27

92 1 0
                                    

STAR'S POV

LAHAT ng eksena na kukunan dito sa location namin ngayon ay tapos na. Bukas babalik na kami ng Manila, pero ngayon pahinga namin, parang day off gano'n. Puwede na namin gawin kung anong gusto namin, like mag-swmming at lumibot dito sa place. 

Ang saya naman, sa wakas makakapagliwaliw na rin! Akala ko talaga puro trabaho na lang kami dito. Buti na lang talaga natapos agad nila ang shoot nila. Sabagay hindi ako magtataka dahil sobrang strikto at hands on ni direk Obet. 

"Star, ano ba iyang suot mo? Masi-swimming kayo hindi magtatanim sa bukid."

"Bakit Miss Miriam, ano po bang problema sa suot ko? Ayos naman po, ah?"

"Anong ayos diyan, hija? Iyan ang isusuot mo? Jogging pants and Oversized shirt? Really?" nakangiwi niyang tanong. 

"Ito lang po kasi ang meron ako," mahina kong usal. 

"Wait me here, may kukunin lang ako," aniya tapos ay iniwan na ako. 

"Nasaan si Miriam?" tanong ni Luxwell, galing siya sa banyo, nakaligo at nakapag bihis na siya. 

He's wearing a board short and plain white shirt na pinatungan niya ng beach polo, nakabukas ang lahat ng butones nito. May suot din siyang sunglasses. 

Ang guwapo niya talaga! 

Since wala nga kaming gagawin ngayon ay niyaya ko siyang maglibot, magsi-swimming na rin kami. Siyempre kaming dalawa lang. Niyaya ko rin naman si Miss Miriam ngunit mas gusto nitong matulog maghapon at magpahinga. 

"Ang sabi niya may kukunin lang daw siya," sagot ko sa tanong niya. 

"So, tara na?"

"Sandali lang, ang sabi kasi ni Miss Miriam hintayin ko siya. Mabuti pa mauna ka na sa may lobby, susunod na lang ako."

"Sabay na tayo, hntayin na lang kita."

"Hindi na. Sige na mauna ka na doon"

"Ok. If that's what you want." 

Pagkaalis ni Luxwell ay siya namang pagdating ni Miss Miriam at may dala itong paper bag. Inabot niya ito sa akin. 

"Ano po ito?" tanong ko. 

"Damit iyan. Isuot mo," aniya. 

"Po?--Pero bakit n'yo po ako binibigyan ng damit?"

"Mas maganda kung iyan ang isusuot mo, para naman hindi ka parang naligaw lang." 

Binuksan ko ang paper bag para malaman kung anong uri ito ng damit at lumuwa ang mga mata ko nang makita ito. 

One piece bikini?

LIKE WHAT THE HECK!?

Anong klaseng damit ito? O damit pa nga bang matatawag ito?

"A-ahm... Miss Miriam, hindi ko kayang mag-suot ng ganito." Agad ko itong binalik sa paper at isinauli sa kaniya. 

"Huh? Why naman? Ipupusta ko lahat ng mayroon ako, bagay ito sayo."

"Hindi ko po kayang magsuot ng ganiyang damit."

"At bakit?"

"Masiyado pong labas ang kaluluwa ko diyan."

"Ay, hindi mo naman agad sinabi na konserbatibo ka pa lang babae."

"Hindi lang po halata pero opo, e."

"Sayang naman ito, binili ko pa naman talaga ito para sayo. Ang mahal nga, e."

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon