57

139 2 0
                                    

STAR'S POV

DALAWANG linggo na simula nang makalabas ako sa hospital. Dito na ako sa condo ni Luxwell tumuloy. Ewan ko ba sa lalaking iyon, ayaw na nawawala ako sa paningin niya.

Okay na ang lahat sa amin, nakapag-usap na kami ng masinsinan at naayos na rin namin ang gusot namin sa isa't isa. Alam ko na rin ang nangyari between sa kanila ni kuya at mukhang ayos naman na sila ngayon. Hindi man sila nagkikibuan pero ramdam kong okay na sila.

Nasaktan ako sa sinapit ng kapatid ni Luxwell, naiintindihan ko kung bakit ganoon lang ang galit niya kay kuya to the point na pati ako gusto niyang idadamay. Plano niya pala talagang paibigin ako at saktan sa huli bilang ganti kay kuya pero hindi niya na daw ito napanindigan dahil nahulog daw siya sa akin. Ika nga niya... nahulog siya sa sarili niyang patibong, natalo siya sa larong siya mismo ang nagsimula.

Umamin na rin siya sa akin sa ginawa niyang pagmanipula sa buhay namin noon... at pinatawad ko siya. Lahat naman ng tao deserve ng pangalawang pagkakataon basta ba willing itong magbago. 

Itama ang pagkakamali? Imposible na iyan... pero puwede naman itong tabunan ng mga mabubuti at tamang gawain.

No'ng nakausap ko sila mom and dad sa panaginip ko o ewan ko ba kung panaginip nga 'yong matatawag, pero iyon nga no'ng nakausap ko sila wala naman silang galit kay Luxwell at botong-boto pa nga sila dito. So, bakit pa ako magpapaka impokrita at magagalit kay Luxwell? Sarali ko lang ang sasaktan at pahihirapan ko kapag nagkataon.

Oras na para magsimula kami ng bago at iwan na sa nakaraan ang lahat ng hindi magandang nangyaring sa buhay namin. At oo nga pala nalaman ko din 'yong pinaggagawa ni Stepharot. Ang maharot na iyon! Sabi na nga ba may sungay siyang tinatago, sungay na hanggang langit ang haba. Pasalamat siya hindi na kami napang-abot. Ang balita ko kasi nag-migrate na siya sa ibang bansa. Mukhang hindi niya kinaya ang kahihiyan.

Si Luxwell, tuluyan niya na ring iniwan ang showbiz. Sinubukan ko siyang pigilan pero talagang ayaw niya na. Desidido na talaga siyang umalis. Kung anong desiyon ni Luxwell doon ako, susuportahan ko siya.

Sa gitna ng aking pag-iisip ay biglang may matipunong bisig ang yumakap sa akin mula sa likuran. "Ang lalim naman ng iniisip mo." Ang malambing nitong boses ay naglaro sa aking pandinig.

"Wala, ah. Nagpapahangin lang ako."  Nandito kasi ako sa may balcony.

"Are you ready, hmn?" Hinalik-halikan niya ang balikat ko.

"Kanina pa... ikaw na lang naman kasi ang hinihintay ko. Ang tagal mo maligo daig mo pa ang babae. Siguro naglabas ka na naman 'no?"

He just chuckled.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko.

"Secret."

"May pa-secret-secret ka pa diyan. Ano ka teenager?"

"I'm not."

"Iyon naman pala, edi sabihin mo na."

"Hindi mo ako madadaan sa mga ganiyan mo, Stannah. Just wait... malalaman mo rin."

"Pero gusto ko ngayon na."

"Kulit." He gently pinched my nose.

"I love you." Lambing ko.

"I love you too..." aniya sabay nakaw ng mabilis na halik sa labi ko.

.

.

.

KASALUKUYAN na kaming bumabiyahe ngayon sakay ng sasakyan ng bebeloves ko. At pamilyar sa akin ang daan na ito. Hindi ako puwedeng magkamali.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon