STAR'S POV
BUNTIS si Star?
Magiging daddy na ako?
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang saya ko pero natatakot pa rin ako para sa buhay ng mag-ina ko.
"I'm sorry, baby. I'm so sorry kung hindi kita na protekthan." Kausap ko kay Star na ngayon ay parang lantang gulay na nakaratay sa hospital bed. Napakaraming makina sa paligid niya. Habang pinagmamasdan ko siya ay parang pinipiga ang puso ko. Nakabalot ng benda ang ulo niya at may tubo sa kaniyang bibig, may mga galos at pasa din siya sa iba't ibang parte ng katawan niya.
Napaluha ako. I touched her beautiful face gently. "Baby, please fight, lumaban ka para sa akin, para sa anak natin. Oo, sa anak natin, kasi buntis ka, magkaka-baby na tayo but don't worry because the baby is safe at sisiguraduhin ko din na safe siya hanggang sa magising ka." I know I sound so stupid but damn! I don't care. Alam kong naririnig niya ako. Gusto kong malaman niya na nandito lang ako, naghihintay sa kaniya... kaya dapat hindi siya sumuko.
"Thank you for such a wonderful blessing, Star." Hinaplos ko ang tiyan niya. Hindi pa halatang bump nito pero alam kong may buhay na sa loob nito. "Don't worry, kahit magkaka-baby na tayo you are still my baby. So please fight. Gusto ko pang alagaan kayo ng magiging anak natin." Bahagya akong yumuko at hinalikan siya sa noo. Hinalikan ko rin ang tiyan niya. "Hey, my little angel, please i-guide mo si mommy pabalik sa akin--sa atin. Pakikurot naman si mommy diyan sa loob para magising na siya, kasi miss na miss ko na siya." Barag ang boses na kausap ko sa tiyan niya.
"P-please, baby wake up, I need you." Ganoon na lamang ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko na kakayanin kung mawawalan na naman ako ng mahal sa buhay. Si Star na lang ang meron ako.
...
PAREHO kami ngayon nakaupo ni Stanley dito sa upuan sa labas ng kuwartong kinalalagyan ni Star.
"Ngayon naiintindihan ko na ang nararamdaman mo. Kung bakit ganoon na lang ang galit mo sa akin no'ng mamatay ang kapatid mo. Parang gusto ko rin pumatay," wika ni Stanley.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya mas pinili kong manahimik na lang. Ni minsan hindi ko iniisip dadating kami sa puntong makakapag-usap kami ng ganito, 'yong parehong kalmado.
"Mahal mo ba talaga si Stannah? Hindi ba ito parte lang ng paghihiganti mo?" tanong niya pa.
"Hindi, hindi ito parte ng paghihiganti ko. And yes, I really lover her--your sister... more than my life."
"Hindi ako boto sayo para sa kaniya."
"Alam ko. Hindi na ako magtataka. Expected ko n—"
"Gulo lang ang dala mo sa buhay ng kapatid ko." Putol niya sa akin.
"I know that too, but I lov—"
"May parte sa akin na sinisisi ka sa nangyari sa kaniya." Muling putol niya sa sinasabi ko.
Sinisisi ko rin ang sarili ko. Tama siya gulo lang ang dala ko sa buhay ni Star. Pero mas lalong gugulo ang buhay ko kung mawawala sa akin ang babaeng mahal ko.
"Pero wala namang mangyayari kung sisisihin pa kita. Ang tanging gusto ko lang maging masaya si Stannah. Kung sayo siya sasaya then ipapaubaya ko na siya sayo. At isa pa nabuntis mo na siya kaya panindigan mo siya. Pero sa oras na saktan mo ang kapatid ko, ilalayo ko na talaga siya sayo."
Damn! Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako sanay na makipag-usapan sa kaniya ng ganito.
Tumayo siya pagkakaupo at naglakad na palayo.
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...