34

144 1 0
                                        

STAR'S POV 

BUTI naman lumayas na ang baklang si Tesbam. Ayaw pa ngang niya kung hindi ko lang siya pasimpleng kinurot sa tagiliran ay hindi pa siya aalis. 

"Pagpasensiyaha mo na talaga si Tesbam, ah?" 

Hiyang-hiya ako sa pinaggagawa at pinagsasabi ng baklang iyon. Hindi manlang siya naghunos dili sa harap-harapan niyang paglalaway at pagpapabebe. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan ay pinagbuhol ko na sila ni Stepharot, pareho silang makire at maharot. 

"Your friend. Gusto ko siya. Nakakatuwa siya."

"Hala! Gusto mo rin si Tesbam? Dalawa kaming gusto mo?"

He chuckled. "Silly." pinitik niya ako sa noo. "What I mean is I like her personality."

"Aray naman! Hindi mo naman ako kailangang pitikin." Hinimas-himas ko ang noo ko.

"I'm sorry." Hinimas niya din ang noo ko. "Masakit ba?" nag-aalala niyang tanong. 

Sa totoo lang hindi naman talaga masakit, nag-iinarte lang ako. 

"Oo, e..." Paawa ko. "A—ayyy... palakang hubad!" Napasigaw ako ng bigla na lang niya akong buhatin. 'Yong buhat na parang bagong kasal. Kusang yumakap ang braso ko sa leeg niya. 

"L-Luxwell... b-bakit mo ako b-binuhat?" Kanda utal-utal na tanong ko. 

"Dadalhin kita sa hospital." 

Namilog ang mga mata ko. "Ha?--Bakit?" 

"Ipapa-check natin iyang noo mo."

"Ha?--Bakit?" tanong ko pa. 

"You said masakit ang noo mo kaya dadalhin kita sa hospital."

Napatanga ako sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya? 

"Ah—eh... h-hindi na... ayos na ako."

"Are you sure?" Paninigurado pa niya. 

"O-oo." Sunod-sunod pa akong tumango. 

Sandali kaming nabalot ng katahimikan at siya na rin ang bumasag nito. 

"Ngayon ko lang nalaman, fan pala kita." Pagbubukas niya ng bagong topic. 

Napakamot ako sa batok ko. "Ah.. eh... oo e," nahihiyang sabi ko. Bakit kailangan niya pang i-open up? Hindi naman sa ikinahihiya ko na fan niya ako, pero kasi ang awkward lang ng dating na sabihin ko or ikuwento ko kung gaano ako kapatay sa kaniya. 

"So, bebeloves pala, huh?" May pilyo ng ngiti sa labi niya. 

"Hehehe!" Napapahiya akong natawa. Paano ko ba sisimulan ito? 

"I like it."

"Ha?"

"The endearment, 'yong pagtawag mo sa akin ng bebeloves."

"Ah—eh... " Wala na akong maisip na sasabihin. 

At oo nga pala, ngayon ko lang din napansin. He still carrying me.

"Ahm... Luxwell puwede mo na ba akong ibababa?" 

"Paano kung ayaw ko, hmn?"

"B-bakit ayaw mo?" Ano ba 'to? Parang nawawala na ako sa katinuan. 

Hala! Bakit naman ganiyan siya makatitig sa akin?  Para akong hinihigop ng mga mata niya. 

"Ayaw ko nang mapalayo pa sayo, Star." malamyos na bulong niya sa tenga ko. Then he kissed my forehead. Napapikit ako at dinama ang pagdampi ng labi niya sa aking noo.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon