STAR'S POV
PURO taping lang sila Luxwell since nira-rush daw 'yong pelikula.
Hindi muna siya tumatanggap ng mga guesting sa mga shows at sa kung ano-ano pa dahil masiyado siyang abala.
Ngayon ay bumabayahe kami papuntang isang private beach resort, iyon ang location ng set nila ngayon.
Super excited na ako dahil ang tagal na rin no'ng huli beses akong makatapak sa puting buhangin. At heto pa, one week kaming mag-ii-stay dito. Ang saya naman! Para na rin akong nagbakasyon nito.
Pero nakakalungkot lang dahil gusto rin sumama ni Tesbam, kaso hindi naman puwede. Ikuha ko na lang daw siya ng mga litrato, tapos mag iimagine na lang daw siya na nandoon siya sa picture. Dadamihan at gagandahan ko ang kuha para kahit papaano mapasiya ko siya.
"Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" tanong ni Luxwell na nagpabalik sa diwa ko.
"A-ahm, wala. Hindi lang kasi talaga ako sanay sa mahabang biyahe," pagsisinungaling ko.
"Malapit na tayo. But if you want, puwede kang matulog muna." Dama ko ang pag-aalala sa tinig niya.
"Naku, hindi na. Nakakahiya naman."
"Don't be." Tinanggal niya ang unan nasa leeg niya. Ano nga ulit ang tawag dito? Neck pillow ba?
"Here." Iniabot niya ito sa akin.
"A-anong gagawin ko diyan?" nagtataka kong tanong.
Hindi niya ako sinagot, sa halip ay dumukwang siya ng bahagya papalapit sa akin at inilagay ang neck pillow sa aking leeg, pero bago iyon inangat niya muna ang buhok ko para maayos niya itong mailagay.
"Your hair... it's beautiful." Puri niya sa buhok ko. Mahaba kasi ito at itim na itim. At kapag natamaan ito ng sinag ng araw ay para itong kumikanang dahil sa kintab.
"S-salamat." Nauutal na sabi ko. Ang sweet ng bebeloves ko. Panigurado kulay kamatis na ang magkabila kong pisngi dahil sa sobrang pagpipigil ng kilig.
Hindi na kami nag-usap pa. Hanggang sa hindi ko napansin, unti-unting bumagsak ang talukap ng aking mga mata. Kinain ako ng antok.
.
.
.
"HEY, Star?" may mahinang tumapik sa pisngi ko na naging sanhi para magising ako. "Hey, Star.... wake up, we're here." Patuloy pa rin ito sa pagtapik sa pisngi ko.
"Hmnnn... b-bakit ba? Gising kayo ng gising? Kita n'yong natutulog 'yong tao, e!" Nanatili pa rin akong nakapikit.
Pero agad din akong nagmulat ng mata nang ma-realize ko kung nasaan ako. Sa pagmulat ko ay mukha agad ni Luxwell ang bumungad sa akin... napaka lapit nito. Agad na nagtama ang a aming mga mata.
Dug!... Dug?... Dug!... Oh, my heart!
"Nandito na tayo," aniya. Ang suyo ng boses niya, sabayan pa ng nakakalunod niyang pagtitig.
"G-ganoon ba... p-pasensiya na nakatulog ako," nahihiyang sabi ko.
.
.
.
PAGTAPAK pa lang ng mga. paa ko sa puting buhangin ay kasabay nito ang pagtulo ng luha ko. At kasabay rin nito, nanumbalik sa akin ang mga alaalang kasama ko pa ang pamilya ko, my mom, dad and kuya Stanley. Namimiss ko na sila. Limang taon na rin pala ang lumipas magmula nang mawala sila sa akin. At sa limang taon na iyon... walang araw do'n na hindi ko sila na-miss. Sa loob ng limang taon... wala na akong ibang ginawa kundi magpanggap na masya, na ayos lang ako, na malakas ako, na walang akong problema at mabigat na dinadala... kahit ang totoo pagod na pagod na ako, pero kasi sa uri ng buhay na meron ako ngayon... bawal ang mapagod at sumuko. Kailangan lumaban anuman ang hamon ng buhay.
No'ng buo pa kami at kasama ko pa sila, palagi kaming nasa beach, gustong-gusto namin ang kumikanang na asul dagat, ang puting buhangin, ang amoy ng karagatan at ang tunog ng paghampas ng alon sa dalampasigan. Kaya nga nagpatayo si daddy ng bahay malapit sa dagat. Ang bahay na ito ay tinawag naming 'La Paradiso', para sa amin ito ang aming munting paraiso. Halos doon na ako tumira, ako lang, kasi si Mom and dad busy sa business namin habang si kuya Stanley naman ay kumuha ng condo kasi medyo malayo ang pinapasukan niyang paaralan. Pero pagsapit ng weekend sama-sama kami sa La Paradiso.
Bahay bakasiyonan lang namin iyon, mayroon talaga kaming bahay sa siyudad malapit sa family business namin, pero mas pinili kong tumira sa La Paradiso.
Pero ngayon wala na ito... wala na ang lahat sa akin. Sa isang iglap nagbago ang buhay ko. Prinsesa noon, isang hamak dukha na lang ngayon.
"Why are you crying? May problema ba?" Si Luxwell bigla na lang siyang smulpot sa harapan ko. May pag-aalala sa kaniyang mukha.
'Yong tanong niya lalong nagpaiyak sa akin. Hindi ko na napigilan pa... agad ko siyang niyakap. I wrapped my arms around his waist.
Ngayon lang naman, e. Hayaan n'yo na ako--pagbigyan n'yo na ako, kahit isang araw lang na maging totoo ako sa nararamdaman ko--na ipakita kong mahina ako--na malungkot ako at nasasaktan.
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paggapang ng isang kamay ni Luxwell sa likod ko, habang isa naman ay masuyong humahaplos sa likod ng ulo ko na para bang kino-comfort niya ako.
"Shhh... tahan na," alo niya sa akin.
Bakit ganoon? Ang sabi niya tahan na, pero bakit mas lalo lang akong naiyak?
Siguro dahil na-miss ko lang 'yong pakiramdam may nag-aalala sa akin.
Habang nasa mga bisig niya, pakiramdam ko safe ako... parang gumaan ang pakiramdam ko.
Nasa ilang minuto rin siguro kaming magkaykap at ako na rin ang kusang bumitaw.
Hindi talaga ako nag-iisip. Paano kung may makakita sa amin at picturan kami?
Bahagya akong umatras para magkaroon ng kaunting espasiyo ang pagitan namin.
"P-pasensiya na..." nakayukong sabi ko. "H-hindi ko sinasadyang yakapin ka. N-nadala lang ak-"
"Are you okay now?" Tinawid niya ang kaunting distansiya namin.
Ano ba iyan, lumayo na nga ako, e! Bakit lumapit na naman siya? Bakit kailangan niya pang lumapit?
At napatanga ako sunod niyang ginawa... he wipe out the tears on my face.
"Hindi bagay sayo ang umiyak..." halos bulong na sabi niya.
Wala na. Tuluyaan na akong inilipad sa alapaap ng mga salita at aksiyon niyang talaga namang nakakapanghina ng tuhod... napaka gentleman niya.
Dug!... Dug!... Dug!...
Ang puso ko, naghurumentado sa bilis ng tibok.
"A-ayos lang ako. A-ayos na ako. S-salamat..." kanda utal-utal na sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...