17

93 2 0
                                    

LUXWELL'S POV

"BAKIT mo ba ako pinapunta dito?" kakarating pa lang ni Quel ay ayan na agad ang tanong niya. Ni hindi pa nga siya nakakaupo.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay sumimsim lang ako ng alak sa basong hawak ko.

"I just want to celebrate," ani ko.

"Para saan?" Kunot noong tanong niya.

"For the success of my upcoming movie," sagot ko.

"Iyan lang ba talaga?" Nasa tinig niya ang pagdududa, para bang may inaasahan pa siya na sabihin ko.

"Of course," mabilis kong sagot. "Meron pa bang iba?" tanong ko pa. Alam kung anong pinupunto niya pero maang-maangan is the key.

Inabutan ko siya ng baso na sinalinan ko ng alak. Tinaggap niya naman ito at nilagok.

"Kamusta 'yong kapatid ni Stanley?" tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako.

"Nakita ko 'yong kumakalat na picture niyo together. Care to explain to me kung anong meron sa inyong dalawa? Parte pa rin ba ito ng plano mo?"

"Nope. kinalimutan ko na ang bagay na iyan."

"What do you mean of that?" Hindi pa rin siya kumbinsado.

"I just realized na... you're right, walang kasalanan si Star sa ginawa ng kuya niya. Maling idamay ko siya."

"That's good. Mabuti natuhan ka." aniya.

"Yea. Cheers?" Tinaas ko ang baso ko. Tinaas niya rin ang baso niya at pinag-untog namin ito.

"Anong balak mo ngayon?" tanong niya.

"Anong Balak? Wala, wala na." Agad na sabi ko.

"Your sounds so defensive." Kunot noong sabi niya.

"Gago, binigla mo ako, e."

Tinawanan niya lang ako. "Anyway, Ang ganda pala ng kapatid ni Stanley."

Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Nakita mo? Nagkita kayo?"

"Nakita ko siya," aniya.

"Kailan? Saan?" Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko.

"Dito sa building, the same day na nag-apply siyang PA mo. Nakasalubong ko siya."

"Nag-usap kayo?" tanong ko pa.

Bigla siyang tumawa ng malakas. "Pre, bakit parang affected na affected ka yata?"

"Siyempre. Ako ang boss niya, kargo de konsensiya ko siya," ani ko.

"Ok. Sabi mo, e." Tanging nasabi niya.

Saglit lang kaming uminom ni Quel, hindi pa kami nagpaka lango pa dahil may kaniya-kaniya din kaming trabaho bukas.


***

STAR'S POV

"MISS Miriam, ano po ito?" Bigla na lang kasi siyang may inabot sa akin na kahon na katamtaman lang ang laki, mga isa't kalahating dangkal ang laki nito, ang lapad naman nito ay isang dakal.

"Open it, nang makita mo," aniya

Binuksan ko ang kahon, medyo nahirapan lang ako ng very slight sa pagbubukas, secure na secure kasi ng tape. Nang sa wakas natapos din sa pagbubukas. Nanlaki ang mata ko nang makita ang laman nito.

Isang smart phone.

Napatingin ako kay Miss Miriam, gamit ang nagtatakang tingin.

"Sa iyo na iyan, Star. Kailangan mo iyan sa trabaho. Dapat no'ng karaan ko pa ibibigay iyan kaso nawala sa isip ko. Buti na lang naalala ko."

"Hindi ko po ito matatangap." Isinauli ko sa kaniya ngunit hindi niya naman ito tinanggap.

"Kailangan mo iyan, Star. Isa pa binibigyan talaga namin ng cellphone ang mga employees namin for work purposes. Mahalaga iyan lalo na sa uri ng trabaho mo."

Kahit parang labag sa loob ko, tinanggap ko na. "S-salamat po dito," pagpapasalamat ko.

"Naka-save na diyan ang number namin ni Luxwell."

"S-salamat po." Wala na akong nasabi kundi magpasalamat na lang.

Nakatingin lang ako sa cellphone na hawak ko. Ngayon na lang ulit ako nakahawak ng ganito, isang mamahaling cellphone.

"Pansin ko lang, close na ata kayo ni Luxwell." Napatingin ako kay Miss Miriam ng muli siyang magsalita. "Maganda iyan, hawaan mo ng kasiyahan ang alaga ko. Masiyado kasing tahimik at seryoso ang alaga kong iyon. Sa telebesiyon nagagawa niyang ngumiti at maging masaya, pero kapag wala na ang kamerang nakatapat sa kaniya... daig niya pa ang isang bato na walang emosiyon. Pero pansin ko-hindi nakita ko pala. I see it with my two eyes na nitong mga nakaraang araw, panay ang ngiti niya dahil sayo. Isang ngiti na talaga namang totoo at hindi dahil sa kailangan niya lang itong gawin."

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Miss Miriam. Sa tagal ko nang hinahangaan si Luxwell, ni isa wala pa akong alam tungkol sa buhay niya. Napaka pribado ng mga personal na impormasiyon niya. "Kapag sinearch ang panglan niya sa google, tanging ang lalabas lang ay 'yong mga nagawa niyang movies and teleserye. Siguro napaka private lang talaga niyang tao.
Mabalik tayo sa sinabi ni Miss Miriam. Totoo kaya ang sinasabi niya na ako lang ang nakakapagpangiti kay Luxwell? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti. Hindi naman siguro mag-iimbento si Miriam. Pakiramdam ko tuloy ang espisyal ko.

***

"BAKLA, saan galing 'to?" tanong ni Tesbam habang sinisipat ng tingin ang cellphone na hawak.

"Ibinigay sa akin ng Manager ni Luxwell, kailangan daw kasi sa trabaho," sagot ko.

"Ang ganda, mukhang mamahalin. Sana all."

"Prend, huwag ka ng maki sana all diyan, kung ano ang sa akin, sayo na rin."

"Talaga, prend? Puwede ko itong hiramin?" Maluha-luhang tanong niya.

"Oo naman," sagot ko.

"Ihhh... ang bait mo talaga." Lumapit siya sa akin niyakap ako.

"Para kang sira, prend." Sabi ko na lang pero sa totoo lang kinikilig ako sa sinabi niya. Para sa akin kasi hindi ko lang siya kaibigan kundi isang kapamilya.

"Finally makakapag selfie na rin ako. Maipe-flex ko na ang beauty ko sa mga social media accounts ko."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Oo, prend. Hindi na lang ako ang makakita ng kagandahan mo kundi marami na." Sakay ko sa sinabi niya.

Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya. At kapag masiya siya, mas doble ang sayang nararamdaman ko.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon