43

95 2 0
                                    

STAR'S POV

"SANDALI lang!" Kainis naman sino ba itong kumakatok? Gabing-gabi na, e. Imposible namang si Luxwell ito dahil kasalukuyan ko siyang ka-text ngayon. Gustong pa nga niyang pumunta dito kaso pinagbawalan ko lang dahil masiyado ng malalim ang gabi. Bago ko buksan ang pinto ay kumuha muna ako ng kawali para kung saka-sakaling masamang tao ang nasa kabila ng pinto na ito ay may panlaban ako.

"Tok, tok!"

"Oo, heto na nga 'di ba?" Pinihit ko ang saradora ng pinto at binuksan ito. "Ikaw na nga itong nakakaistorbo, ikaw pa itong hindi makapaghin—" Natigilan ako nang makita kung sino ito. "...k-kuya?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.

Si kuya Stanley... ang kuya ko!

"K-kuya... i-ikaw ba talaga iyan?" Dahan-dahan kong inangat ang kanang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya at bahagyang pa ngang nanginginig ang kamay.

"Oo, Stannah... nandito na ako, nandito na si kuya."

Agad ko siyang sinugod ng isang mahigpit na yakap. Ang pag-iyak ko ay nauwi sa paghagugol. "A-ang daya mo k-kuya! A-ang daya-daya mo, e! B-bakit ngayon ka lang? B-bakit ngayon mo lang ako b-binalikan? B-bakit? A-akala ko tuluyan mo na akong iniwan! A-Akala ko hindi mo na ako babalikan! A-akala ko tuluyan mo na akong nakalimutan! Akala ko tuluyan ka ng nawala sa akin katulad nila mom and dad!..." Naging hysterical na ako.

"Tahan na, Stannah. Alam mo naman na ang ayaw ko sa lahat ang nakikita kang umiiyak 'di ba? So please, tahan na." Alo niya sa akin habang hinahagod ang likod ko para siguro I-comfort ako. "Nandito na ako at hindi na ako aalis pa sa tabi mo."

"I-Ibig sabihin magkakasama na tayo? Dito ka na titira kasama ko?"

"Oo, Stannah. Hindi na ako aalis, hindi na kita iiwan pa."

"D-dapat lang, kasi ang tagal mo kayang nawala. Saan ka ba kasi napunta, ha?"

"Hindi na importante iyon, ang mahalaga magkasam na tayo ngayon."

"Na-miss kita, kuya Stan."

"I miss you too."

...


"TALAGA, nandiyan na ang kuya mo?"

"Oo, prend, kaya parang awa mo na huwag kang maingay baka kasi magising siya," ani ko habang isinasalin sa plato ang niluto kong sinangag para sa almusal namin ni kuya Stan. 

Umarte siyang zinipper ang kaniyang bunganga. Akala ko pa naman ay aalis na siya... hindi pa pala dahil dire-diretso siyang pumasok sa loob ng pamamahay ko.

"Uy, teka. Saan ka pupunta?"

"Sisilipan ko lang ang kuya mo. Gusto ko lang makita kung ano na ang itsura niya. Huling kita ko pa kasi kaniya ay noong nakaraang tatlong taon pa. Panigurado sobrang guwapo niya na."

Hinayaan ko na lang si Tesbam sa gusto niya. Sinundan ko na lang siya dahil baka kung ano pang gawin niya sa kuya ko, mahirap na medyo malikot din kasi ang kamay ng isang ito, e.

"Oh, my gulay, prenddd! Lalong gumuwapo ang kuya mo!" Mahinang tili nito habang sinisipat ang kabuuhan ni kuya Stan.

Totoo, lalo nga talagang gumuwapo si kuya Stan. Muntik ko na nga siyang hindi makilala, e. Bukod kasi sa lalong tumikas ang pangangatawan niya ay humaba din ang buhok niya. At ang maputi kulay noon ay kayumanggi na ngayon. Ika nga ng iba... tall, dark and handsome.

"Ilang taon na ulit ang kuya mo prend?"

"Magbe-bente siyete na siya. Bakit?"

"Wala naman, na-curious lang ako. Pero grabe, prend. Lalong gumwapo itong si Stanley, mas bagay sa kaniya ang moreno kaysa sa tisoy."

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon