41

164 2 0
                                        

STAR'S POV

ITO na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw na isasapubliko ang pelikula ng bebeloves ko. Panigurado ngayon pinagkakagulahan na sila—o tamang sabihin, siya lang pala.

Hindi pumayag si Luxwell na isama ako dahil dagsa daw ng fans ang susuungin nila. Baka daw maipit lang ako or kung ano pa. Sana lang talaga maukauwi si Luxwell na kumpleto pa rin ang katawan niya.

Alam n'yo ba no'ng lumabas 'yong trailer ng movie niya, grabe sobrang pinag-usapan hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Like, wow!

Ganoon kasikat ang isang Luxwell Delvrin. Sold out din ang mga tickets sa mga sinehan. At ito pa, World Premiere, ibig sabihin hindi lang dito sa pinas kundi all over the world.

Heto nga't nanonood ako ng balita. Kung saan kitang-kita ko kung gaano karaming tao or tamang sabihin natin na mga fans ni Luxwell ang nagpunta sa movie premiere niya.

Hindi nagtagal, ayan na isa-isa nang nagsisipaglakadan sa red carpet ang mga artistang nakasama namin sa taping–na kasama ni Luxwell sa movie, kung saan kaliwa't kanan ng flash ng camera ang sumasalubong sa kanila.

Ayan na si Denrix. Grabe, mas lalo siyang gumwapo sa suot niya, pero mas guwapo pa rin ang bebeloves ko. Hindi nagtagal ay namatahan ko na din si Luxwell... pero napaismid ako ng makita kung sinong kasabay niya. Si Stepharot na grabe makayap sa braso niya.

Kailangan ba talaga sabay sila?

Ang sakit sa mata kaya napagdesisyunan kong patayin na lang ang TV, kasi panigurado kung ano-ano na namang ipakakalat ng haliparot na iyon, kesyo nagkakamabutihan na sila ni Luxwell at nandoon na sila sa stage na getting to know each other. Oh 'di ba ang kapal 'no?

Kaysa magpaka-ampalaya ay ihahanda ko na lang ang surprise ko kay bebeloves ko. Gusto n'yo bang malaman kung anong surprise ang tinutukoy ko?

Actually wala naman talagang pa-surprise na mangyayari. Sasabihin ko lang naman sa kaniya na—ihhh... mamaya na nga lang. Siya 'yong gusto kong unang makaalam at makarinig.

At oo nga pala, kabog ang lola n'yo ngayon. Ano si Stepharot lang ang may karapatang umawra? Siyempre ako din.

Naka of shoulder dress ako ngayon na kulay crema. Si Miss Miriam ulit ang nagbigay nito dahil akala niya isasama ako ni Luxwell.

Pasimple lang itong iniabot sa akin ni Miss Miriam dahil paniguro kapag nakita ito ni Luxwell ay baka sumpungin na naman siya at itapon or sirain na naman ito.

Hindi na ako makapaghintay. Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nakita ako? Yieee.... Super excited na ako!

One hour passed.

Ang tagal naman.

Anong oras ba sila matatapos?

Tapos na kaya sila?

Pauwi na kaya siya?

Matagal pa ba?

Haist!

Almost 5 hours na akong naghihintay.

Time check, alas diez na ng gabi.

Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa, kusang ng bumigay ang mga mata ko dahil sa antok.

.

.

.

ISANG haplos sa mukha ang nagpagising sa akin.

"Hey, wake up... baby." Boses iyon ni Luxwell. Ang boses niyang ubod ng lambing.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at agad na nagtama ang mga paningin namin ni Luxwell.

Nandito na siya.

"I'm sorry natagalan a—."

Niyakap ko siya, ipinalupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. "Sinabi mo pa. Sobrang tagal mo kaya. Tignan mo, sira na ang outfit ko, pinaghandaan ko pa naman talaga ito para sayo. " Tumayo ako at umikot-ikot para makita niya ang kagandahan at ka-sexy-han ko, pero he just chuckled at me. Then hinila niya ako pahiga sa kama. Muntik pa nga akong mapasigaw, e. Bakit naman kasi ang hilig niyang bigla-bigla na lang manghila? Hobby niya na ba iyon?

Kinaibabawan niya ako. Tangna! Ngayon ko lang napansin.... naka topless siya!.

Napalunok ako. Titig na titig siya sa mga mata ko. Tangnang mga titig iyan, lunod na lunod na ako! Muli akong napalunok.

Hanggang sa hindi ko na namalayan, natagpuan ko na lang ang kanan kong kamay na humahaplos sa pisngi niya.

Ayaw ko na. Hindi ko na kayang patagalin pa, kasi baka sumabog na itong puso ko kapag hindi ko pa nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko.

"L-Luxwell?..."

"Hmn?"

"Mahal din kita, Luxwell..." halos bulong na sabi ko.

"Damn. I love you too, Star." Then he kissed me on my lips.

He kissed me passionately. Isang uri ng halik na punong-puno ng pagmamahal at Buong puso naman akong tumugon sa mga halik niya.

Hindi nagtagal ang paghalik na ginagawad niya sa aking labi ay mas lumalim pa at mas naging mapusok.

Hanggang sa unti-unti bumaba ang halik niya sa panga ko hanggang sa aking leeg. Tumagal duon ang kanyang mga labi. Para akong sinisilaban sa tindi ng init na nararamdaman ko. Nakakabaliw ang mga halik niya. Ni hindi ko manlang napansin na nahubad niya pala ang damit ko. Iyon siguro 'yong narinig ko parang napunit kanina.

Huhuhu! Sayang naman 'yong damit!

Ngayon tanging bra at panty na lang ang tumatakip sa kahubaran ko. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang dila ni Luxwell sa leeg ko at mukhang hindi pa siya nakuntento sa pagdila lang dahil bahagya niya rin itong kinagakat at sinisipsip.

Nang magsawa na siya sa aking leeg ay bahagya siyang umangat para magpantay ang aming mga labi at muli itong halikan.

Umaapoy na pagnanasa, iyan ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon.

Patuloy lang kami sa paghahalikan na para bang wala ng bukas pa na darating. At iyon na nga, nauwi kami sa mainit na pagtatalik.

Oo isinuko ko na ang lahat sa kaniya. Ibinababa ko na ang bandera... isinuko ko na ang bataan.

...

LUXWELL'S POV

NASA tabi ko ngayon si Star na mahimbing na natutulog. Pareho kaming walang saplot sa ilalim ng iisang kumot. Sa lalim ng paghinga niya mahahalata talagang sobra siyang napagod.

Damn! Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ako ang unang lalaki sa buhay niya. At hanggang ngayon malinaw na malinaw pa rin sa aking isipan ang lahat ng nangyari sa amin kanina, kung paano ko siya inangkin.

Damn! I am his first... and I'll make sure that I will be her last. Akin lang siya, akin lang...

Hinawi ko ang mahaba niyang buhok na tumatakip sa maganda niyang mukha at hinaplos-haplos ito.

Damn! Para talaga siyang isang anghel.

Sandali ko pa siyang pinagkatitigan, bago dahan-dahanng tinanggal ang braso niyang nakayakap sa bewang ko at maingat na tumayo. Hinagilap ko ang boxer ko at isinuot ito.

Nagtungo ang banyo para kumuha ng palangganang may lamang maligamgam na tubig at bimpo.

Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahang tinabing ang kumot na nakatakip sa hubad niyang katawan. Pero bago ko gawin iyon ay ilang beses muna akong napamura ng malutong. Halos lahat yata ng santo natawag ko na mailayo lang ako sa tukso na dala ng babaeng nahihimbing sa ibabaw ng kama ko. At hindi lang iyon, habang tinatabing ko ang kumot ay bahagyang nanginginig pa ang kamay ko.

Damn! Ano ba utong nangyayari sa akin? Para na akong sira ulo!

Pikit mata at puno ng pagtitimpi kong pinusan ang katawan niya, pagkatapos ay agad na dinamitan.

Damn! Pawis na pawis ako, but thanks to God at nakaiwas ako sa tukso

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon