52

187 3 0
                                        

STAR'S POV

BREAKING NEWS

MISS Brabante nagsalita na sa totoong estado ng relasiyon nila ng sikat na actor na si Luxwell Delavrin. Ano naman kayang masasabi niya sa kumakalat na mga litrato at ng scandal video na bigla na lang lumitaw?

"Miss Brabante, totoo po bang may relasiyon kayo ni Luxwell Delvrin?" tanong ng isang reporter.

"Yes, we have. Itinago lang muna namin dahil gusto akong protektahan ni Luxwell. Ayaw niyang madawit ako sa kahit na anong isiyu. Pero ngayon I decided na isapubliko na ito. Sa totoo lang hindi niya alam na gagawin ko ito. Pero I know maiintindihan niya rin ako. Para sa kaniya din naman itong ginagawa ko."

"Ano naman pong masasabi mo sa pictures at sa scandal video nila ng PA niya na kumakalat?

"S-sa totoo lang... s-sobra akong nasasaktan."

"Ibig bang sabihin ba nito pinagtaksilan ka ni Luxwell?

"Hindi, kasi sobra niya akong mahal. Hindi niya magagawa sa akin iyon."

"Then, paano mo ipapaliwanag ang nangyari sa kanila ng PA niya?"

"Ayaw ko sanang sabihin ito... ang kaso sobra na talaga 'yong PA niya. Hindi ko kayang maupo na lang at manood habang sinisira niya kami ni Luxwell. Ang totoo niyan... she blackmailing my boyfriend."

"Anong ibig mong sabihin, Miss Brabante?" tanong ng reporter

"Tinakot niya si Luxwell na kapag hindi ito nakipag relasiyon sa kaniya at ginawa ang mga gusto niya ay ipapakakalat niya sa publiko na nabuntis siya ni Luxwell. Tinakot niya rin si Luxwell na magpapakamatay siya. Alam naman natin si Luxwell ay likas na mabait kaya siguro—"

Agad na pinatay ni Tesbam ang TV.

Ano iyon?... Bakit ganoon 'yong mga sinabi ng haliparot na iyon?

Walang katotohanan iyon!

Hindi totoo iyon!

Sinungaling siya!

Gumagawa lang siya ng kuwento!

"Prend, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Tesbam.

Tumango ako. "Oo naman," sagot ko kahit ang totoo hindi.

"Ang babaitang Stephanis na iyon! Desperada siya! Nakakagigil siya! Ang sarap niyang ipa-silya eletrika! Halata namang nag-iimbento lang siya! Napaka kiri niya! Talagang on national TV pa talaga siya gumawa ng kuwento." Naggagalaitong turan ni Tesbam.

"Sinabi mo pa." Sang-ayon ko sa kaniya.

Hindi ko kayang maupo lang dito. Kailangan kong makausap si Luxwell. Hindi ako naniniwala kay Stephanie pero kailangan ko pa rin ng paliwanag niya.

Kaya kahit na alam kong delikado ay pinuntahan ko pa rin siya. Nag-disguise na lang para walang makakilala sa akin.

...

LUXWELL'S POV

FUCK! I swear kapag nalaman ko lang kung sino siya babaliin ko ang leeg niya!

Gusto ko ng makita si Star but damn ang dami ko pang kilangang ayusin! Sa ngayon kailangan ko munang magtiis. Aayusin ko muna itong mga gulong dinala ko.

At damn shit! Isa pa itong Stephanie na ito! Kung ano-anong kasinungalingan ang sinabi niya. Kapag lang talaga nagkasira kami ni Star sa ginawa niyang iyon... pasensiyahan kami pero baka makalimutan kong babae siya at mabugbog ko siya.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon