47

98 2 0
                                    

STAR'S POV

HAIST! Buti naman lumayas na 'yong mga fans ni Luxwell sa labas, pinaalis ni kuya, kinailangan pa nga niyang tumawag ng pulis kasi hindi din kinaya ng mga baranggay tanod. At alam n'yo ba sa bawat oras na limilapas parami sila ng parami at may mga taga media na rin. Gabi na at kung hindi dumating si kuya ay baka nag-overnight na ang mga iyon dito. Grabe ang titibay nila, pero buti na lang talaga hindi nila naisipang gibain itong bahay kahit na ang totoo ay isang tulak lang ng malakas dito ay masisira na ito.

"Anong ibig sabihin no'n, ha Star? Anong ginagawa ng mga iyon dito?"

"K-kuya—"

Hindi niya na ako hinayaan pang matapos sa sasabihin ko at agad ulit siyang nagsalita.

"How about this." Bigla siyang may ihinagis sa paahan ko na diyaryo kung saan sa front page nito ay naka imprenta ang litrato namin ni Luxwell na naghahalikan. Nasa headline kami. "Anong ibig sabihin niyan, ha?" Sobrang lamig ng boses niya.

"K-kuya..." Tanging pagtawag na lang sa kaniya ang nagawa ko.

"Sinabihan na kita na layuan ang lalaking iyon! Hindi nga siya makakabuti sayo! Tignan mo ngayon ang nangyari, kinaladkad ka niya sa gulo!" Sobrang kalmado niya ngunit mas nakakatakot siya dahil ang lamig na boses niya, dagdagan pa ng blangkong ekspresiyon ng mukha.

"K-kuya... wala namang kasalanan si Luxwell dito..."

Peke siyang ngumiti. "Huwag mong sasabihing hindi kita binalaan. Sana lang talaga kaya kang panindigan lalaking iyan gaya na lang ng ginagawa mo," aniya bago ako talikuran.

"K-kuya?" tawag ko sa kaniya. Tumulo na ang luha ko. Hindi niya ako nilingon, dire-diretso lang siyang lumabas ng bahay.

...

INIPON ko muna ang lahat ng lakas ng loob ko sa katawan bago ko pihitin ang saradora ng pinto ng opisina ni Miss Miriam.

Sobrang nahirapan pa nga akong makapunta dito sa UABC network dahil tumambay na naman labas namin ang mga fans ni Luxwell na bashers ko. Oo may bashers na ako. Grabe nga 'yong mga paninirang puri na ginagawa nila sa akin e, sobrang below the belt na—ay hindi lang pala, kasi below the sole na.

Kaninang umaga nag-text sa akin si Miss Miriam, pinapapunta niya ako dito sa opisina niya. Pinasundo niya rin ako tapos nagpadala din siya ng mga bouncer ata iyon or bodyguard—ah basta ito 'yong mga taong humaharang sa mga tao para hindi makalapit sa isang tao. Na-gets n'yo ba? Oo na lang kayo. Anyway, iyon nga, kaya hindi na ako nahirapang pumunta dito.

"M-miss Miriam..." kinakabahan kong tawag sa dito na prenteng nakaupo sa swivel chair.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Star. Totoo ba talaga ito?" Tukoy nito sa mga litrato namin ni Luxwell na nakapatong sa table.

Dahan-dahan akong tumango.

"I knew it. Sabi ko na nga ba."

"P-po?"

"May duda na akong may something sa inyo ni Luxwell. Obvious na obvious na rin naman kasi."

"P-po? H-hindi po kayo galit sa a-akin?"

Umiling siya. "Of course, not. Sino ba ako para pigilan kayo?"

Hindi ko na napigilan, agad ko siyang niyakap pero agad din akong bumitaw. "Akala ko po talaga galit kayo sa akin. Sobra po akong kinabahan, baka kasi sisantihin n'yo po ako..." mahinang usal ko.

"Hindi, ah. Bakit ko naman gagawin iyon? Taong may mababaw na pag-iisip lamang gagawa niyan. Sa totoo nga niyan botong-boto ako sayo at the time humahanga ako sayo kasi biruin mo nagawa mong palambutin ang puso ng isang Luxwell Delavrin. Ang tagal na naming magkasama, madami na rin siyang babaeng nakasama at nakilala pero ni isa doon walang nakakuha ng atensiyon niya... tanging ikaw lang, Star."

Kinilig naman ako do'n.

"Nasaan po ba si Luxwell? Alam niya na po ba ang nangyari?" tanong ko.

"Mabilis kumalat ang balita lalo pa't sinabayan ng mga chismosang Marites. Anyway, yep, I already told him. But sadly wala siya ngayon dito. Nag-out of town siya para sa pictorial ng bago niyang project."

"Bakit hindi niya po ako isinama?"

"Biglaan din kasi, kaya siguro hindi niya na nasabi sayo."

"Ganoon po ba. Kaya po pala hindi siya sumasagot sa mga tawag at messages ko. Busy pala siya."

"Sobrang busy, ang hectic ng schedule niya. Anyway, mabuti siguro na dumito ka muna. Huwag ka na munang umuwi sa inyo, masiyadong delikado. Ipapakuha ko na lang ang mga gamit mo. May mga available pa naman na kuwarto dito."

"Naku, hindi na po, Miss. Isa pa kasama ko po ang kuya ko, ayaw ko naman po siyang iwan dahil kakakita lang po namin sa isa't isa."

"Then isama mo siya dito at ipakilala mo na rin ako sa kaniya."

"Hindi na po talaga. Salamat na lang po."

"I insist, hija. At panigurado iyon din ang gusto ni Luxwell. Masiyadong delikado ang mga fans ni Luxwell, sa tingin ko nga may mga sapi na iyon, masiyado silang obsessed sa alaga ko."

Kahit anong pilit sa akin ni Miss Miriam hindi niya ako nagawang kimbinsihin. Ngayon kasalukuyan na akong pauwi ng bahay sakay ng sasakyan ng UABC netwrok, pinahatid ako ni Miss Miriam at buti na lang din dahil baka mamaya may makasalubong pa akong fans ni Luxwell at bigla na lang akong sugudin at ipa-salvage.

Nag vibrate ang phone ko, sign na may nag-text. Binuksan ko ito.


From: Kuya Stan
Huwag ka ng dumiretso sa bahay magkita na lang tayo dito, (May binigay siyang address).

"Ahm, kuya dito na po tayo dumiretso." pinakita ko sa driver 'yong address na nasa cellphone ko.

Ilang saglit pa. "Miss nandito na po tayo," ani kuyang driver.

"Sige po salamat po kuyang driver." Ani ko bago ako bumaba ng sasakyan, pero bago iyon nagbayad muna ako.

Park? Nasa park ako ngayon. Bakit kaya ako pinapunta dito ni kuya?

"Oh my, Starlaaaa?!..."

Si Tesbam? Boses ba ni Tesbam ang narinig ko?

Agad na hinanap ng mga mata ko ang pianggalingan ng boses. Si Tesbam nga at kasama nito si kuya, pero teka bakit ang dami nilang dalang gamit?

"My prend, kalerki! Pinalayas tayo ni aling Wawet!" Ani ni prend pagkalapit na pagkalapit sa akin.

"Ha? Pinalayas tayo?"

"Oo, prend. 'Kesyo' gulo lang daw ang dala natin. Kaloka naman kasi iyang mga fans ni Luxwell na iyan, hindi na nawala sa labas ng bahay mo, nagrereklamo na daw ang iba nating mahaderang kapitbahay 'kesyo' ang iingay daw at ang gulo-gulo, kaya ayon pinalayas tayo."

"Pati ikaw pinalayas din?" tanong ko kay Tesbam.

"Actually hindi, pero hindi naman puwedeng hayaan na lang kita. 'Di ba nga pamilya na tayo? At ang pamilya hindi nag-iiwanan."

"Naku, tara nga dito." Ibinuka ko ang mga kamay ko para iparating sa kaniya yakapin niya ako. Lumapit naman siya at niyakap ako.

"Pero paano iyan, saan na tayo titira?" Bumaling ako kay kuya Stan.

"Don't worry may nahanap na akong apartment."

.

.

.

NAPAPANGA kami ni Tesbam nang makita ang apartment na sinasabi ni kuya Stan. Hindi ito ordinaryong apartment lang, may kalakihan ito, up and down at may gate pa.

"Wow! Ang shala naman nitong bahay." Manghang wika ni Tesbam.

"Kuya, hindi ba masiyadong mahal dito?"

"Huwag mo ng intindihin pa ang gastos, ako na ang bahala doon. Ang mahalaga ligtas ka."

Napatango na lang ako.


The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon