26

153 2 0
                                        

STAR'S POV

PASADONG alas ostso na, tapos na kaming maghapunan, dito lang kami kumain sa kuwarto, nagpadeliver lang si Luxwell. At tulad ng inaasahan ko napakarami na naman ng in-order niya. Si Luxwell kaunti lang ang kinain niya since may iniingatan siyang figure, habang ako heto umandar na naman ang katimawaan ko. Todo lamon, wala nang nguya-nguya lunok na lang nang lunok.

Pero mabalik tayo sa katawan ng bebeloves ko. Bakit kaya ang perfect ng katawan niya samantalang hindi ko naman siya nakikitang naggi-gym? Sabagay hindi ko naman siya nakakasama 24/7, ngayon lang talaga since dito ang location ng shoot nila. 

Anong ginagawa ko ngayon? Heto tamang scroll lang sa facebook. Oo may FB ako. Mukha lang akong taong bundok pero nakakasabay naman ako sa mga trend. Kaso itong FB ko walang profile picture, at kaunti lang din ang information about sa akin. Wala lang, gustong ko lang magpaka misteryoso. Naks, ang dami kong alam 'no? Tsaka ang tanging laman lang din naman nito ay mga shared post about sa bebeloves ko. Ayyy... meron din pala akong mga groups na sinalihan and as usual ang groups na ito ay tungkol sa bebeloves ko. 

Kating-kati na ang mga kamay kong i-post ang picture namin together ni Luxwell ngunit hindi puwede, isang malaking BAWAL.  Gusto ko pa naman sanang inggitin ang mga ka-groups ko, kaso kapag si Miss Miriam na ang nagsalita, wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

"Tok, tok!"

Sino naman kaya ang istorbo na ito? Hindi ba siya marunong tumingin ng oras? Hayyy... pahinga time na kaya!

Oo nga pala si Luxwell nag ri-ritual ata siya sa banyo, kanina pa siya doon mga isang oras na ata mahigit. Baka nalunod na siya sa tabo o 'di kaya naman ay hinigop na ng toilet bowl—charr lang. HAHAHA! 

"Tok, tok!"

Ayyyy! May kumakatok pala. Sensiya na nawala sa isip ko. 

Nagtungo ako sa pinto para buksan ito. Napaismid ko ako nang makita kung sino ito. 

Si Stepharot na maharot. 

"Hi po Miss Stephanie." Bati ko sa kaniya. Grabe ang plastic ko, pero 'di hamak naman na mas plastic siya. "Napabisita po kayo?" 

"Si Luxwell, nandiyan ba?" Nakangiti siya ngunit pilit naman ito. 

"Ahm. Wala po e. Lumabas po." Pagsisinungaling ko. 

"Pakisabi naman na nandito ako." 

Ang bungol naman ng isang ito. 

"Miss Stephanie, hindi n'yo po ba narinig ang sinabi ko? Wala po dito si Sir Luxwell." Ginawa ko ang best ko para maging magalang ang boses ko. 

"I know he's there." Aniya na para bang siguradong-sigurado siya na nandito si Luxwell. 

"Ay ang kulit naman ng lelang nito," bulong ko. 

"What did you say?" Tumaas ang boses niya.. 

"A-ang sabi ko po, ang ganda n'yo po ngayon. Kaso hindi ho ba kayo nilalamig sa suot n'yo? Masiyado po kasing manipis ang damit n'yo."

"Thanks for the compliment and of course sa concern. But nope, hindi ako nilalamig, isa pa pini-flex ko lang naman kung gaano ako kasexy at kakinis. May iba kasing mga babae na hindi makapag suot ng ganito kasi natatakot na baka makita ang bilbil at mga galis nila sa katawan." Habang sinasabi niya ito ay hinahagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

Alam kong ako ang pinapatamaan niya, pero sorry siya kasi hindi ako affected dahil una sa lahat wala akong galis kahit pa namamasura ako, makinis ako. Pangalawa wala akong bibil kahit pa wagas ako kung lumamon. Nakakaimbyerna naman ang babaeng ito. Edi siya na ang maganda at sexy! Siya na lahat! 

"Sige lang, flex n'yo lang po iyang ka-sexy-han n'yo, maganda po iyan. Support po kita."

Baka manalo na ako nito ng 'Best in Plastic Award'.

Peke siyang natawa. "Can you please drop the 'po' halos magkasing edad lang naman tayo, baka nga mas bata pa ako sayo. Stephanie na lang, alisin mo na rin ng 'miss' para na rin naman tayong magkaibigan."

"Oo nga naman, ikaw at ako magkaibigan na." Grabe, sana hindi kami tamaan ng kidlat sa ginagawa naming ito. Tsaka ano ang sinasabi niya na mas bata siya sa akin? FYI! 21 pa lang kaya ako. Anong pinagsasabi niya diyan? Parang hindi ko naman alam na basta mga artista maraming pinagpapahid iyan sa mga mukha at katawan nila kaya nagmumukha silang fresh at bata. Tsaka meron din akong naririnig na humor na nagparetoke daw itong babaitang ito. Narinig ko lang naman, malay ko ba kung totoo o hindi. 

"Pakisabi naman kay Luxwell na nandito ako," aniya pa. 

Hindi talaga makaintindi amp! 

"Wala nga siya," ani ko at sinabi ko ito in a nice way, pero sa totoo lang, naiinis na ako. 

"Ano ka ba naman, friend na tayo 'di ba? Kaya huwag mo ng itago sa akin ang boss mo. And I'm sure na matutuwa iyon kapag nalaman niyang hinahanap ko siya--na nandito ako."

Ay... iba rin, ang kapal ng face. Bakit matutuwa si Luxwell? Bakit, Clown ka ba? 

"Wala nga kasi talaga siya dito, kahit tignan mo pa, oh." Binuksan ko ang pinto para makita niya ang loob nito. Buti na lang nasa banyo pa rin si Luxwell. "Hindi naman kasi ako nagsisinungaling, wala talaga siya dito at lalong hindi ko siya tinatago sayo." Siya ang kusang nagtago sayo, natunugan niya ata na papunta ka kaya ayon nagkulong sa banyo. 

"Ganoon ba, sige kapag dumating siya pasabi na lang dumaan ako at tawagan niya kamo ako," aniya bago lumarga—I mean lumayas pala. 

Pero teka, bakit bumabalik siya? 

"May nakalimutan ka bang ibilin pa?" nakangiti kong tanong, pero sa likod nito ay inis na inis na ako. Hindi ko na kasi kaya pang makipag plastikan sa kaniya, may limitation din ang powers ko. 

"I forgot to ask. Ano nga palang ginawa mo diyan sa kuwarto ni Luxwell?"

Anong isasagot? 'Yong totoo ba?

"Ah... eh... A-ano ka—"

"Oh, Stephanie hija, anong ginagawa mo diyan?" Viglang bumukas ang katabing pinto ng kuwarto ni Luxwell at niluwa nito sa Miss Miriam. 

"Good evening po, Miss Miriam. Napadaan lang po ako. Yayayain ko lang po sana si Luxwell na mag-bar diyan sa malapit, kaso ang sabi nitong si Star, umalis daw si Luxwell."

"Yes, wala siya. Nagpaalam sa akin ngayon-ngayon lang, magpapahangin daw siya."

"Sabi nga rin po ni Star. Sige po Miss, mauna na po ako." Tuluyan nang umalis ang babaeng pinaglihi sa higad.

"Star, kapag dumating si Luxwell patulugin mo na agad. Maaga pa kasi ang shoot niya tomorrow," anito. 

Nakakapagtaka. Ano itong sinasabi ni Miss Miriam na nagpaalam sa kaniya si Luxwell? E, nandoon lang naman si bebeloves sa banyo nagjaja—nagjajack en poy kasi. Huwag madumi ang utak. Nakikipag jack en poy siya sa sarili niya sa harapa ng salamin. Nasarapan at siya kaya napatagal. 

Pumasok na ako sa kuwarto at naabutan ko si Luxwell na nakahiga na sa kama.

"Where have you been?" tanong niya. Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin.

"Doon sa labas, nakipag sabong sa makating manok," ani ko sabay higa sa sofa. Dito na ako sa sofa natutulog hindi dahil sa ayaw akong katabi ni Luxwell kundi dahil hindi lang talaga maganda na magtabi kami sa iisang kama. Kahit naman ganito ako ay may pagka dalagang pilipina pa rin ako.

Ako'y dalagang pilipina, yeah.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon