11

130 2 0
                                    

LUXWELL'S POV

BUWISET!... Buwiset talaga! Wala pala akong contact number ng baliw na babae na iyon!

Damn! Oo nga pala, panigurado wala ding cellphone ang isang iyon!

Buwiset! Hanggang ngayon hindi ko pa rin masimulan ang plano ko!

Ni hindi ko alam kung paano ko ba mapapahirapan ng sobra ang babaeng iyon! Para naman kasing walang talab sa kaniya ang mga pang-iinsulto at pagpapahirap ko!

Wala na siyang ibang ginawa kundi ngitian na lang ako ng ngitian. Nababaliw na talaga siya. Akala niya ba nakakatuwa siya? Fuck, hindi! Kasi sa totoo lang nakakabuwiset!

Fuck! Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit hindi ako makapag-isip ng tama ngayon?

Hindi puwede 'to! Kailangan ko nang kumilos!

Shit! Nahawa na ata ako sa katangahan ng na babaeng iyon!

Umisip ka Luxwell! Hindi puwedeng magpadala ka sa babaeng iyon!

Tandaan mo kapatid siya ng lalaking pumatay sa kapatid mo! Tama. Kailangan niyang magdusa!

Tinungga ko ang bote ng alak na hawak ko. Kailangan ko ng alak ngayon para makapag-isip.

Bahala na kung tanghaliin akong magising bukas. Maghintay sila.

Simula ng mag-artista ako nawalan na ako ng kalayaan. Hindi naman ito ang pangarap kong buhay. Ni minsan hindi ko naisip na aarte ako, na magiging isang actor ako. Hindi ito ang gusto... dahil ang totoong pangarap ko ay-hindi bale na nga lang. Sino bang may pakialam sa kung ano ang gusto ko? 'Di ba wala naman?

Muli kong tinungga ang bote ng alak, inisang lagukan ko na lang ang natitirang laman.

Pangalawang bote ko na 'to ngunit parang hindi ako tinatamaan. Siguro dahil malakas lang talaga ang tolerance ko sa alak kaya hindi ako basta-basta nalalasing.

Kumuha pa ako ng isang bote. Siguro last na 'to. Ayaw kong masermunan ni Miriam. Grabe pa naman ang isang iyon, daig pa ang parents ko kung sermunan ako.

Sa gitna ng pag-inom ko ay bigla na lang may pumasok na ideya sa isipan ko.

May naisip na ako, may naisip na ako kung paano ako makakaganti. Panigurado sa gagawin ko wala nang kawala ang babaeng iyon.

I think parang mas maganda pa itong bagong naisip kong plano kaysa sa nauna.

Lawella, heto na... maipaghihiganti na kita.

Kung nasaan ka man ngayon Stanley, don't worry kasi ako na ang bahala sa kapatid mo.

...

STAR'S POV

"PREND, grabe habang tumatagal ka sa trabaho mong iyan, mas lalo kang gumaganda. Hiyang na hiyang ka sa pagiging PA. Ano magaling mag-alaga si Luxwell?" Matutulog na dapat ako kaso itong si Tesbam biglang dumating at inistorbo ako.

"Ha? Anong sinasabi mo diyan?"

"Para kasing ikaw 'tong inaalagaan ni Luxwell. Lalo kang gumaganda." Tudyo niya sa akin.

"Naku, kung alam mo lang my prend. Sobrang pagpapahirap ang ginagawa sa akin ng supladong iyon," bulong ko.

"May sinasabi ka ba, Starla?" tanong niya. Buti hindi niya narinig.

"Wala. Mabuti pa pautangin mo na lang ako ng pera. Naubos na kasi 'yong naipon ko sa pamamasahe pa lang." Araw-araw gumagastos ako ng one hundred pesos sa pamasahe, balikan na.

"Prend, may pera ako dito pero hindi kalakihan puwede na siguro 'to," aniya habang may kinakalkal na kung ano sa loob ng damit niya, sa may bandang dibdib. Ilang saglit lang ay may inilabas na siyang pera.

Haist! Ba't kay may mga taong ang hilig magtago ng pera sa bra?

Ito namang si Tesbam, nakikigaya pa. Nag ba-bra pa, e wala naman siyang dede.

Inabot niya sa akin ang pera. Tinignan ko kung magkano ito. Limang daan.

"Prend, pasensiya ka na kung iyan lang. Medyo matumal din kasi ang nakakalakal namin simula ng mawala ka. Alam mo naman ikaw ang asset namin, sa ganda mo kami umaasa."

"Salamat dito, prend. Huwag kang mag-alala ibabalik ko ito kapag sumahod na ako."

"Nandito lang ako, prend. Kung kailangan mo ng tulong maasahan mo ako."

Nginitian ko siya.

"Alam mo prend, kung mapapahiram ko lang 'tong kagandahan ko... sorry prend, pero hindi ko pa rin mapapahiram sayo."

"At bakit naman aber, ha Starla?"

"Kasi prend, kailangan ko itong gandang ito para ma-in love sa akin si Luxwell."

"Oo, tama. Paibigin mo iyang si Luxwell para naman makaahon tayo sa hirap."

"'Yan naman talaga ang balak ko." Sinakyan ko na ang kalokohan ni Tesbam. Nagbibiro lang ako.

***

LUXWELL'S POV

DAMN! Bakit ba ako sumunod sa utos ni Miriam na pumunta sa basurang lugar na 'to? Sa kalagitnaan ng gabi?

Hindi ba makakapaghintay ng bukas ang ipinabibigay niya na 'to?

Kung hindi niya lang talaga ako tinakot na tatadtarin niya ang schedule ko ng trabaho to the point hindi na ako makakapag pahinga ay hindi naman ako susunod sa kaniya.

Ano ba kasi ang laman ng kahon na 'to? At bakit ganoon na lang niya kagustong ibigay ito kaagad sa babaeng iyon?

Fuck! Bakit pa ako magpapakahirap na isipin kung anong laman nito kung puwede ko namang buksan? Kaso tinatamad ako, napakadaming scatch tape ang nakapaikot dito sa kahon, halatang ayaw talagang ipasilip ang laman.

Buti na lang mabilis hanapin ang address ng babaeng iyon dahil nasa bungad lang ito, sa gilid lang ng kalsada.

Ngayon nandito na ako sa harap ng-damn! Bahay pa ba itong matatawag? E, parang isang ihip ko lang dito ay bibigay na 'to.

Gawa lang ito sa tagpi-tagping lona at kahoy na binabahayan na rin ng anay. Ang liit lang din nito.

Hindi ako makapaniwalang ang dating buhay prinsesa ay sa ganitong uri lang ng pamumuhay babagsak.

Ambang kakatok na sana ako ng... matigilan ako ng marinig ko ang usapan nila.

"Oo, tama. Paibigin mo iyang si Luxwell para naman makaahon tayo sa hirap."

"'Yan naman talaga ang balak ko." Si Stannah ang nagsalita.

Nagpantig ang mga tenga ko sa narinig ko. Umigting ang panga ko at kumuyom ang mga kamao ko.

Mana talaga siya sa kuya niya... mga manggagamit!

Gusto mo ng laro? Then iyan ang ibibigay ko sayo.

Sisiguraduhin kong ako ang mananalo at ikaw... ikaw ang magiging talunan at luhaan sa huli.

Agad na akong umalis, mahirap na baka hindi ako makapag pigil at maisipan ko pang ipasunog ang lugar na ito.

Pagkarating ko sa pinagparadahan ko ng sasakyan ko, agad ko itong pinaharurot paalis, pero bago iyon bumisina muna ako ng sobrang lakas.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon