30

108 2 0
                                    

STAR'S POV 

GABI na at kasalukuyan ako ngayon nakahiga sa sa papag, hindi pa ako matutulog dahil abala pa ako sa pakikipagpalitan ng mensahe sa bebeloves ko. 

Ngayong araw hindi ako pumasok, kasi ang sabi niya magpahinga daw ako, pero hindi ko naman nagawa dahil naglinis ako ng bahay at habang ginagawa ko ito ay apura ang pakikipag text ko sa kaniya. Mukhang pahinga day niya rin ngayon. 

Grabe siya, maya't maya ang pagte-text sa akin. He's asking me kung kumain na ba ako, kung anong ginagawa ko, at kung ano-ano pa. I didn't know na mahilig pala siyang makipag text.

Nag-vibrate ang phone ko, sign na may message na naman at siyempre galing na naman 'to sa bebeloves ko. 


Luxwell:
Dapat pala hindi na kita pinag-day off. Dapat pinapasok na lang kita, tapos dito ka na lang nagpahinga para at least nakikita kita.

Hindi ko napagilan ang mapangiti habang binabasa ang mensahe niya. 

Muling nag-vibrate ang phone ko. 


Luxwell
Miss na kita.

Ihhhh... Ano ba iyan! Nangingisay na ako dahil sa labis na kilig. Grabe naman kasi magpakilig ang lalaking 'to! 

I miss you too my bebeloves.

Nagtipa ako ng ire-reply sa kaniya. 


Ako:
Para kang sira, kakakita lang po kaya natin kahapon. 

Bet ko munang magpakipot. 


Luxwell:
Hindi ako sanay na dumaan ang isang araw hindi kita nakikita. 

Wala na. Hindi ko na napiligilan ang mapatili. "Waaaahhhhhhh!!!" Nagpagulong-gulong ako sa higaan ko. 
Bahala na kung makaistorbo ako ng mga natutulog kong kapibahay. 

Hindi pa ako nakuntento, bumangon pa ako sa pagkakahiga at nagtatalon sa ibabaw ng papag. Bahala na rin kong masira ito. Ang mahalaga mailabas ko itong kilig na nararamdaman ko, baka kasi mamaya kapag nagpigil ako ay sa puwet ko pa ito lumabas. 

"You're my honeybee, sugarpop
Dumpy-dumpy pumpkin 
You're my bebeloves
You're my puppylove 
Truelove, forever and ever
You're the only in my heart" Biglang nag-ring ang phone ko. 

Hehe! Ang cute ng ring tone ko 'no? Tangging magaganda lamang ang merong ganiyang ringtone. Kung wala ka niyan ibig sabihin hindi ka maganda. Pero, bakit kaya siya tumatawag? 

Inayos ko muna ang sarili ko ko bago ko sinagot ang tawag niya. Naks! Akala mo talaga makikita niya ako 'no? E, bakit ba? Gusto ko lang naman maging presentable kahit pa ba sa telepono lang kami mag-uusap. 

"Hello?" Ano ba iyan, nautal pa ako. "Napatawag ka?" tanong ko. 

"I just wanna hear your voice." Ang husky ng voice niya. Ang sexy ng dating. Nakakapanindig balahibo. 

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Ayaw na rin makisama ng bibig ko, ayaw na nitong bumuka. 

"Bakit gising ka pa?" he asked.

He asking me kung bakit gising pa ako? E, bakit hindi niya kaya itanong sa sarili niya? Kung hindi ba naman siya itong text ng text sa akin. But anyway, super like na like ko naman, e. 

"E, kasi po may lalaking text ng text sa akin." Sagot ko sa tanong niya. 

"What? Who?---Who the fuck is that!?" 

Ha? Anong sinasabi niya diyan? Hello, siya kaya ang tinutukoy. Kasi sino pa ba? E, siya lang naman itong nagte-text sa akin wala ng iba pa. Hindi ba siya na-inform ng sarili niya? Ano lutang lang? 

"Mr. Delavrin, sa tingin mo sino?" tanong ko sa kaniya. 

"Really, Star? Ako pa talaga ang tinanong mo?" 

May pagka shunga din pala itong bebeloves ko. 

"It's you, Mr Delavrin."

"Me?"

"Oo. Ikaw 'yong the fuck na text ng text sa akin." Oh, 'di ba minura mo sa sarili mo. 

"Damn!" mahina niyang mura. At binabaan niya rin ako ng telephono. 

Napailing na lang ako. Ang cute-cute ng bebeloves ko. Hihihi! 

...

TINGIN sa kanan, tingin sa kaliwa. Ganito ako palagi every time na tumatapak ang paa ko dito sa UABC network. Sinisigurado ko lang na walang nakakalat na fans ni Luxwell bago ako pumasok sa napakalaking gate ng UABC. Minsan kasi may mga batalyon ng fans niya ang naghihintay at nagbabakasakaling makikita siya dito sa labas ng gate at kapag bumukas ang gate ay kinukuha nila ang pagkakataong iyon para sapilitang pumasok ng gate. Ganoon sila kadesperadang makita si Luxwell. 
Ang one more thing, si Luxwell, hindi niya tinatanggap ang guesting sa mga show kapag ito ay naka-live. Dinadagsa kasi ng fans niya ang location ng naturang show. Ganiyan kalakas ang impact ni Luxwell sa mga tao. Kaya more on shooting-shooting lang siya. 

Kilala na ako ng mga guard dito kaya agad na nila akong pinapasok. Oo mga guard, kasi sobrang dami nilang nagkalat sa labas at maging sa loob nitong building. Dito pa nga lang sa gate sampung guard na agad ang nagbabantay. Sabagay sobrang laki ba naman kasi ng gate nito, para itong gate ng isang palasiyo. Ang UABC ang number one network ngayon dito sa Pilipinans. Talagang namang sobrang namamayagpag ito... at dahil itong lahat kay Luxwell Delavrin. 

Napak higpit ng seguradad dito, kaya siguro mas pinili na rin ni Luxwell na dito na tumuloy.

"Good morning po." Bati ko sa lahat ng mga taong nakakasalubong ko. Lagi naman akong good mood, pero nadoble ngayon. Dapat tayong magpakalat ng positivity at good vibes para happy lang. 

"Tok, tok!" Katok ko sa pinto ng kuwarto ni Luxwell. Natuto na akong kumatok. Nadala na kasi ako, baka mamaya kung ano pang makita ko. 

Hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto. Si Luxwell ang nagbukas nito, at mukhang kagigising niya lang dahil gulo-gulo pa ang buhok niya. 

Sayang bakit hindi siya naka-topless? Miss ko na 'yong mga pandesal niya, tagal na rin no'ng huli ko itong makita. 

Ubod ng tamis ko siyang nginitian. "Good mor—Ay putakte! 

Bigla niya akong hinila papasok sa kuwarto. 

"Nakakagulat ka naman! Nagiging hobby mo na iyang bigla-bigla na lang nanghihi—" 

Hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko dahil hinapit niya ang baywang ko at... NIYAKAP NIYA AKO! 

"I miss you, my Star." He whispered on my ear. At ayan naman po ang paos niyang boses. 

Wala na. Lunod na lunod na ako. 

Ba-ba-ba-ba-ba-nana~
Ba-ba-ba-ba-ba-nana~
Banana-ah-ah~

Wala na. Natulala na ako. 

Dug!... Dug!... Dug!... 

Dug!... Dug!... Dug!... 

Dug!... Dug!... Dug!... 

Wala na. Nagwala na naman ang puso ko. 

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon