STAR'S POV
BIGLA na lang umalis si Luxwell matapos niyang makita si kuya Stan. Hinabol ko pa nga siya kaso hindi niya ako pinansin. Agad siyang sumakay ng sasakyan at pinaharurot paalis, pero buti na lang talaga sobrang aga pa kaya hindi siya napansin ng mga kapitbahay namin.
Pagbalik ko sa bahay ang seryosong mukha ni kuya ang sumalubong sa akin. "Layuan mo ang lalaking iyon, Stannah," maautoridad na sabi niya.
"K-kuya? Nalilito kong tawag sa kaniya.
"Hindi mo ba narinig? Ang sabi ko layuan mo ang lalaking iyon!" Pagtaas niya ng boses sa akin.
"Pero, bakit? Hindi kita maintindihan, kuya. Bakit ko siya kailangang layuan?"
"Dahil hindi siya makakabuti sayo! Sasaktan ka lang niya!"
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo, kuya? Kilala mo ba siya? Magkakilala ba kayo?
"Ang lalaking iyon, hindi siya makakabuti sayo! Kaya layuan mo na siya hanggat maaga pa. Sasaktan ka lang niya!"
Sunod-sunod akong umiling. "H-hindi, kuya. Hindi niya gagawin sa akin iyon dahil mahal niya ako!"
"Wala kang alam, Stannah. Makinig ka na lang!"
"Ikaw ang walang alam, kuya! Nagmamahalan kami! Mahal namin ang isa't isa!" sigaw ko.
"Damn! Makinig ka na lang, para naman sa ikakabuti mo itong ginagawa ko."
"Ikakabuti?" peke akong natawa. "Hindi, kuya. Hindi iyan para sa ikabubuti ko... kasi nilalayo mo sa akin ang taong mahal ko!" Nagbabadya na luha sa aking mga mata. "Ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganiya, ha?
"Please, Stannah, makinig ka na lang sa akin."
"Bakit ba, kuya? Anong dahilan? Bakit kung makapagsalita ay parang kilalang-kilala mo si Luxwell?..."
"Dahil, Oo! Kilala ko siya ng higit pa sa pagkakakilala mo sa kaniya. Marami ka pang hindi alam tungkol sa kaniya."
"Naguguluhan na ako! Hindi ko maintindihan. Bakit ba kasi kailangan ko siyang layuan? Anong hindi siya nakakabuti sa akin? Anong sasaktan niya lang ako? Anong Marami pa akong hindi alam sa kaniya? Ipaintindi mo naman, ipaunawa mo naman sa akin! Hindi ako manghuhula!" Hindi ko na nakayanan, pumatak na ang mga luha ko.
"Mas mabuti ng hindi mo alam." Seryosong turan niya.
"E, gago ka pala, e!" Hindi ko na napigilan na murahin siya, maging siya nagulat din sa ginawa ko. "Ayaw ko. Hindi ko siya lalayuan!" ani ko sabay takbo palabas ng bahay.
.
.
.
KELERKI naman iyang kuya Stanley mo, prend. Pinapalayo ka talaga kay Luxwell? E, ano daw ba ang dahilan?
Kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyari kanina, ultimo 'yong sagutan namin ni kuya Stan.
"Iyon na nga, e. Ayaw niya sabihin sa akin. Basta daw lumayo lang ako kay Luxwell dahil saksaktan niya lang daw ako." Muli na namang pumatak ang luha ko.
Buong buhay ko ngayon lang kami nagtalo ng ganito ni kuya. Ni sigawan nga hindi niya magawa sa akin dati, ngayon lang talaga. Ganoon niya ba talaga kaayaw kay Luxwell?
Lumapit sa akin si Tesbam at niyakap ako. "Prend, baka naman may malalim talagang dahilan si Stanley. Hindi niya naman siguro niya sasabihin iyon kung hindi talaga sa ikabubuti mo. Baka gusto ka lang niyang protektahan at baka talagang kilala niya si Luxwell."
"Kahit na ano pa ang dahilan niya... hindi na magbabago ang isip ko. Hindi ko lalayuan si Luxwell."
"Mahal mo na talaga siya 'no?"
"Sobra, prend. Alam kong alam mo iyan."
"Sobrang mahal mo siya to the point na pati kuya mo sinusuway mo."
"Hindi naman sa sinusuway ko si kuya, sadyang mahal ko lang talaga si Luxwell."
Ganoon naman talaga siguro kapag nagmamahal, kahit ano gagawin natin manatili lang sa piling natin ang taong mahal natin kahit pa ang kapalit nito ay ang pagtalikod sa pamilya natin.
.
.
.
PAGKAUWI ko sa bahay naabutan ko si kuya na nagluluto ng hapunan namin. "Malapit nang matapos itong niluluto ko. Maupo ka na dito sa may lemasa, kakain na tayo."
"Kumain na ako kila Tesbam," ani ko. Kahit ang totoo hindi pa. Do'n sana talaga ako kakain ang kaso manghihingi lang din pala si prend ng pagkain dito.
"Kumain ka ulit. Niluto ko ang paborito mo."
"Busog na ako." Ngayon ang lambing-lambing niya pero kanina kung pagtasaan niya ako ng boses ay parang hindi niya ako kapatid. Hindi ko siya bati. Nagtatampo ako sa kaniya. Tinalikuran ko siya. Tinungo ko ang papag at nahiga na dito. Patigilid akong nakahiga, nakaharap sa dingding. Nagtalukbong din ako ng kumot. Ayaw ko siyang makita.
"Stannah?" tawag sa akin ni kuya.
Hindi ko siya pinansin at nagpanggap na lang na tulog. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa papag sa bandang gilid ko.
"Stannah, huwag ka sanang magalit kay kuya. Ayaw lang kitang masaktan ng lalaking iyon. Kung alam mo lang kung gaano siya kasama."
"Hindi siya masama, puro ka kasi panghuhusga, e. Bakit hindi mo muna siya subukang kilalanin bago mo sabihing masama siyang tao." I said in my mind.
Hanggang maramdaman ko na lang may humalik sa noo ko. "Mahal na mahal kita, Stannah at bilang kuya mo gagawin ko ang lahat para protektahan ka, hindi ko na hahayaan na saktan ka din ng lalaking iyon.
Papatunayan ko sayong mali ang mga iniisip mo sa kay Luxwell. He's a good man, he loves me at sapat na dahilan na iyon para hindi niya ako saktan.
***
LUXWELL'S POV
NAGBALIK na pala ang gago. Lakas ng loob niyang magpakita pa sa akin pagkatapos ng ginawa niya. Hayop siya! Gago siya! Mamatay na siya! Sa sobrang galit ko ay naibato ko ang bote ng alak na hawak ko.
"Easy lang, dre. Ano na naman bang ikinaiinit ng ulo mo at nagyaya kang uminom?" tanong ni Quel.
"He's back."
"Who?" tanong niya.
"Stanley."
"Woah! Totoo? 'Di nga? Nagkita kayo?"
"Yea."
"Kaya ka pala nagkakaganiyan."
"When I saw him... bumalik lahat, damn! Gusto ko siyang bugbugin hanggang sa mabasag ang mukha niya at magkalasog-lasog ang buto niya... hanggang sa mamatay siya!" Nagtatagis ang bagang na sabi ko.
"Alam na ba ni Star ang isiyu n'yo ng kapatid niya?"
Sa halip na sagutin siya ay mas minabuti ko na lang manahimik at nagbukas ulit ng panibago bote ng alak.
"Sana hindi masira ang relasiyon n'yo ni Star dahil lang sa nakaraan," ani ni pa Quel.
Damn! Dapat hindi na siya bumalik!
You're wrong Quel, wala ng masisira dahil sa umpisa pa lang sira naman na talaga.
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomansLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...