala kung makikipag-rebatan ako sa kanila kaya mas mabuting umalis na lang ako.

"Tabi. Aalis na ako." Nakaharang kasi sila, wala akong madaanan. 

Nagtanginan sila at binigyan nila ako ng daan. Nakahinga ako ng maluwag. 

Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ay... may bumato sa likod ko ng kung anong bagay na matigas. 

Hinarap ko sila pero dapat pala hindi ko na ginawa dahil saktong pagkaharap ako ay pinagbabato na nila ako. Pinagbabato nila ako ng hilaw na itlog. Kaya pala may dala silang basket.

Aray!

Ang sakit!

Imagine nasa kinse sila mahigit tapos sabay-sabay ka nilang babatuhin ng itlog? Maiiyak ka na lang sa sakit.

Kung saan-saang parte ng katawan ko tumatama ang itlog na binabato nila at sa bawat pagtama nito napapaigik ako sa sakit. 

Ginawa kong panangga ang mga braso ko para protektahan ang mukha ko. "T-tama na please!" Hindi ko na nakayanan, napaiyak na ako. 

Patuloy lang sila sa pagbato sa akin at kasabay nito ang mga masasakit nilang salita. 

"Dapat lang iyan sayo, malandi ka!"

"Ang taas ng pangarap mo, mahadera ka!"

"Hindi kami papayag na mapunta lang sa katulad mo si Luxwell!"

"Ano bang meron sayo, ha? Anong meron sayo na wala sa amin?"

"Ang galing ng style mo! Ginamit mo ang pagiging PA mo para landiin si Luxwell!"

"Nakakahiya ka! Kahihiyan ka para sa aming mga babae!"

Bakit may mga taong makikitid ang utak gaya ng mga taong ito? 

Ano bang maling ginawa ko? Meron ba?

Luxwell nasaan ka na ba kasi? 

Bakit walang umaawat sa mga baliw ito? 

'Yong guard at ang ibang mga staff nitong restaurant... nanonood lang sila. 

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon