55

197 5 0
                                        

LUXWELL'S POV

After two months...

HINDI ko na tinuloy ang pagsampa ko ng kaso kay Stephanie. Kapalit nito ay ang paglayo niya. Tuluyan niya na ring iniwan ang showbiz. Wala na rin naman kasi siyang babalikan pa, siya mismo ang sumira sa pangalan niya at ang dahilan kung bakit niya nagawa ito ay dahil... she loves me. Nabulagan siya ng sobrang pagmamahal sa akin. Binulag siya ng selos at galit.

Ngayon nandito ako sa puntod ni Lawella. Dala ko ang paborito niyang bulaklak na Sunflower, she really love this flower. Ibinaba ko ang bulaklak sa puntod niya, tapos naupo ako.

"Pasensiya na kung ngayon lang ulit kita dinalaw, naging busy kasi ako. Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang pagkamatay mo. Pero mali ako sa puntong sinisi ko ang ibang tao, kasi sa totoo lang ako ang may kasalanan, kasalanan ko kung bakit ka namatay. Hindi kita nagawang bantayan at protektahan. Ako dapat ang sisihin kasi ako ang nagkulang, hindi ko nagampanan ng maaayos ang pagiging kuya ko sayo. Masiyado akong tumutok sa mga responsibilidad na iniwan ng parents natin to the point na napapabayaan na kita. Sana mapatawad mo ako Lawella, mahal na mahal ka ni kuya. At salamat pala sa pagdala sa akin kay Star. Alam kong ikaw ang nagsilbing guardian angel ko para makita ang babaeng sobra kong mamahalin. Thank you for everything, Lawella. Sana masaya ka na diyan sa piling nila mom and dad. I-Hi mo naman ako sa kanila, then tell them that I really miss them and how much I love them. And Lawella... I have one more requests, puwede bang kung sakaling makita mo ang parents ni Star, puwede bang pakisabi naman sa kanila na I'm sorry sa lahat ng ginawa ko, sana mapatawad nila ako. Alam kong masiyadong mabigat ang mga ginawa ko at sobra na akong nagsisisi. Makakaasa kamo silang alaagaan at mamahalin ko ang anak nila."

Nagtagal pa ako ng ilang sandali bago ako nagpasiyang tumayo na. "Lawella, kailangan ng umuwi ni kuya, pero huwag kang mag-alala dahil araw-araw na kitang dadalawin dito," pagpapaalam ko. Pumihit na ako patalikod at ambang maglalakad na nang matigilan ako.

Si Stanley.

So, siya pala ang misteryosong bumibisita kay Lawella.

Every time kasi na bumibisita ako dito ay may nakikita akong pinagtirikan ng kandila at tuyot na bulaklak.

"Ikaw 'yong palaging dumadalaw kay Lawella?" tanong ko nang makalapit na ito. Napatingin ako sa hawak niya, a sunflower. Alam niya din ang paboritong bulaklak ni Lawella.

Hindi siya sumagot. Ibinaba niya ang dalang bulalak at paupong sumalampak sa lapag. Ewan ko ba pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo din sa lapag katabi niya.

"'Di ba aalis ka na?" tanong niya.

"Hindi, ah. Nag-inat lang ako. Mamaya pa ako aalis."  Pagsinungaling ko hindi dahil sa gusto ko siyang makasama kundi dahil gusto ko siyang makausap.

"Ikaw pala 'yong bumibisita kay Lawella," ani ko.

"Araw-araw pumupunta ako dito para humingi ng tawad," aniya.

"I'm sorry." mahinang sabi ko. Ito na siguro ang tamang panahon para kalimutan na namin ang lahat ng hindi magandang nangyari sa nakaraan. Kasi kung hindi kami magmu-move forward at patuloy na ikukulong ang sarili sa mga mapapait naming nakaraan ay patuloy lang din kakainin ng galit ang puso namin. At isa pa, sarili lang din namin ang pinapahirapan namin. "Hindi dapat kita sinisi sa pagkamatay ni Lawella. I'm sorry too, to the everything that I've done... lalo na sa nangyari sa parents mo." Hindi ko na siya hinintay pa na makapag salita pa. Agad ko na siyang iniwanan. Ang mahalaga nakahingi na ako ng tawad.  Kung hindi man niya ako mapatawad, siguro tama lang iyon sa akin.

Pagkatapos kong bisitahin si Lawella ay dumiretso na ako sa hospital. Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Star. Halos sa hospital na nga ako tumira. Gusto kasi sa oras na magising siya ako agad ang una niyang makita.

.
  
.

.

"HEY, baby, kailan ka ba gigising diyan?" I gently combed her hair using my fingers and tucked it in her ears para hindi nito matakpan ang maganda niyang mukha. "Masiyado nang mahaba ang tinulog mo. Tignan mo, oh. Our little angel, ang laki niya na, excited na siyang lumabas. The doctor said, very healthy daw ang baby natin kaya wala tayong dapat na ipag-alala. Ano kayang magiging reaksiyon mo kapag nagising ka at nalaman mong buntis ka? I can't wait na makita." Hinaplos-haplos ko ang tiyan niyang may maliit ng bump.

Nang magsawa ang kamay ko sa tiyan niya ay 'yong kamay naman niya 'yong napagdiskitahan ko. I Intertwined our hands then dinala ko ito sa tapat ng labi ko at hinalikan ito.

"Kailan ka ba kasi magigising? It's been two months but yet wala pa ring pagbabago. Please, Star... kung naririnig mo ako bumalik ka na... balikan mo na ako." I was almost pleading.

...


"HOW is She?" tanong ni Miriam.

"Walang pinagbago." Malungkot na sabi ko.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa. Star is very strong woman, panigurado lalaban siya para sa sayo–para sa anak n'yo."

"I know that too."

"Anyway, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo? Iiwan mo na ba talaga ang showbiz?"

"Yea. Gusto ko ng tahimik na buhay para sa mag-ina ko. Ayaw ko ng maulit pa ang mangyari."

"Pero Lux—"

"Buo na ang desisiyon ko, Miriam."

"Kung iyan ang gusto mo, I will respect it. Pero sana huwag mong kakalimutan na laging bukas ang UABC network para sayo, para kung sakaling gusto mong bumalik."

"Wala na rin akong planong bumalik pa."

"Hindi naman natin masasabi iyan. Puwedeng magbago ang isip ng tao. At isa pa alam kong napamahal ka na rin sa pag-arte."

Yea, she's right  but...  "Mas mahal ko si Star at ang pamilyang bubuuhin namin."

"Sabi ko nga. Pero bukas pa rin ang UABC. Hayyy... nakahihinayang, mamawawala na ang big star namin, ang laki mong kawalan sa amin–sa UABC."

"Thank you for everything, Miriam."

Lawella sana hindi ka magtampo kay kuya. Natupad ko na ang pangarap mo. Baka puwedeng ang pangarap ko naman ang tuparin ko. Kasi ang tanging pangarap ko lang naman ay makasama ang babaeng mahal ko, si Star.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon