53

197 5 0
                                        

LUXWELL'S POV

FUCK! Bakit hindi ako mapakali? Kanina ko pa hinahanap si Star pero hindi ko siya makita. Sinubukan ko na rin siyang tawagan pero nakapatay ang cellphone niya.

"Ano nakita n'yo na ba?" tanong ko sa mga inutusan kong maghanap kay Star. Nagbakasali ako na baka hindi pa siya nakakalayo dito.

"Sir naikot na po namin ang buong area. Wala po talaga. Hindi po talaga namin makita si mam Star."

"Mapagtuloy pa rin kayo. I-check n'yo na rin sa bahay nila." Gusto ko lang makasiguradong ligtas siya. Hindi kasi ako mapakali.

"Luxwell?!" May tumawag sa sa akin galing sa likod ko. Boses pa lang nito kilalang-kilala ko na.

Si Stanley.

Saktong paglingon ko ay agad ako nitong sinuntok sa mukha dahilan para mapa-upo ako sa semento.

"Gago ka! Tang ina mo! Dinamay mo pa talaga ang kapatid ko, gago ka!" Nagagalaiting nitong sigaw.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngayon lang ulit kami nagkaharap. Nakakatawa parang kailan lang ako 'yong galit na galit sa kaniya at parang gusto na siyang patayin, tapos ngayon siya na.

Aaminin ko galit pa rin ako sa kaniya, pero mas mahalaga pa rin si Star sa akin. Kaya kong isantabi ang galit ko para sa kaniya. Hindi ko na kaya kung mawawalan na naman ako ng taong minamahal. Hindi ko kakayanin kung mawawala si Star sa akin. Ikamamatay ko iyon I swear.

"Ako ang may atraso sayo 'di ba? Kung galit ka sa akin! Ako na lang! Huwag mo ng idamay si Star dahil wala siyang alam!"

Nagkakamali ka Stanley, damay na siya dito... kasi ang kapatid mo... akin na siya.

"Oo galit pa rin ako sayo, pero hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay makakasakit sa damdamin ni Star. Masiyadong mahalaga sa akin ang kapatid mo!"

"What do you mean?"

Sa gitna ng pag-uusap namin ni Stanley ay bigla na lang nag-ring ang cellphone nito. Sinagot niya ito. Bigla siyang namutla pagkatapos ay bigla na lang itong humahangos na kumaripas nang takbo.

...

FUCK! Nasaan ka na ba Star? Bakit ayaw mong sagutin ang mga tawag ko?

"Luxwell?..." Humahangos na lumapit sa akin si Miriam.

Bakit parang bigla akong kinabahan?

"Luxwell... s-si Star!"

"What about her?--What happened?" Nataranta na ako.

"Si Star..." She paused for a while na para bang kumukuha siya ng lakas ng loob. Parang naiiyak na rin siya.  "... si Star—she's now on the hospital."

Nabitawan ko ang hawak kong cellphone matapos marinig ang sinabi niya. Naestatwa ako. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"B-bakit anong nangyari sa kaniya?" Nabasag na ang boses ko.

"N-nabangga siya ng... t-truck..."

Para akong tinakasan ng dugo sa katawan.

"'Yong mga magaling mo kasing tagahanga hinabol siya. Sa takot ni Star tumakbo siya at hindi napansin ang paparating na truck."

Damn, them! Kapag lang talaga may nangyaring masama kay Star... humanda silang lahat sa akin!

"S-saang hospital siya dinala?"

Pagkasabi sabi ni Miriam ng address ng hospital ay agad na akong kumaripas ng takbo. Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Kaya ba bigla na lang din tumakbo si Stanley kanina?

Damn! Bakit hindi niya sinabi sa akin?

Fvck! Fvck! Fvck!

.

.

.

PAGDATING ko sa hospital ay agad akong kumaripas ng takbo papasok dito. 'Yong sasakyan ko basata ko na lang pinark sa kung saan, hindi ko rin ito nagawang pang isara. Wala na akong pakialam kahit pa manakaw ito.

Hindi ko inalintana kahit pa makita at makilala ako ng mga tao. Huwag lang nilang subukang humarang sa dadaanan ko dahil I swear itutulak ko sila.

"What is the room number of Stannah Dellova?" tanong ko sa babaeng narito sa information desk nitong hospital.

"A-ahm... Sir—Oh my gosh Lux—"

"Anong room number ni Stannah Dellova?" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw. Damn! Mas inuuna niya pa kasi ang tumulala. Nagmamadali ako tapos sasabayan niya ako ng kaartehan niya!

Nataranta ang babae at agad sinabi sa akin. Nasa emergency room si Star. Muli akong tumakbo. 'Yong mga nakasalubong ko ay nagugulat at napapatulala kapag nakikita ako pero ni isa sa kanila ay walang lumapit sa akin. Ramdam siguro nila ang tensiyon na dala-dala ko. Wala ako sa mood para makipag ngitiian at batian sa kanila.

Nang sa wakas narating ko na ang kuwartong kinalalagyan ni Star. Si Stanley natanaw ko. Lakad ito nang lakad, hindi ito mapakali. Nilapitan ko siya.

"Anong ginawa mo dito?" he asked coldly.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari kay Star?" tanong ko rin.

"Ang lakas din naman ng loob mong pumunta dito pagkatapos ng ginawa ng mga magaling mong tagahanga kay Stannah.

"Damn, them! Huwag lang talaga may mangyaring masama kay Star!" asik ko.

He chuckled. "Wala ka bang alam do'n? Hindi mo ba sila inutusan?"

"Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Kasi galit ka sa akin. Gusto mo akong gantihan."

"Mahal ko siya."

"What?" Nagulat siya sa sinabi ko.

"I love your sister."

He chuckled again. "Anong alam mo sa pagmamahal?"

"Si Star, siya ang nagturo sa akin."

Hindi na siya nagsalita pa.

"H-how is she?--Kamusta siya?" tanong ko.

"She's still in the emergency room."

"Sino ang kamag-anak ni Stannah Dellova?" tanong ng doctor na kalalabas lang ng emergency room. Agad kaming lumapit dito ni Stanley.

"I'm his brother," ani ni Stanley. "How is she?--How's my sister? Ayos lang ba siya?"

Nakinig na lang ako sa kanila. Damn, natataranta na ako! Hindi ko maiwasang mag-isip ng negatibo. Sana lang talaga malayo siya sa kapahamakan.

"Sad to say, Mr. Dellova... she's unconscious," ani ng doctor kay Stanley.

Damn! Kasasabi ko lang!

"Her head suffered in a strong impact. Nagakroon ng pamamaga sa kanang parte ng utak niya na naging dahilan para ma-comatose ang pasiyente. Hindi ko masabi kung kailan siya magigising. Her vitals are stable now, but it doesn't mean na malayo na siya sa kapahamakan, because to tell you honestly, may chance na hindi siya magising pa. Sa ngayon all we need is prayer, iyon lang ang tanging masasandalan natin ngayon."

Nang marinig ko ang sinabi ng doctor... parang sumabog ang mundo ko. Nanlabot ang mga tuhod ko.

Fuck! Bakit nangyari ito kay Star?

Damn! It's all my fault!... Hindi ko siya nabantayan! Hindi ko siya naprotektahan!

"And one more thing..." muling nagsalita ang doctor na nagbigay na naman sa akin sobrang kaba. "She's five weeks pregnant. But don't worry because the baby is safe."

My mouth fell and my eyes are widen.

Buntis... si Star?

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon