STAR'S POV
"OH my gosh, Starlaaa?! Tignan mo 'to dali!..." Humahangos na sumugod si Tesbam dito sa bahay.
"Ano ba iyan, prend? "
"Tignan mo na lang." Itinapat niya sa mukha ko ang cellphone.
Namilog ang mga mata ko! Hindi ito puwede!
Kalat na kalat na ngayon sa internet ang mga picture namin ni Luxwell na naghahalikan, no'ng nasa beach kami pati na rin no'ng nasa kuwarto niya kami. Kitang-kita ang mukha ko!
Paano?
Sinong gumawa nito?
"Prend, tignan mo ang dami mong basher."
Ang daming nag-react, nag comment at nag-share... mliyon-milyon.
________________________________________________________________________
*Comments:
—
Asha_Maganda121
Sino ba iyang malanding iyan?
—
TanyaPapaya
Grabe, ang lakas ng loob niyang landiin ang Luxwell ko!
—
Yesha Balboa
Pinatulan ni Luxwell ang pangit na iyan? My Gosh!
—
Tinanay Calixta
Panigurado inakit niya lang si Luxwell! Ginamit niya lang ang katawan niya! Napakadesperada!
—
Yana_One
Ang sarap niya samplin at kalbuhin!😡😡😡
—
Trixie_Sexy06
Mukha siyang paa.
—
Lily_B
Hindi naman kagandahan,
—
Thealyn Sakalam
Parang nakita ko na siya somewhere. Oo tama, siya pala 'yong nanghingi ng limos sa akin kanina.
—
Bebesang_220
Ang sarap niya ilubog sa kumukulong mantika ng mawala ang kakatihan.
—
Kathy Catcat
Huwag lang talaga papakita sa akin iyang babae na iyan dahil ako mismo ang bubunot sa mani niya, para naman tumigil na siya kalandian niya.
—
Cax_sweet16
Tangina mo! Ang landi mo gag*!
—
Freshy_patatas
Ang desperada mo ate ghurl! Nakakahiya ka!
—
Mema Lungs
Kung sa may nakakakilala sa babaeng iyan. Pakilapag naman ng address niya dito.
—
Miss_Gorjuice
Tang in*ng babae iyan! Napaka landi mo!
—
Queen Elizabeks
Sa dinami-dami ng lalaki si Luxwell pa talaga 'yong biniktima mo?"
—
Ronabeng
Nangangati ang mga kamay ko! Parang gusto ko siyang kalbuhin!
—
Miss_Prettybhebz
—
Ginilyn2.0
Saan kaya napulot ni Luxwell ang babaeng iyan?
—
Maharika28
Grabe makahalik kay Luxwell. Nag-toothbrush ka teh?
—
M I R A Y
Sarap na sarap ang malandi, oh!
—
Bhabycell
Nanggigigil ako sa babaeng iyan! Ang landi!😤😤😤😤😤
—... See more
________________________________________________________________________
Habang binabasa ko 'yong mga comment ay kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.
"Tama na nga iyan, prend." Agad na kinuha ni Tesbam sa akin 'yong cellphone at pinatay ito. "Hindi mo na dapat binabasa pa ang mga walang kuwentang comment ng mga buwiset na tao na iyan, mga walang silang magawa sa buhay kundi manlait at manira ng tao. Jusko akala mo mga perpekto! Hahanap at hahanap talaga sila ng butas makapanira lang ng tao. Ayaw na lang aminin na naiinggit sila. Mga impokrita sila!
"Tok, tok!"
"Dito ka lang, ako na titingin," ani ni Tesbam sabay tayo at nagtungo sa pinto. Hindi niya muna ito binuksan. Sumilip siya sa maliit na butas para tignan kung sino ba ang nasa labas.
"Prend..." napalunok siya. "...ang daming tao sa labas!"
"Tao?"
"Oo, prend. Sobrang dami nila... mga fans ata ito ni Luxwell. Ang dami nila, napapalibutan na nila tayo!"
"Tok, tok!" Naging malakas na ang sumunod na pagkatok. Balak pa yata nilang sirain ang pinto naming gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy.
"Hoy, malanding babae lumabas ka diyan, hinayupak ka!" sigaw ng kung sinong babae sa labas. Grabe tagos na tagos dito sa loob ang boses nito.
"Gagawa-gawa ka ng kalandian tapos hindi mo pala kayang harapin! Sa dinami-dami kasi ng lalaki si Luxwell pa talaga ang napili mong landiin! Ang taas ng pangarap mo girl. Gumising ka nga! Tangna isa ka lang naman pa lang hampas lupa! Mukha kang pera, gaga ka!"
"Aba, e ang babastos naman pala ng mga ito, e! Ang sabihin nila naiinggit lang sila sayo. Mga mahadera sila! Kaimbiyerna amputa! Malandi agad? Nilandi talaga? Hindi ba puwedeng bet lang ni fafa Luxwell ang beauty mo? Palibhasa mga mukha silang bisugo!"
"Prend, huminahon ka." Pagpapakalma ko sa kaniya.
"Huminahon? Paano ako hihinahon kung 'yong kaibigan ko ay iniinsulto nila ng bonggang-bongga to the lowest form? E, ano naman ngayon kung naghalikan kayo ni Luxwell? Anong big deal do'n? Anong masama do'n? Kung maka-react sila ay daig mo pa ang pumatol sa may asawa o 'di kaya naman ay nakapatay ng tao! Buwiset sila! Mga lechugas sila!
"Wala namang katotohanan ang sinasabi nila," aniko.
"Kahit na! Ano sila sinuswerte at puwede ka nilang laitin at pagsalitaan ng kung ano-ano anytime na gusto nila?"
"Kung gusto mo silang labasin, sige go lang, hindi kita pipigilan, good luck na lang sayo. Sa dami nila ewan ko lang kung hindi ka nila pagpira-pirasuhin. Sige ka ikaw rin baka masira iyang beauty mo."
Nabakas sa mukha niya ang pangamba. "Gagawin talaga nila iyon sa akin?"
Basta talaga kagandahan niya 'yong involve naduduwag siya. Buti sana kung may ganda talaga—charrr lang, siyempre maganda itong prend.
"Ewan, baka, siguro, malay natin. Alam mo namang mga baliw ang mga fans ni Luxwell, kaya may tendency na gawin nila iyon."
Pero buti na lang talaga wala dito si kuya Stanley nasa trabaho, kung nagkatoon baka mas lalo niya lang akong pilitin na layuan si Luxwell.
"Hoy, Babae! Lumabas ka diyan, huwag kang duwag! No'ng lumandi ka ang tapang tapang mo tapos ngayon para kang pagong na ayaw lumabas sa lungga!" sigaw na naman nila.
Habang tumagal at naririnig ko ang mga sinasabi nila tungkol sa akin ay unti-unti akong nilulukob ng takot. May pagbabanta sa buhay ko na rin kasi silang sinasabi.
"Anong gagawin ko, prend?" tanong ko na kay Tesbam.
"Wala kang gagawin. Diyan ka lang at maupo. Titigil din ang mga iyan. Hayaan na lang natin sila magtatalak at magpuputak diyan. Puro kanegahan ang dulot nila sa beauty ko lalo na sa life mo."
"Pero prend, hindi kaya nila gibain itong bahay ko?"
"Hayyy... subukan lang nila! Lalabasan ko talaga sila diyan at ibubuhos ko sa kanila ang ihi ko sa arinola. Ewan ko lang kung hindi sila magsilayas diyan."
"P-pero, prend. Paano kaya nila nalaman kung saan ako nakatira?"
"Panigurado sinulsulan ng iba nating mga kapitbahay na talaga namang may galit sayo sa simula pa lang. Mga mahaderang iyon, napakapabibo at paplastik!"
"Hindi naman siguro, kahit naman ganoon sila ay may tinatago din naman silang kabaitan."
"Kung sino man ang poncio pilato na iyon... kabagan sana siya–sila. Ang banyo na ang bahalang magpaparusa sa kanila."
Natawa na lang ako sa sinabi ni prend. Buti na lang talaga nandito siya, kung wala baka naloka na ako.

BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...