STAR'S POV
KASALUKUYAN ako ngayong nakaupo dito sa buhanginan habang pinapanood sila Luxwell. Pero agad din akong nagsisi na maupo dito sa puwesto ko. Ang sakit sa mata nitong si Stepharot. Panay ang papansin at kuyambit niya sa bebeloves ko.
Pero hindi lang iyon ang kinaiinit ng ulo ko, kundi dahil sa paghalik niya kay Luxwell. Ang sabi sa script maging ni direk ay lasing siya at mahihilo lang tapos masasalo siya ni Luxwell. Bakit may paghalik? Saan niya nakuha iyon? Sa kakatihan niya?
Desperada siya! Halatang ulol na ulol kay Luxwell ko! Kulang na lang maglaway siya!
Kahit ba sa pisngi lang iyon... hindi pa rin dapat!
Tanga ba siya? Hindi ba siya marunong makinig or sumunod sa instructions?
Ito namang si Luxwell hindi manlang nagcomplain... at mukhang nagustuhan niya pa dahil nagkatinginan at nagkatawahan pa sila.
Habang ako... heto hanggang inis at inggit na lang.
"Good job. Napakagaling n'yo, napakaganda ng chemistry n'yo, bagay na bagay kayo." Puri ni direk Obet sa dalawa. At kinikilig din ito na parang ewan.
Edi wow! Bagay daw? Tao po kaya sila! Tsaka kami kaya ni Luxwell ang bagay! Pa-epal itong si direk.
Ito namang si haliparot tuwang-tuwa, panay ang pabebe, pahawi-hawi pa ng buhok. Kalbuhin ko na kaya siya para wala na siyang hawiin!
"Panigurado magiging successful 'tong pelikula na 'to. Tataubin nito ang mga nauna mong pelikula, Luxwell. At ikaw naman Stephanie magiging big break mo 'to para mas lalo ka pang sumikat at makilala. Tignan mo naman kasi itong leading man mo. Ang nag-iisang Luxwell Delavrin."
Ahhh... nye nye nye nye nye!--Ahhh... nye nye nye nye nye! Hindi pa ba siya tapos sa mga papuri niyang hindi naman kapuri-puri? Ang sakit na kasi sa tenga, e!
Direk Obet love kita pero sa mga oras na 'to hate muna kita. Panay ang push mo sa kanila, dinaig mo pa ang isang host ng talk show na dapat palaging may hanash.
"Direk naman, ano pang aasahan natin kay Lux? Napaka galing naman kasi talaga niya." Sabi ng haliparot.
Anong tinawag niya sa bebeloves ko... Lux? Ano feeling close siya? Pa Lux-Lux pa siya! E, kung saksakin ko kaya siya sa lalamunan niya?
"Ikaw ba Luxwell, anong masasabi mo sa napakaganda mong leading lady?" tanong naman ni Direk Obet kay Luxwell.
"Of course, it's my pleasure to work with her, the one and only beautiful, and very sexy, Stephanie Brabante." Sagot ni Luxwell habang titig na titig sa haliparot. Ang labis na paghanga sa babae ay kitang-kita ko sa mga mata niya.
Confident ako na mas maganda ako kay Stephnie ngunit kailan man hindi ako tinitigan ng ganiyan ni Luxwell.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at sa mga paa ko na lang ito tinutok. Ngunit ang mga tenga ko ay nanatiling nasa kanila.
"'Di ba pareho naman kayong single. So, bakit hindi n'yo subukan mag-date? Malay n'yo naman magka developan kayo?"
Si direk Obet talaga dinaig niya pa ang panggatong na grabe magpalihab ng usapan.
Si haliparot naman ay parang tanga lang na kilig na kilig.
"Direk naman, nakakahiya kay Lux, baka kung ano pang isipin niya."
Hmp! Marunong ka pa lang mahiya.
"Oh, bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa diyan?" Bigla na lang may humarang na kung sino sa harapan ko.
Nag-angat ako ng tingin. Si Denrix pala.
"Oh." may inabot siya sa aking bottled water at sandwich. "Baka nagugutom ka na."
Sa totoo lang, kanina pa nga.
Inabot ko ang sandwich mula sa kamay niya. "Salamat."
Mahilig siguro ang lalaking ito sa sandwich, palagi kasi siyang may baong ganito, e.
Bahagya lang siyang tumango pagkatapos ay naupo siya sa tabi ko.
"Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang tinanggal ito sa balot sabay kagat ng malaki dito. Sa isang kagatan lang ay nangalahati na agad ito.
"Yea. How is it? Masarap ba?"
Tumango ako. Hindi ko kasi magawang magsalita dahil puno ang bibig ko.
Hindi na siya nagsalita pa. Ako naman inubus ko na itong kinakain ko. Hindi manlang niya ginawang dalawa. Timawa pa naman ako lalo na kapag masama ang loob ko.
"May problema ba?" biglang tanong ng katabi kong si Denrix.
"Ha?" Ganoon ba kahalatang may problema ako?
"Kanina ka pa kasi nakasimangot," aniya.
Hala? Bigla tuloy akong nahiya. Ang pangit ko pa naman kapag nakasimangot. Kasalanan 'tong lahat ng Stepharot na iyon, e!
"Kaya naisip ko na lapitan ko, baka kasi kailangan mo ng makakausap," aniya pa.
"Naku wala, wala akong problema. Sadyang nagugutom lang talaga ako... kaya nakasimangot ako." Palusot ko na lang. Tsaka hindi naman kami close para makipagchikahan ako sa kaniya. Kahit pa binibigyan niya ako ng malalamon ay stranger pa rin siya sa akin. "Oo nga pala, salamat ulit sa sandwich." Alam kong nagpasalamat na ako kanina pero, bakit ba? Walang pakialamanan. Kahit papaano kasi, dahil sa sandwich niya gumaan ang nararamdaman ko.
"Do you have a phone?"
"Ha?" Hala! Balak niya bang hingin ang number ko?
"A-ah... oo, meron. B-bakit mo natanong?"
"Akin na, I'll take a picture of you."
"Ay, bet ko iyan." Buti na lang pinaalala niya. 'Yong request nga pala ni Tesbam. Inabot ko sa kaniya ang cellphone ko. "Gandahan mo, ha?" Wow! Kapal ng mukha ko, nag-demand pa talaga ako.
"Hindi mahirap iyan. Sa ganda mong iyan, for sure kahit saang anggulo maganda ang kakalabasan ng mga litrato mo," bulong niya.
Narinig ko ang sinabi niya ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Pero aaminin ko, kinilig ako. Pero mas okay sana kung kay Luxwell nanggaling, panigurado nagtitiwarik na ako dito.
Tumayo siya. Pagkatapos ay inilahad niya sa akin ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Ang gentleman naman ng lalaking ito, ang bait pa... tsaka ang guwapo din pala.
Tinanggap ko ang kamay niya. "Salamat..."
"Stannah?" Boses iyon ni Luxwell. Napalingon ako sa direksiyon ng pinanggalingan nito.
Si Luxwell, kasalukuyan na siyang papalapit sa amin.
Teka, may problema ba siya? Bakit ang dilim ng ekspresiyon ng mukha niya? Parang kanina lang nakikipagtawanan pa siya kila Stepharot at direk Obet. Anong nangyari?
"Bakit, may kailangan ka ba---ahhh.. "
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinaltak sa braso papalayo kay Denrix at papunta sa kung saan.
Wala na akong nagawa kundi magpatianod na lang sa kaniya. Para naman kasing may magagawa ako. Isa pa gusto ko rin namn, e. Hehehe!
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...