4

125 4 0
                                    

STAR'S POV

"WOW, naman! Sarap ng ulam, fried chicken!" usal ni Tesbam. Inanyayahan ko kasi siyang kumain dito sa bahay.

Bumli ako ng manok, 'yong perang ginamit ko ay dalawang araw kong kinita sa pangangalakal. Minsan lang naman kaya ayos lang, madali lang naman kitain ang pera basta ba masipag at matiyaga ka.

"Siyempre naman, treat ko na ito sa sarili ko-sa atin, dahil simula bukas hindi na ako mangangalkal ng basura."

"Ikaw naman kasi prend. Ewan ko ba sayo kung bakit nagtitiis ka pa sa pangangalkal ng basura at pangangalakal. E, sa ganda mong iyan tiyak akong makakahanap ka ng matino at magandang trabaho."

"Aanhin ko naman ang magandang trabaho kung hindi naman ako masaya 'di ba?"

"Very wrong iyang answer mo, prend. Ang kailangan ngayon ng mga tao ay pera at matugunan ang kalam ng sikmura."

"Mahal ko ang trabaho natin, ang pamamasura at pangangalakal. Tsaka wala naman tayong dapat ikahiya dahil marangal naman ang trabaho natin. At lalong wala tayong tinatapakan na ibang tao, infact nakakatulong pa nga tayo para mabawasan ang mga basura."

Biglang na lang pumalakpak si Tesbam. "Ikaw na talaga Starla. Tamang-tama malapit na ang Miss Barangay, isasali kita."

"Alam mo na ang sagot ko pagdating sa bagay na iyan. HINDI. AYAW KO. Wala akong alam pagdating sa mga ganiyang bagay."

"Sayang naman kasi ang beauty mo Starla." His trying pa rin na i-convince ako.

"Naku, naku! Kumain na nga lang tayo. Baka lumamig na ang pagkain." I changed the topic.

"Mabuti pa nga. Kanina pa ako nagugutom," aniya sabay upo sa katabing upuan ko at walang sabi-sabing kumuha ng isang hiwa ng manok sa plato at nilatantakan na ito.

"Prend, ang timawa mo naman, ni hindi ka manlang naghugas ng kamay... at higit sa lahat hindi ka manlang nagpasalamat sa Diyos sa biyayang ibinigay niya."

Natigilan si Tesbam sa pagkain. "Sorry Lord, sorry prend, sadyang patay gutom lang ang bakla," aniya.

Nagdasal na muna kami bago nagsimulang kumain.

"Prend, saan mo binili itong manok? Ang sarap e," tanong niya.

"Oo nga e. Sarap na sarap ka nga. Ni hindi mo na nga naisip na may bunganga din ako. Inubusan mo na ako," sarcastic na sabi ko.

"Sorry prend, sarap e. Tagal na rin kasi no'ng huli akong nakatikim nito. Kungi hindi kasi de lata ang ulam natin ay sabaw naman na walang lasa na hiningi pa natin sa karinderya. Haist! Ang hirap talaga maging mahirap.

"Dami mong sinabi. Aminin mo na lang kasi na talagang matakaw ka."

Biruin n'yo naman kasi. Anim na hiwa ng manok ang binili ko, tapos isa lang ang nakain ko. 'Yong limang natira si Tesbam na ang lumamon.

"Napaka pasmado talaga ng bunganga mo. Papalitan ko na lang. Saan mo ba 'to binili? Magkano? Ang bagal-bagal mo kasing kumain tapos kapag naubusan ka magrereklamo ka."

"E, hindi naman kasi ako katulad mo na may anaconda sa tiyan," ani ko.

"Edi wow!" wala na siyang masabi. Hindi niya talaga ako matalo pagdating sa asaran. HAHAHA!

"Sa kanto ko lang iyan binili, kinse isang hiwa. Pakidala na lang dito sa bahay mamaya para may pang-umagahan ako bukas," anang ko.

"Seryoso ka, prend? Papalitan ko talaga 'yong kinain ko?"

"Prend, wala ng libre sa panahon ngayon."

"Tigil-tigilan mo ako Starla." Naiinis na siya.

Hindi ko na kinaya pa. Kumawala na ang tawang kanina ko pa pinipigil.

Sumimangot si Tesbam. "Lakas ng trip mo 'no?"

Kung iniisip n'yo na nag-aaway kami ni Tesbam, nagkakamali kayo. Sadyang ganito lang talaga kami, mahilig magtalo at magputakan na para mga panabong na manok. Normal na sa amin ang ganito.

Nagiging sobrang harsh ko na kay prend. Nagi-guilty na ako, kaya naman nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. "Sorry na prend, pagpasensyahan mo na ako."

"Sa tagal nating magkasama, sanay na sanay na ako sayo, Starla."

...

"BALITA po namin hindi ka na daw mangangalakal, totoo po ba iyan ate Star? Hindi ka na talaga sasama sa amin?" malungkot na tanong ni Ivan. Siya ang pinaka batang kasama namin sa pamamasura at pangangalakal. Kung hindi ako nagkakamali he just seven years old. Oo masiyado pa sa siyang bata para magtrabaho pero wala, e. Kung hindi siya kikilos mamamatay siya sa gutom. 'Yong mga magulang niya kasi kung hindi umiinom ay nagsusugal naman. Kaisa-isang anak ngunit hindi mabigyan ng maayos at magandang buhay. Gusto ko ngang ampunin na lang si Ivan ngunit ayaw ko namang masabihan ng pakialamera. Kung nasa akin siya hindi ko siya hahayaang magtrabaho, pag-aaralin ko siya at sisikaping bigyan ng magandang buhay.

Bakit kaya ganoon 'no? Bakit may mga pabayang magulang? Hindi ba nila alam na ang mga bata ang labis na nagdudusa?

"Hindi na Ivan, e. May bago na kasing work si ate Star mo," sagot ko.

"Anong work po?" tanong niya.

"Hindi mo pa kasi maiintindihan kung sasabihin ko, ngunit magtatrabaho ako sa mapapangasawa ko," wika ko.

"Sa boypren mo po?"

"Oum, parang ganoon na nga."

"Iyon po ba 'yong nasa picture na lagi n'yo pong tinitignan?" tanong niya.

"Oum, siya nga," sagot ko.

"Bagay po kayo, ate Star. Ikaw po maganda, siya naman po guwapo."

"Naku sinabi mo pa. Bagay talaga kami." Nakakatuwa talaga ang batang 'to, napaka honest at napaka supportive na bata.

"Sige, na. Kailangan ng umalis ni ate, baka ma-late pa ako," pagpapaalam ko kay Ivan.

"Sige po, ate Starla. Mag-ingat po kayo at huwag n'yo pong kakalimutan ang pasulubong ko, ha?"

Ginulo ko ang buhok niya. "Siyempre naman hindi."

"Hoy, Starla tara na," tawag sa akin ni Tesbam.

"Prend, hindi mo naman kailangan na ihatid pa ako," ani ko.

"Ngayon lang naman. Gusto ko lang makasigurado na ayos kang makakarating sa UABC Network. Saka hindi mo gaanong gamay ang papunta doon, baka maligaw ka pa."

"Salamat, prend. Buti na lang nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo. Isang kaibigan na mahaba ang pasensiya at laging maaasahan sa kahit na anong oras-ay mali pala, hindi lang pala kita kaibigan kundi pamilya na. Naalala ko pa kung paano mo ako kinupkop no'ng mga panahong bago pa lang ako sa lugar na 'to. Ikaw ang nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong mga paa. Napaka laki ng utang na loob ko sayo Tesbam."

"Sino pa bang magtutulungan? 'Di ba tayong magaganda din?"

"Prend maganda ka-"

"Oh, ayan ka na naman, mambabara ka na naman," putol niya sa akin.

"Patapusin mo muna kasi ako. Hindi iyong nagpapaka nega ka diyan." ani ko.

"Prend, maganda ka naman talaga, maybe hindi man sa physical na anyo but you have a good heart... at iyon ang pinaka importante sa lahat..." anang ko pa.

"Pero mas maganda sana kung parang ikaw, beautiful inside and out."

"Prend, dapat marunong tayong makuntento."

"Oo nga, sabi ko nga kuntento na ako sa kung anong meron ako," nakangusong sabi niya.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon