STAR'S POV
HABANG lumipas ang mga araw ay lalo kaming napapalapit ni Luxwell sa isa't isa.
Mas lalo ko siyang nakikilala, he's very caring and thoughtful kind of guy. Day by day mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Akala ko talaga dati nasa punto na ako na mahal ko na siya, pero hindi pala kasi ngayon mas lalo ko pa siyang minahal.
"Luxwell, bakit tayo nandito? Akala ko ihahatid mo na ako?"
Tapos na ang taping niya, pasadong alas otso na siguro ng gabi. Tapos na rin kaming kumain nagpa-deliver lang siya. Kasi 'di ba nga bawal siyang pumunta sa mga public places.
Nandito kami ngayon sa—hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na ito pero mula rito sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ko ang buong siyudad. Gabi na kaya nagmistulang mga bituin ang mga gusali at mga kabahayang binubuhay ng mga makukulay na ilaw.
"I just want to be with you..."
Napalabi ako. "Lagi naman kaya tayong magkasama."
"Ang gusto ko... just the two of us… tayong dalawa lang, Star."
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa bewang. "Aguyyy!... Hindi mo naman sinabi agad." Hmn... sininghot-singhot ko siya. Ang bango-bango niya talaga. "Thank you for bringing me here. Ang ganda-ganda dito."
"This place is my favorite place..."
Napatingala ako sa kaniya.
"Every time that I come here... pakiramdam ko malaya ako."
Ako lang o talagang biglang lumungkot ang boses niya?
Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya. Siguro ang pakahulugan niya sa sinabi niya ay dahil nga sa artista na siya ay nawalan na siya ng kalayaan na mabuhay katulad ng mga ordinaryong tao. Nagkaroon ng limitasiyon ang mga bagay na puwede niyang gawin at lugar na puwedeng mapuntahan.
"But nang makilala kita, Star... binigyan mo ng kulay ang madilim kong mundo. Akala ko habang buhay na lang akong matatago likod ng mga camera, na habang buhay na lang akong magkukubli sa pekeng ngiti. Star, pinalaya mo ako sa pekeng mundong binuo nila—ng mga tao para sa akin."
Napatitigal ako sa mga sinabi niya.
"Star, hindi ko na kaya."
"Ha?... Bakit?... Ano iyon?" Bigla akong nataranta. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Star, my feelings for you increasing day by day.
Napalunok ako. "A-anong ibig mong sabihin?... "
"Star... mahal na kita."
Nanlaki ang mata ko. Nalaglag ang panga ko.
Totoo ba itong narinig ko? ... M-mahal ako ni Luxwell?
.
.
.
"SALAMAT sa paghatid," pagpapasalamat ko kay Luxwell bago ako lumabas ng sasakyan niya.
Ambang maglalakad na ako ng tawagin niya ako.
"Star?"
Lumingon ako. "Hmn... Bakit?"
"'Yong sinabi ko kanina... totoo iyon, I really do love you...."
Nginitian ko lang siya. "Good night, Luxwell," ani ko bago tuluyung pumasok ng bahay.
Kanina no'ng nag-confess siya sa akin natulala na lang ako.
Wala ng ibang tumakbo sa isip ko kundi ang mga salitang binitawan niya.
"Star... Mahal na kita."
Hanggang ngayon paulit-ulit pa rin na nagre-replay sa utak ko ang masuyo niyang boses habang binabanggit ang mga salitang iyon.
Masiyado akong nabigla sa nangyari---sa pag-amin niya. Hindi ako makapaniwala. Iniisip ko nga na baka I'm just dreaming or hallucinating lang, e.
Pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ako. Mas pinili ko na lang manahimik. Oo mahal ko rin siya pero hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kaniya ito. Ang plano ko kasi ay sa premiers night na lang ng movie niya sabihin para mas memorable at ito na rin ang magsisilbi kong regalo sa kaniya.
...
"TOK, tok!"
Ano ba iyan, ang aga-aga. Sino kaya itong telepandas na ito?
Sigurado akong hindi ito si Tesbam dahil alam n'yo naman ang baklang iyon, palaging inuuna ang bunganga.
Tinatamad akong bumangon sa higaan. Teka, anong oras na ba?
Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na. Ala sais pa lang pala ng umaga, seven thirty ang call time ni Luxwell.
Salamat na rin dito sa kung sino man ang kumakatok na ito dahil nagising ako ng maaga.
Nagtungo ako sa pinto para buksan ito. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang itsura ko, bahala na kung mukha akong mamaw.
Pagbukas ko ng pinto ay isang pumpon ng red roses ang bumungad sa akin at ang lalaking may hawak nito ay walang iba kundi ang aking bebeloves.
Si Luxwell.
"Flowers for the most beautiful and brightest Sta—" Natigilan siya sa pagsasalita at napalunok habang na titig sa akin....
Hala!
Agad kong sinarado ang pinto. Nakakahiya! Nakita niya ako na ganito ang itsura! Gulo-gulang ang buhok, amoy laway, may muta-muta pa at higit sa lahat... wala akong bra at tanging manipis na sando lang ang suot!
Waahhh! Nakakahiya talaga! Natanaw niya ang bundok kong pinakatago-tago at pinagkakaingatan!
Grabe, bakat na bakat ang utong ko sa suot ko!
Oh, lupa kainin mo na ako, as in now na!
...
LUXWELL'S POV
DAMN!
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ni Star kanina.
She's so hot!
Hanggang ngayon napapalunok pa rin ako at damn pinagpapawisan ako!
Medyo nakaramdam din ako ng inis. Bakit siya lumabas ng ganoon ang itsura niya? What if hindi ako ang kumatok at ibang lalaki pala?
Damn! Iniisip ko pa lang parang gusto ko ng manapak!
Ang babaeng ito talaga napaka padalos-dalos.
Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pinto.
Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Hindi gaya kanina ay mas matino na ang damit na suot niya. She's wearing oversized shirt—teka may suot kaya siyang short sa ilalim ng damit niya?
"A-ahm... g-good morning." Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Namumula na naman ang pisngi niya.
Damn, so cute!Hindi na ako nagkapagpigil. I grabbed her waist and pulled her closer to me, then walang ano-anong hinalikan siya labi. Ang labing ito ay hindi ko pagsasawaan kailanman.
"Sandali, Luxwell..." Bahagya niya akong tinulak. "B-baka may makakita sa atin dito."
I chuckled.
Muli ko siyang hinalikan at walang sabi-sabing binuhat siya. Agad namang yumakap ang mga braso niya sa leeg ko at ang mga hita niya ay pumulupot sa bewang ko.
Itinuloy namin sa loob ng bahay niya ang pagpapalitan ng mapupusok na halik.
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...